Advertisements

LEAKED: DUTERTE’S SONA 2018

19 07 2018

1D
State of the Nation Address
of
Rodrigo R. Duterte
President of the Philippines

[To be delivered at the Session Hall of the House of Representatives,
Batasang Pambansa Complex, Quezon City on July 23, 2018]

SPEAKER PANTALEON Alvarez, Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, Vice Presi… Sandali, akalain mo ‘yun. Dati pinanood ko lang si Tito sa Eat Bulaga. Ngayon, presidente na ng Senado. Pati ako nabulaga. Hehehe Congratulations! (Applause)

Vice President Leni Robredo, Uy! Nandiyan ka pa rin ma’am? Yawa. Chief Justice Maria… wala na nga pala tayong Chief Justice. Congratulations! (Applause) Former presidents Fidel V. Ramos, Joseph Ejercito Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo and Benig… absent nga pala si gago. ‘T*ng i*a, kung ayaw mong magpakita, eh ‘di wag!

Members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps; the delegation from Beijing; fellow workers in government; mga minamahal kong kababayan…

I will resign!

(Silence)

Sabi ko, I will resign!

(Whispers, murmurs)

Kinabahan kayo ‘no? ‘Kita ko ‘yung mukha ni Harry Roque, biglang nanlaki ang mata. Sabi siguro, “’Tang i*a, saan ako pupulutin ‘pag nawala si Duterte?!” Hehehe Of course, I was just joking. Ba’t ako magre-resign eh nasa puwesto pa ‘yung incompetent? Ano ako, tanga? I will NOT resign. (Applause/Standing ovation)

* * * * * *

As I have promised, hindi lalampas ng 35 minutes ang aking speech. Paninindigan ko ‘to. Kahit man lang ‘yan, matupad ko. (Canned Laughter/Applause)

* * * * * *

Gusto ko munang batiin ang mga nanonood sa China. Live tayo ngayon sa China Central Television. Nǐ hǎo! Bǎohù wǒ. Wǒ shì nǐ de púrén! Ko sing gaw lu, ta singkwen baw sa! Xièxiè! ‘Tang i*a, ano kaya ‘yung sinabi ko? Sino bang sumulat nito? Bahala na. Google n’yo na lang.

* * * * * *

Mula nang maupo ako sa pwesto at simulan ang war on drugs, wala na akong narinig kundi puro reklamo. Winawasak ko raw ang pamilyang Filipino. Walang katotohanan ‘yan. Sa aking administrasyon, lalo pa ngang naging close ang magkakapamilya. Kitang-kita ang pagsusumikap at pagtutulungan nila upang umasenso. ‘Wag na tayong lumayo pa. Kasama natin ngayong hapon sa gallery ang pamilya Tulfo. Palakpakan natin sila. (Applause)

* * * * * *

Napakalaki ng nabawas sa red tape sa gobyerno. Dahil na rin ito sa masisipag nating empleyado. Walang break-break kahit lunch. Wala ring merye-meryenda. Umulan man o umaraw, tuloy ang serbisyo. Multitasking pa nga ang iba. Tingnan n’yo si former DOT secretary Wanda Tulfo-Teo, sabi ng COA, nagtatrabaho na, nagsha-shopping pa! Mabuhay ka! (Applause)

* * * * * *

Ayon sa mga gagong Dilaw, malayo raw ang performance ko sa mga nagawa ni Noynoy Aquino. P*tang i*a, napikon ako. Kaya ayun, ginaya ko! Tinanggal niya si Corona, tinanggal ko si Sereno! It’s a tie! (Applause)

* * * * * *

Isa pang nakakabuwisit ‘yang mga nagsasabing galit daw ako sa mahihirap. Wala silang bukambibig kundi “Anti-poor si Duterte! Mahihirap ang pinapatay ni Duterte!” Nang sumunod na Lunes, pinatay ‘yung Mayor Halili. Binatikos pa rin si Duterte! ‘T*ng i*a! Ginawa ko na ngang lahat ‘di ba? Mahirap, mayaman, itinumba! Kulang pa ba?

* * * * * *

Masakit mapagbintangang mamamatay-tao. May nagsasabing pinapatay daw ng mga pulis ang nahuhuling drug suspects. ‘T*ng i*a! Kasinungalingan ‘yan! Ang binabaril lang ng masisipag nating pulis ay ‘yung mga nanlalaban. Tingnan n’yo sina Kerwin Espinosa at si kumpareng Peter Lim, never na lumaban. Kaya ‘yun, pinalaya ni Aguirre at ‘di na kinasuhan! (Applause)

* * * * * *

Personal sa akin ang paglaban sa ilegal na droga. Kumukulo talaga ang dugo ko ‘pag nakakakita ng biktima ng drug addicts. Mga hayup! Kaya sa nagpasok ng 6.4 bilyong pisong shabu last year, I don’t know who you are but I will find you and I will kill you! (Applause)

(Message alert tone)

Sandali, may nag-text, “Papa, nag-sorry na ako ‘di ba? Pasaylua na ko please.”

Na-wrong send yata. ‘Tuloy ko na ang speech ko.

Sa’n na ba ako? Nawala ako ah.

* * * * * *

Napakataas na raw ng presyo ng petrolyo sa bansa. Fake news ‘yan! Kung mahal ang petrolyo sa Pilipinas, bakit ‘yung mga eroplano ng China, sa Davao pa nagpapa-gas? (Applause)

* * * * * *

Sanga pala… sa Sabado, balak kong pumunta sa West Philippine Sea kasama si Willie Revillame. (Canned laughter) O, ba’t natawa kayo? Akala n’yo joke lang? Totoo! Nag-volunteer si Kuya Wil. Magpapalaro s’ya ng hephep hooray sa Chinese Coast Guard as an act of goodwill. ‘Tapos tuwing may mananalo, sisigaw siya. Alam n’yo ba kung ano ang isisigaw niya?

*ANO?!?*

Bigyan ng isla ‘yan!

(Silence)

Mga gago. Joke ‘yun. Tumawa kayo!

(Canned laughter)

* * * * * *

Sinisisi ng marami ang TRAIN Law sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Apektado na raw ang mahihirap. So gusto nila, i-suspend ko ang TRAIN Law. Kalokohan! Ganito lang ‘yan. Kung konti lang ang pera ng mahihirap na ‘yan, ibibili na lang nila ito ng bigas, asukal, o mantika. Hindi na sila makabili ng droga. In short, dahil sa TRAIN Law, mababawasan ang mga adik. Palakpakan natin ang TRAIN Law! (Applause)

* * * * * *

Ang sa akin lang, we need the money from the TRAIN Law for our Build, Build, Build program. Pambayad natin ‘yan sa China. Now, kung nagugutom ka dahil mahal ang bilihin, eh ‘di mag-pray ka. Walang impossible with god di ba? Punta ka sa church. Luhod ka. Hingi ka ng help sa imong god. Kung gutom ka pa rin after magsimba, stupid ang god mo. Lipat ka na lang sa Iglesia ni Rodrigo. (Canned laughter)

* * * * * *

Sabi ng SWS, 10.9 million daw ang walang trabahong Filipino noong 1st quarter ng 2018. Of course, luma na ang survey na ‘yan. Hoy Mahar Mangahas, i-update mo na ang figures mo bai! Malaki na ang nabawas d’yan kasi ipinadampot ko na ang mga tambay. (Applause)

* * * * * *

Batiin ko rin pala ang napakaraming OFWs na walang sawang sumusuporta sa akin. Ang daming comments sa Facebook: Watching from Dubai, watching from Italy, watching from Jeddah, watching from Taiwan, watching from Wakanda, watching from Qatar. Tuwang-tuwa ang mga gago kasi ang taas ng dollar. Pag-uwi, Duty Free. Bili ng Toblerone, Cadbury. ‘Yung kababayan nila sa Pilipinas, na-bury na kasi namatay sa gutom. Pisti. (Canned laughter) Uy, joke lang ‘yun huh. What I mean is, kung mataas ang dollar at mababa ang piso, ‘wag agad negative. Mag-benefit man d’yan ang mga OFW. (Applause)

* * * * * *

Pagdating naman sa kapaligiran, hindi ko rin naman kayo binigo. In fact, nitong nakaraang taon, naging aktibo ako sa 3Rs: Reduce, Reuse, Recycle. Ang mga sinibak ko sa gobyerno, ibinalik at inilipat ko sa ibang puwesto! (Applause)

* * * * * *

Baka sabihin n’yo, puro problema na lang itong si Duterte. Ulol ka ‘pag inisip mo ‘yun. Sa mga Dilawan at Ka-DDS d’yan, mag-focus na lang tayo sa positive things sa ating paligid. Nandiyan ang mababait nating fishermen sa West Philippine Sea. Kita n’yo naman… iluluto na lang ang mga huli, ipinamigay pa sa friends nilang Chinese. Talk about hospitality. Palakpakan natin sila. (Applause)

Nandito ba si Martin Andanar? Saang banda nakaupo?

*Spots Martin Andanar*

Ah, d’yan ka pala sa taas. Anyway, nandito ngayon ang mga tauhan ni Martin Andanar ng Communications Office who are very creative. Ang DOLE logo naging pinya ‘tapos ang Norway, naging Norwegia. Palakpakan din natin sila. (Applause)

Sa mga nagagalit kay Mocha, alam kong naiinggit lang kayo dahil very talented na babae ‘yan. Si Mocha lang ang nakapaglipat ng Mayon Volcano mula Albay papuntang Naga. Mabuhay ka Mocha! (Applause)

Baka sabihin naman ni Atty. Persida ‘Face to Face’ Rueda-Acosta, kinalimutan ko na siya. Never. Nakaka-inspire ang buhay ni Ma’am Persida. Dalawang beses s‘yang bumagsak sa bar exams noon. ‘Tapos ngayon, doktor na siya! Mabuhay ang Dengvaxia! (Applause)

And of course, narito rin ngayon ang pride nating lahat: lumalaban hindi lang para sa bayan kundi para sa BIR, ang WBA regular welterweight champion of the world, si Sen. Manny Pacquiao. Idol, kung tatakbo kang pangulo sa 2022, suportado kita. Ang tanong na lang: may eleksyon pa ba? Congrats Pacman! (Applause)

And finally, personal akong mag-thank you kay House Speaker Alvarez kasi wala man siyang takot mam-blackmail mag-persuade ng mga kasamahan niyang hindi supportive sa ChaCha. Tama ‘yang ginagawa mo! Ang kongresistang ayaw sa federalismo, huwag bigyan ng pondo!

So ang tanong ko, sino sa inyo ang ayaw sa federalismo? Taas ang kamay.

(Silence)

Congratulations! Palakpakan natin si House Speaker! Salamat kaayo dong! (Applause)

* * * * * *

Sanga pala, baka nagtataka kayo kung bakit wala dito ngayon si Sec. Ernesto Pernia ng NEDA. Last week, sabi niya, federalism would wreak havoc in the economy. Gago. Ayun, nagpaalam kahapon, may sumasakit daw sa likod niya kaya nag-resign na. ‘Buti naman.

* * * * * *

Mga kababayan, dalawang taon na ako sa puwesto. Marami pa akong plano para sa sambayanang Filipino. Sira-ulo ang nagsasabing walang vision o master plan ang gobyerno. For your information, advanced mag-isip ang mga tao ko. Tingnan n’yo si Bong Go: Nangangampanya na kahit ‘di pa kandidato. Palakpakan natin siya! (Applause)

* * * * * *

Thirty-five minutes na yata ako dito. Baka mabuang na kayo. Pasalamat na muna ako sa direktor natin, si Joyce Bernal. Nag-promise siya sa akin kahapon na gawin niya akong kamukha ni John Lloyd Cruz. (Canned laughter) Pero ayaw pala ni Baste kay JLC. So sabi ko, sige, Piolo Pascual na lang. Ang kumontra, ipatumba ko. So, tanungin ko kayo: Kamukha ko na ba si Piolo?

(Silence)

Tarantado!
_________________________________________________________________________________
“Leadership by deception isn’t leadership. It’s fraud.”
~Dr. DaShanne Stokes

Sound Bites
“Expenditure will be immense if we go to federalism, and we estimate that the fiscal deficit to the GDP ratio can easily jump to maybe 6 percent or more, and that’s really going to wreak havoc in terms of our fiscal situation. We are now moving to connect the…lagging regions into the mainstream economy and that momentum of infrastructure improvement in the regions is going to be disrupted.”
~Socioeconomic Planning Sec. Ernesto Pernia

Listen to the expert.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Duterte: Aaron Favila, AP]

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: