Advertisements

THE KRIS AQUINO SHOW

23 04 2018

limits
krisaquino I’ve had ENOUGH. As a mom of two loving and well-mannered kids, kailangang magsalita na ako dahil kinabukasan na nila ang at stake. I’m ready to be bashed. Sige lang. But I am an honest taxpayer of this country at millions ang ipinapasok ko sa kaban ng bayan kaya sasabihin ko kung ano ang nararamdaman ko sa mga nangyayari. I’m sorry Kuya Noy, I’m sorry Ate Pinky kung matigas ang ulo ko pero naniniwala akong dapat na akong magsalita. Bastusan na kasi talaga eh. Hindi ko alam kung bakit grabe ang inggit ng ibang tao. ‘Yung quo warranto petition sa Supreme Court, may justices na very public ang pagbatikos kay CJ Sereno pero never sila nag-inhibit. Alam naman nilang through impeachment lang puwedeng maalis ang Chief Justice pero deadma sila sa sinasabi ng Constitution. Ang kakapal ng mukha ‘di ba? Lalo na ‘yong isang babaeng Justice. Gosh, ramdam na ramdam mo ang inggit sa katawan. Kailangan yatang paliguan ng Ariel Antibac. Sa mga ‘di nakakaalam, ang roots ng family namin ay sa Fujian, China. Pero nasasaktan ako everytime na nakababasa ng balita na halos ipamigay na ni PRRD ang mga isla ng Pilipinas sa Beijing. Mas nakakaloka ‘yong walang pumapalag sa supporters niya. Oo lang nang oo sa lahat ng ginagawa niya. #zombies

Isa pang nakaka-bother itong recount for VP. My goodness, obvious naman ang goal nila ‘di ba? Iluklok ang anak ng diktador. Nakakaloka. Hindi pa naibabalik ang mga ninakaw ng pamilya nila, babalik na naman. ‘Yong panganay na tatakbong senador, may pinag-viral na French lessons pa. Nakakasuka. Poque-poque talaga! Hindi ko sila kinakaya.

This morning, lumapit sa akin si Bimby habang nag-i-Internet gamit ang PLDT Home Fibr and showed me something, ‘Mom, Marawi is so beautiful na. Look. Let’s go there.” Unang tingin ko pa lang, alam kong fake news agad; gawa-gawa lang ng keyboard warriors ng gov’t. I mean, everyday nababasa ng mga anak ko ang ganyang kasinungalingan. Sa palagay n’yo ba, tatahimik na lang ako? Kapag mga anak ko na ang biniktima n’yo, lalaban at lalaban ako. #lookwhatyoumademedo

Gusto ko pa sanang magsalita about big time drug lords na pinalaya ng gobyernong ito, sa crackdown sa mga kritiko, pag-atake sa free press ‘tsaka ‘yong nangyayaring pagpatay sa mahihirap na Filipino pero pinigilan ako ni Kuya Noy. So what I’m gonna do is padadalhan ko na lang ng Chowking lauriat and Nacho Bimby ang mga na-orphan dahil sa war on drugs ni PRRD.

Sa mga Ka-DDs na mamba-bash sa akin, I don’t care. Kahit sipa-sipain at sampal-sampalain n’yo pa ko, wala akong pakialam. May Ever Bilena naman akong magagamit para i-conceal ang mga pasa ko.

Sanga pala, I was watching Rated K kanina and saw a feature on James and his son with Michela Cazzola. Soooo cute. Kamukha ni James ‘yong bata. Ang malas naman. Aha-ha-ha. And I heard, pregnant na naman si Michela. Congratulations!!! In fairness, nakadalawa ka. Ako, nakaisa lang. Aha-ha-ha! But seriously, I am happy for them. Sabi ko nga kay James, pwede niyang hiramin si Bimby anytime para makalaro ng kapatid niya. Sa totoo lang, nagtatampo na nga si Bimby kasi nakakalimutan na niyang dumalaw. Busy yata si James sa PBA at sa negosyo niya but I understand. At least, nag-effort akong sabihan siya na bukas ang pintuan naming mag-ina sa pagdalaw niya.

Kay Korina, nagtatampo ako sa ‘yo girl. I campaigned pa naman for Mar pero bakit si James may feature, ako wala. Ahahaha Joke lang. Teka, tatawagan ko nga si Jessica. i-KMJS na ‘yan! Aha-ha-ha! Biro lang. I have to say this though: winner ka sa pic na ‘to Ate Koring! Hindi kita nakilala. Akala ko si Ivy Violan ka! Aha-ha-ha!

Pahabol: On Wednesday, start na ng shoot namin for my comeback movie sa Star Cinema. Gosh, I’m excited na to work with Joshua Garcia and Julia Barretto. Hindi ko pa masyadong kilala ‘yong Joshua pero he’s charming naman, so keri na. Sa totoo lang, na-miss ko ang pagtili sa movie, promise! Sana kayo rin. Sa mga nakalimot na, I’ll help you remember. Ganito ang atake ko sa eksena. Kapag takot na takot: Aaaaaaaaahhh! Kapag galit na galit: Aaaaaaaaahhh! Kapag gulat na gulat: Aaaaaaaaahhh! At kapag super kilig: Aaaaaaaaahhh! Gosh! Hindi ko kinakaya ang versatility ko. Winner ‘di ba! Aha-ha-ha!

I can’t wait to earn millions again para millions din ang maibayad ko sa gobyernong ito. Kaya please lang. Lumalaki na ang mga anak ko. Umayos kayo. Ayaw kong malagay sa peligro ang buhay nila dahil sa mga walanghiyang policies n’yo. As a mom, ako ang unang magtatanggol sa aking mga anak kapag feeling ko naaagrabyado sila. #labanlang

Sa mga haters, I love you. Chill. Pa-deliver na lang kayo ng Chowking halo-halo.

And to everyone who follows me on Facebook, IG, and Twitter… alam n’yo na! Love, love, love palagi. #aaahhhhhhh

[FILED UNDER: Kris Aquino in an alternate universe]
————————————————————————————————————————————-
“In a mad world, only the mad are sane.”
~Akira Kurosawa

Sound Bites
“di kailangang iangat at tulungan ang diktadurya upang ihayag ang personal na galit. wag itawid sa pulitikal. malaking hamon sa bayan ang paglaban sa diktador at mamamatay-tao. iwasang maliitin ang hamon na ito dahil nabulag sa personal na sama ng loob. mag-isip bago pumindot.”
~Former Solicitor General Florin Hilbay/Twitter

Indeed.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Kris Aquino IG]

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: