Advertisements

“NO-BRAINER”

20 11 2017

RODRIGO DUTERTE’S party, the PDP-Laban has announced its initial list of potential candidates for senator in 2019. Controversial government propagandist Mocha Uson is on that list. Here’s how some politicians reacted when they bumped into Uson recently.

1mOCHApAC
Pacquiao: Uy, Mukah, congrats, magiging senador ka na.

Mocha: Thank you idol!

Pacquiao: Excited ako! Makakatrabaho na kita.

Mocha: Bakit idol? Nagtatrabaho ka ba?

Pacquiao:

Mocha: Jooooke!

* * * * *

Pacquiao: Grabi ka Mukah!! Magiging senador ka na pala.

Mocha: Thank you, idol! Narinig mo na pala ang balita.

Pacquiao: Oo naman. Congrats!

Mocha: Salamat idol! Excited na akong mag-isip ng bagong batas.

Pacquiao: Bakit? Nag-iisip ka ba?

Mocha:

Pacquiao: Jooooke! Akala mo ikaw lang?!

* * * * *

Pacquiao: Grabi! Kasama ka pala sa line-up ng PDP Laban.

Mocha: Oo idol! Pinilit ako eh; hindi naman ako makatanggi.

Pacquiao: Naku, pa’no ‘yan? Sabi nila, tanga ka raw. Iboboto ka kaya ng masa?

Mocha: Oo naman. Ibinoto ka nga nila, ‘di ba?

Pacquiao:

Mocha: Aminin mo, may point ako.

* * * * *

Pacquiao: Congrats Mukah, magiging senador ka na.

Mocha: Salamat idol! Kaya lang ang daming bumabatikos. Sabi nila, ‘pag nanalo raw ako, napakaraming bobo sa Pilipinas.

Pacquiao: ‘Wag mo silang pansinin. Inggit lang ang mga ‘yon. Hindi totoong maraming bobo sa ating bansa!

Mocha: Salamat idol. Ilan nga pala ang bumoto sa ‘yo noon?

Pacquiao: Mahigit 16 million.

Mocha: Naku! Marami nga!

Pacquiao: ‘Tang ina mo.

Mocha:

Pacquiao: Akala mo, joke? ‘Tang ina mo!

1sottomocha

Sotto: Congrats Mocha! Malapit na tayong magsama sa Senado.

Mocha: Salamat Tito Sen!

Sotto: Sus! Salamat lang? Pa-burger ka naman!

Mocha: Sus! Burger lang?! Kung gusto n’yo pa-Pepsi pa eh.

Sotto:

Mocha: Bakit Tito Sen? ‘Di ka ba nagso-soft drinks?!

* * * * *

Sotto: Uy! Senator Mocha Uson, congratulations.

Mocha: Grabe ka naman Tito Sen. Wala pa. Tatakbo pa lang.

Sotto: Pag nanalo ka, magkasama nating lalabanan ang mga dilawan!

Mocha: Kurek!

Sotto: Lalabanan natin ang “bias” na Inquirer, Rappler, at ABS-CBN!

Mocha: Kurek!

Sotto: Lalabanan natin ang minor bloggers!

Mocha: Kurek!

Sotto: Lalabanan natin ang nagpapakalat ng fake news!

Mocha:

Sotto:

Mocha: Baka may iba ka pang gustong labanan? Suggest ka pa.

1sottomocha

Mocha: Sir Harry Roque, sabi sa news, kasama tayo sa senate slate ng PDP Laban.

Roque: Eh ‘di mabuti. Congrats sa ‘tin!

Mocha: Salamat Sir. Excited na ako sa slate!

Roque: Teka, ano ba ‘yong “slate?”

Mocha: Basta ang sabi sa Rappler “slate.” Qinuote ko lang sila. Mali ba ‘yon?

Roque:

Mocha: Pucha! Fake news talaga ‘yang Rappler!

1sottomocha

Nancy Binay: Uy! Ikaw pala ‘yan Mocha. Narinig ko ang balita. In fairness sa ‘yo huh!

Mocha: Wala akong pakialam. ‘Wag ka nang mag-comment. Baka bumalik lang sa ‘yo.

Nancy:

Mocha:

Nancy: In fairness ulit, nabasa mo ang nasa utak ko. Tse!

* * * * *

Mocha: Boss, kasama ako sa listahan ng PDP Laban.

Martin Andanar: Eh ‘di mabuti. Sure win ka na. Sabi ko nga sa media, no-brainer.

Mocha: Ano ba ‘yung “no-brainer?”

Martin: ‘Pag ‘di na kailangang pag-isipan pa, at very obvious na – no-brainer.

Mocha: Ahhhh, ‘yon pala. Akala ko kasi ako ‘yung tinutukoy mo.

Martin: Hindi ‘no! Iba ang no-brainer sa no brain.

Mocha:

Martin: Wala akong sinabi huh! Sabi ko lang magkaiba ang dalawa.

download
Mocha: Tatay Digong, kasama ako sa listahan ng PDP Laban.

Duterte: Good! Gusto mo, samahan pa kita sa kampanya.

Mocha: Talaga po? Kahit mag-jeep lang tayo?

Duterte: No problem.

Mocha: Kahit sakay lang ng pedicab?

Duterte: Oo naman.

Mocha: Kahit sumakay sa MRT?

Duterte: ‘Tang ina. Ikaw na lang.

Mocha:

Duterte: ‘Wag ka na nga lang tumakbo!
___________________________________________________________________________________
“Those who are too smart to engage in politics are punished by being governed by those who are dumber.”
~Plato

Sound Bites
“Kung tatakbo man po ako, ito po ay dahil si Pangulong Duterte na mismo ang nagpatakbo sa akin.”
~Mocha Uson on her possible Senate run

‘k.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Pacquiao/Mocha: ABSCBN News; Mocha/Sotto: Inquirer.net ; Mocha/Duterte/Roque; Malacañang Photo; MRT: Ivan Caballero Villegas]

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: