Advertisements

SANTA CLAUS RESIGNS (ALMOST!)

26 12 2017

00sana
Good morning!

Bago pa man pumasok ang taong 2017 ay binalak ko nang ihayag ang isang malaking desisyon sa buhay ko. Naghintay ako ng halos isa pang taon upang ipaalam ito sa inyo.

Ginawa ko ang aking tungkulin nitong nakaraang mga araw. Pinasaya ko ang maraming bata sa iba’t ibang panig ng mundo: namahagi ako ng mga laruan, sumayaw ako sa kanilang harapan, at nakipag-selfie sa napakaraming pamilya. Nakatataba ng pusong makita ang matatamis nilang mga ngiti.

Noong mismong araw ng Pasko, inihanda ko na ang sarili ko. Ihahayag ko na ang planong pagbibitiw sa aking mabigat na tungkulin. Sa totoo lang, hindi birong maglakbay sa mga bahay-bahay, magbuhat ng mabibigat na kahon ng regalo at lumusot sa masikip at maduming chimney (‘Tong taba kong ito, isipin n’yo na lang ang hirap na dinadanas ko). Ilang taon ko nang ginagawa ang mga bagay na ito. Pagod na pagod na ako. Kailangan ko nang magpahinga.

Ngunit habang naghahanda sa pagsasapubliko ng aking desisyon, may nang-agaw ng eksena. Nagbitiw din siya. Inunahan niya ang announcement ko. Kesyo kailangan daw niyang protektahan ang kanyang karangalan. As if pinilit natin siyang makipag-away sa kanyang anak sa social media. Kesyo bata pa raw ay tinuruan na siya ng kahalagahan ng delicadeza. Isa pang as if! Kaya pala kasa-kasama niya sa mga parties at events ang mga taong isinasangkot sa smuggling ng bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu shipment.

Muntik ko nang maibato ang isang kahon ng regalo sa mukha ng isang bata nang mabasa ko ang reaksyon ni Tito Sotto. He was in his usual ‘Tito Sotto’ self. Sabi niya, “He deserves our respect.” Ho-ho-ho-ly sh*t! Also, muntik ko na ring itumba ang katabi kong Christmas tree nang ilarawan ni JV Ejercito ang pagbibitiw bilang, “ultimate sacrifice.” P*tang i*a! For the first time, napamura ako.

‘Di hamak namang mas malaking sakripisyo ang ginagawa ko ‘no! In fact, dahil sa pagiging philanthropist, minsan na rin akong nag-No. 1 sa listahan ng Forbes ng “richest fictional characters.” Pero nagreklamo ako sa Forbes! Tawagin ba naman akong “fictional!” Milyun-milyong bata ang nasaktan nang mabasa nila ang article. So ang ginawa ko, pinatunayan ko sa Forbes na hindi ako fictional. Pumirma ako ng bank waiver. At ipinakita ko ang aking reindeer tattoo sa likod!

Isang Pasko na naman ang lumipas. Na-realize ko, bakit ako magre-resign ngayon eh nagawa ko naman ang promises ko sa mga bata?  Hindi ako nagyabang na in three to six months, I will deliver. Ang sabi ko kasi, in 12 months. At natupad ko ‘yun. Without extension! Ang dapat mag-resign, ‘yong puro promises!

Siguro sa Dec. 25, 2018 ko na lang itutuloy ang pagbibitiw… unless, may mang-agaw na naman ng eksena at unahan ako sa announcement. Malay natin.

Ho-ho-ho!
______________________________________________________________________________________
“All good drama has two movements, first the making of the mistake, then the discovery that it was a mistake.”
~W.H. Auden

Sound Bites
“When a president often brags about his penchant for violence, when he urges police to kill drug suspects — and they do — it can be hard to tell boastful fiction from bloody fact.”
~The Washington Post

Mismo.

[Photos: Paolo Duterte: ABS-CBN News]

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: