Advertisements

MOCHA USON ON UST-AA AWARD: NALOKA AKO! (EXCLUSIVE!)

23 01 2018

MOCHA

“UNANG-UNA, gusto ko munang magpasalamat sa UST Alumni Association sa award na ito. Noon, Best Dance Album lang mula PMPC ang nakukuha kong award. Ngayon, UST Alumni Association na ang nagpaparangal sa akin. Grabe, I have arrived.

May gusto lang po akong linawin tungkol sa award na ito. Hindi ko po ito inexpect at hindi ko po ito hiningi. Hinangad ko po ito. Prangkahan na.

Aaminin ko rin po, nang kilalanin ng Inquirer si Jover Laurio bilang Filipino of the Year, gumuho ang mundo ko. Isang linggo akong hindi nakakain. Limang araw akong hindi nakatulog at tatlong araw akong hindi nakapag-isip. Baka sabihin n’yo naman, “Sus, tatlong araw lang? Hindi ba isang taon na?” Inunahan ko na kayo. Pakyu.

Sabi ko, “’King inang PAB ‘yan. Naunahan pa akong magka-award! Chaka! Dasal lang, Mocha. Dasal lang talaga, sabi nga ni Alma. Hintay ka lang, darating din ang para sa ‘yo.” At ‘di pa nga lumilipas ang dalawang linggo, dumating na ang pinakahihintay ko: ang Thomasian Alumni Award for Government Service.

GOVERNMENT SERVICE.

Naloka ako.

Naloka ang buong España.

Naloka si Pia Ranada.

Naloka ang mga Dilawan at maging mga Ka-DDS.

Naluka si Suzanne Vega.

Naloka ang natitirang hibla ng katinuan ko.

Pero anong magagawa ko? Blessing ito ni Lord. Ibinigay sa akin ito. Tatanggihan ko ba?

Umalma ang mga estudyante. Nagalit ang mga graduates ng UST. Nainsulto raw ang ilang alumni na una nang tumanggap ng parangal mula sa UST-Alumni Association. Nagbanta silang ibabalik ang tinanggap nilang award.

Pero hindi po ako natinag. Nagpakatatag po ako para kay Tatay Digong.

Hanggang sa mabasa ko ang sinabi ng mga opisyal ng UST-AA. Wala raw talagang set of criteria sa pagpili ng aawardan. Kahit sino raw, basta’t graduate ng UST, puwedeng bigyan ng award.

Napalunok po ako. Matagal ko na itong hindi ginagawa pero napalunok talaga ako.

Ano ‘to?!? Recognition Day sa elementary? Lahat ng bata may “Most” Award para walang umiyak? Most Punctual, Most Courteous, Most Helpful?!?

Inaamin ko po – nasaktan ako. Nanlambot.

Napahiya ako sa aking sarili.
Napahiya ako sa aking pamilya.
Napahiya ako sa aking bansa.
Napahiya ako sa susunod na henerasyon.

Lumuhod ako. Pumikit. Taimtim na nagdasal at humingi ng sign kay Lord kung ibabalik ko o hindi ang award. Naghintay ako… isang minuto, limang minuto, sampung minuto.

Kahit isang sign lang, Lord… PLEASE.

Isang oras akong naghintay pero wala akong natanggap na sign. Sumakit na ang tuhod ko sa pagkakaluhod pero wala talaga. WALA. Ibig sabihin, hindi ko dapat isauli ang award. Tinapos ko ang pagdadasal. Nag-sign of the cross na ako. Pagtayo ko, napautot ako.

Lord, not counted.

Bad trip! Hayyyyy. Labag man sa aking kalooban, susundin ko ang will ni Lord. A sign is a sign. Ngunit sa mga bumabatikos sa akin at sa UST Alumni Association, isa lang ang maipapayo ko sa inyo: ipagdasal n’yong mawala na ang inggit sa inyong mga katawan – lalo na kayong mga Dilawan! Punyeta kayo!

Sa mga Ka-DDS na patuloy na sumusuporta, maraming salamat po! Tuloy ang laban para kay Tatay Digong!

And finally, congratulations din nga pala kay Sir John Simon, ang vice president ng UST Alumni Association na na-appoint kamakailan ni Tatay Digong sa Customs. #GoUSTe

1M

‘Yun lang po. Thank you.”
_______________________________________________________________________________
“People always clap for the wrong reasons.”
~J.D. Salinger

Sound Bites
“You have the right to embrace tyranny and bask on the perks granted the slavish. We will fight for our rights. And we will overcome.”
~Journalist Inday Varona’s reply to Duterte fanatic, Mocha defender, and award-winning writer Rebecca Añonuevo, a UST alum

Resist.

[Photos: The Varsitarian; UST-AA President Henry Tenedero on FB]

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: