Advertisements

UNAIRED INTERVIEW: VICE GANDA GRILLS SOLICITOR GENERAL JOSE CALIDA

24 10 2018

00000VG

Welcome po sa GGV, Mr. Solicitor General!

Isang malaking karangalan ang mag-guest dito. Maraming salamat sa pag-invite mo sa akin, Vice.

Actually, office ho n’yo ang nakiusap sa management na i-guest kayo dito.

Hehehe Palabiro ka talaga Vice.

Hindi po ako nagbibiro. ‘Yun ang sabi ng boss namin.

Baka isipin nila totoo ang sinasabi mo.

Totoo ho ‘yon. May letter pa nga ho kayo.

Sige, sige… para matigil ka na lang, let’s pretend na staff ko nga ang nakiusap. Para tapos na.

Naku Sir. Let’s not pretend. Kasi kayo ho talaga ang sumulat. Pirmado n’yo ang letter of request. Ang kulit!

Kaya ikaw ang number 1 comedian ngayon eh. Magaling kang magbiro.

Magmamaang-mangan na lang ho ba tayo buong gabi o itutuloy natin ang interview?

Nandito na rin lang ako, siyempre gusto kong ituloy ang interview.

Napanood n’yo ho ba ang guesting dito ni Harry Roque?

Hindi eh. Pero regular viewer mo ako Vice. Kung wala rin lang akong ginagawa ‘pag Sabado nang gabi, pinapanood talaga kita.

Linggo ho ang GGV.

Alam ko. ‘Yun nga ang sinabi ko.

Sabado ho ang sinabi n’yo.

Linggo ang sinabi ko.

Kasasabi n’yo lang na Sabado. Kahit i-playback pa ho natin. Wala kayong sinabing Linggo.

Let’s pretend na Sabado nga ang sinabi ko. Pero fan mo talaga ako.

Nambola pa ang ‘king inang to.

Narinig ko ‘yun.

Ipinarinig ko ho talaga.

Ok.

Malapit na po ang Halloween. Kung bibili po kayo ng Halloween costume, bakit pa?

What do you mean, “Bakit pa?”

Ano ‘to? Magpi-pretend na naman tayong ‘di n’yo naintindihan ang tanong?

Paki-rephrase na lang.

Ganito na lang. Kapag nananalamin ho ba kayo, hindi n’yo sinisisi ang Diyos?

Alam mo, tayong lahat ay mahal ng Diyos at naniniwala akong pare-pareho ang tingin n’ya sa atin.

Hindi ho ako papayag. HINDI AKO PAPAYAG na ang tingin sa akin at tingin sa ‘yo ng Diyos ay pareho!

Opinyon mo ‘yan Vice.

Sila rin ho, ang ating studio audience.

[Studio Audience: Kurek!]

* * * * * * *

Anyway, punta na tayo sa mga isyu. Nanalo ho sa Makati RTC si Senator Trillanes, talo kayo. Napasimangot ho ba kayo nang marinig n’yo ang balita?

Siyempre naman. Tayo ang nagsimula niyan eh.

Paano n’yo ho nalamang nakasimangot kayo?

Anong tanong ‘yan?

I mean, nakikita n’yo pa ba ang difference kung nakasimangot kayo o hindi?

Kanina ka pa Vice. Bakit ‘di mo na lang ako diretsuhin: pangit kayo!

Kayo ho ang nagsabi niyan, hindi ako. And to be fair to me, hindi ko inisip na pangit kayo.

Salamat naman kung gano’n.

Charot lang. Hihihi

Matagal pa ba?

Nagmamadali ho kayo? May naghihintay na Grab sa labas? Sandali na lang ho. Sabi sa news, ‘di na raw kayo magsasampa ng motion for reconsideration sa Makati RTC at diretso na raw kayo sa Court of Appeals. Sino po sa tingin n’yo ang mas may appeal, ‘yung court o si Senator Trillanes.

Siyempre ‘yung Court. Sus, walang sinabi ‘yang unggoy na si Trillanes ‘no!

Wooooow. Kung unggoy ho si Trillanes,

‘Wag mo nang ituloy. Babalik na naman sa akin ‘yan.

Ang brilliant n’yo! Paano n’yo nalaman? Hihihi Anyway, sabi sa research, mula raw nang maupo kayo sa gobyerno, nakakuha ang inyong security agency ng 16 government contracts worth 358.3 million pesos! Samakatuwid

Vice, there is nothing wrong or unlawful with that!

Sandali lang, wala pa ho akong tanong. Ang tanong ko: bakit hindi namin dapat paniwalaan ang research?

Ibahin mo ang tanong Vice.

So, totoo pala ang research?

Again, I see nothing wrong with that. Ano bang masama sa pagnenegosyo? Kahit naman ikaw Vice, may negosyo ‘di ba?

Pero hindi ho sa gobyerno. ‘Yung kinukubra n’yo, pera ‘yun ng gobyerno.

Teka lang. Akala ko ba galit ka rin kay Trillanes? Bakit parang ini-imply mong corrupt ako?

Wala ho akong ini-imply.

‘Buti naman.

Sinasabi ko mismo.

Na corrupt ako?!?

Kayo ho ang nagsabi niyan.

Mahaba na ang interview na ‘to.

Sandali na lang ho. May babasahin lang akong mean tweets tapos mag-comment kayo. Heto ang una.

1CalidaTweet2

Ano hong masasabi n’yo?

No comment ako d’yan kasi hindi ako book.

Eh ano ho? Bukbok? Charot! Next tweet ho.

1CalidaTweet

Nasubukan n’yo na bang magpa-Belo?

No way! Ang nagpapa-Belo lang, ‘yung mga taong insecure at kulang sa self-confidence!

Taraaaay! Iba rin ang confidence n’yo Sir. Hiyang-hiya naman si Enrique Gil sa kutis n’yo. O, last na ‘to!

1CalidaTweet3

‘Yung totoo po, nasasaktan pa ba kayo kapag tinatawag na pangit?

Sabi nga nila, “the truth hurts.” Hindi ako naha-hurt. Kapag hindi ka naha-hurt o napipikon, ibig sabihin, hindi totoo ang sinasabi nila.

Eh ‘pag sinasabihan ho kayong corrupt?

Putang ina nila! Mga hindot na ‘king inang putang inang mga ‘yan; mga demonyong dilawan! Mamatay na kayo mga putang ina n’yo! Mga walanghiya! Mga hayop! Fuck you! Fuck you! Fuuuuuuuuuuuck you!

Maraming salamat Sir! Palakpakan naman natin, Solicitor General Jose Calida.

[APPLAUSE]

Watch the full on interview on GGV on November 31, 2018 after Rated K.
__________________________________________________________________________________________
“Whoever is detected in a shameful fraud is ever after not believed even if they speak the truth.”
~Phaedrus

Sound Bites
“A victory for justice, rule of law and democracy for the country.”
~Sen. Antonio Trillanes IV on Judge Andres Soriano’s ruling

Ballsy.

I am on Twitter: @HecklerForever8.

[Photos: ABS-CBN News]

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: