Advertisements

EXCLUSIVE! CHIEF JUSTICE, RUMESBAK

27 08 2018

OFFICIAL STATEMENT
Chief Justice
Supreme Court of the Philippines

SABADO, August 25. Magtatanghali noon.

Nasa fruits and vegetables section ako sa supermarket nang matanggap ko ang isang text message. Ang sabi:

AAAUwian Na

Hindi ko na-gets ang message ni Mareng Gloria kaya nag-reply ako.

AAAUwian Na2

At sumagot naman siya:

AAAUwian Na3

Napatalon ako sa labis na tuwa. Naitulak ko tuloy nang ‘di sinasadya ang push cart at nabunggo nito ang kalapit na table. Nahulog ang dalawang pirasong ampalaya. Tse! Pati ba naman dito may hater!

Nagsunud-sunod na ang tawag at text sa akin. To cut a long story short, hindi na ako namili. Umuwi na lang ako. Hindi ko kinaya ang moment na ‘yun. Iba! On my way home, nag-log in ako sa Twitter using my secret account. Bahala na kayong humula kung ano ang Twitter handle ko. Basta ang clue, active na active ako. ‘Di n’yo lang alam na ako ‘yun.

Pero pingsisihan ko ang paggamit ng Twitter nang araw na iyon. Grabe! Ang daming nega. Ang daming inggitera. Ang daming bashers. ‘Yung isa nga, muntik ko nang replyan, “Ganda ka ‘teh?” Kaya lang baka mag-boomerang. ‘Wag na lang.

Pero dahil sa walang tigil na batikos sa akin, nagpasya akong maglabas na lang ng maikling pahayag para maipagtanggol ko naman ang aking sarili. Ito na nga ‘yun.

Sabi nila, ambisyosa at ganid daw ako sa kapangyarihan. Excuse me! Hindi ako ambisyosa.

Sabi nila, shameless at bitter daw ako. Excuse me! Hindi ako shameless!

Sabi nila, wala raw akong integridad at wala ring delicadeza! Excuse me again! Meron akong integridad.

Sabi nila, tuta raw ako ni Duterte at gagamitin ni Bongbong para maging bise presidente! Excuse me! Hindi ako tuta ni Duterte.

At ang hindi ko talaga matanggap, ‘yung sabihin nilang, “Pangit ka na nga, pangit pa ang ugali mo.” Excuse me! EXCUUUUSE ME! Basta.

Sa aking kaarawan sa Oktubre ay magreretiro na rin ako. Sa madaling salita, apatnapu’t isang araw lang akong mauupo bilang Chief Justice. Pero wala sa ikli o haba ng termino ‘yan. Kung desidido kang wasakin, I mean, paglingkuran ang bansa mo, magagawa mo ‘yan sa panahong ipinagkaloob sa ‘yo ng Panginoon.

Nabanggit ko na rin lang ang Panginoon, nagpapasalamat ako kay Pangulong Duterte sa kanyang pagtitiwala sa akin. Hindi ko po kayo bibiguin. #AlamNa

Kay Maria Lourdes Sereno, HA HA HA. Move on ka na ‘day.

At sa aking mga kritiko na walang tigil sa pamba-bash sa akin, sino ngayon ang bitter sa atin? Ako pa rin?

EXCUSE ME!
___________________________________________________________________________
“It came to me. My own. My love. My own. My precious. We swears to serve the master of the precious. We will swear on the…on the precious.”
~Gollum, ‘The Lord of the Rings Trilogy’

Sound Bites
“We continue to suffer from the consequences of the legacy of evil that your father left behind. And it did not help that your family preserved his body. It only made us even more committed to never forget what had happened to our family members, our friends and our colleagues. Pray tell me, Imee, how can we move on?”
~Rufa Guiam, An Open Letter to Imee

I am on Twitter: @HecklerForever8.

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: