Advertisements

DIGONG & PULONG (PART 2)

12 09 2017

Untitled
THE DAY AFTER. In Malacañang…

Digong: Kumusta ang hearing?

Pulong: Sisiw si Trillanes, Pa! Pinagmukha kong tanga habang nangungulit tungkol sa tattoo!

Digong: Walang napiga?

Pulong: Wala!

Digong: Walang bagong witness?

Pulong: Wala!

Digong: Walang ebidensya?

Pulong: Walang-wala!

Digong: In short, wala akong anak na sangkot sa smuggling, tama?

Pulong: Pa, tattoo ang topic. ‘Wag mong ibahin ang usapan.

* * * * *

Digong: Kilala mo si Kat De Castro?

Pulong: Siya ba ‘yung mataba?

Digong: Grabe ka naman. Mataba agad? Fat-shaming ‘yan. Pwede namang DOT ang gamiting reference.

Pulong: Sige Pa, ulitin mo ang tanong.

Digong: Kilala mo si Kat De Castro?

Pulong: Siya ba ‘yung mataba sa DOT?

Digong:

Pulong: Ituloy mo na Pa; magtatagal tayo.

Digong: Sa Facebook kasi, grabe ang suporta sa ‘yo. Kapag siya raw ang sinabihang magpakita ng tattoo, ang isasagot daw niya, “NO FREAKIN WAY.”

Pulong: Bakit, Pa? Sino bang interesado sa tattoo niya?

Digong: Exactly.

* * * * *

Digong: O, balita ko gustong makita ni Trillanes ang tattoo mo.

Pulong: Oo, Pa. Pero ‘di ako pumayag kaya inis na inis ang gago.

Digong: Good! Tama ang ginawa mo.

Pulong: Siyempre, nakinig ako sa payo mo.

Digong: Sandali. Matindi ang mga ibinibintang sa ‘yo: May dragon tattoo ka at sangkot ka raw sa smuggling ng druga. Totoo ba?

Pulong: Dragon tattoo at smuggling ng droga?!? Tang ina! Mamatay man ako, wala akong dragon tattoo, Pa!

* * * * *

Digong: Kumusta ang hearing?

Pulong: Ok naman, Pa. Pinahiya ko ‘yung Trillanes.

Digong: Paano?

Pulong: Inamin kong may tattoo ako sa likod pero nang sabihan akong ipakita ang tattoo, tumayo ako. ‘Tapos, umikot ako nang dalawang beses sa buong session hall habang tinitingnan ang bawat senador. Walang nagsasalita. Tapos, lumapit ako. Pumuwesto ako sa likuran niya. Nakaupo siya, nakatayo ako. Then, inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at sinigawan ko: “NO WAY! Ke lalaking tao mo, gusto mong makita ang likod ng kapwa mo lalaki? Putang ina, bakla ka ba?! BAKLA KA BA? Kadiri ka!”

Digong: Tama ‘yang ginawa mo! Sumagot ba?

Pulong: Sumigaw din siya! “Putang ina, matagal nang tsismis ‘yan ah! ‘Di pa ba kayo nagsasawa?!?”

Digong: Huh?

Pulong: Mali pala ang sinigawan kong senador, Pa. Si Migz Zubiri pala. ‘Tang ina.

* * * * *

Digong: Kumusta ang hearing?

Pulong: Dapat nanood ka, Pa. Nagmukhang tae ‘yung Trillanes.

Digong: Paano?

Pulong: Nang tanungin niya ako kung may tattoo ako sa likuran, sabi ko, “Oo.” Ang sumunod na tanong, kung dragon daw ba, sabi ko, “I invoke my right to privacy.” Tapos nang utusan akong ipakita sa publiko ang likod ko, tumayo ako; lumapit ako sa kanya. ‘Tapos habang kaharap ko siya, sumigaw ako: “No way! Bakla ka ba? Putang ina, naturingan kang sundalo pero babakla-bakla ka?! Kadiri ka! Gago.”

Digong: Ang husay mo

Pulong: Siyempre Pa, mana sa ‘yo.

Digong: Ang husay mong gumawa ng kwento. Tang ina mo! Napanood ko ang hearing, walang ganyang nangyari. Ulol!

Untitled
Digong: O, ano ‘yung picture mong kasama ang smuggler na si Charlie Tan?

Pulong: Wala ‘yun Pa, kaibigan lang.

Digong: May picture kayo sa eroplano eh.

Pulong: Wala ‘yun Pa, kainuman lang.

Digong: Eh ‘yung picture n’yo sa China, sa restaurant, at sa hotel?

Pulong: Sandali lang, Pa. ‘Di ba may picture din kayong dalawa sa Malacañang? Tapos, hawak pa nga niya ang portrait mo. Ano mo ba si Charlie Tan? Sagot!

Digong: I invoke my right to privacy.

Pulong: Ama nga kita.

* * * * *

Digong: Ano ‘yung sinabi ni Trillanes na may 104 million pesos kang pera sa bangko? Ang liit-liit ng sweldo mo tapos may ganyan kang kalaking pera?!?

Pulong: Pati ba naman ikaw Pa, naniniwala sa kasinungalingan ng Trillanes na ’yan?

Digong: Para mawala ang duda ko, mag-sign ka ng waiver para i-open ang iyong bank accounts.

Pulong: Eh kung ikaw kaya muna Pa ang mag-sign ng waiver para i-open ang iyong bank accounts?

Digong: Tama ka eh! Sinungaling ang Trillanes na ‘yan! Hindi dapat paniwalaan!

* * * * *

Digong: Igaganti kita anak.

Pulong: Paano, Pa?

Digong: May hawak akong documents. May bank accounts daw abroad si Trillanes.

Pulong: Ang galing mo, Pa! Saan mo kinuha?

Digong: Sa social media.

Pulong:

Digong: Choosy ka pa? ‘Tang inang ito. Buti nga meron. Sige, ikaw ang maghanap!

* * * * *

Digong: O, tapos na ang hearing. Safe ka na.

Pulong: Pero Pa, may lalabas pang report ang Senado eh. Malay mo, mabanggit ang Davao Group doon.

Digong: Bakit? Kaninong committee ba ang gagawa ng report?

Pulong: Kay Gordon.

Digong: Spell Gordon.

Pulong: K-A-D-D-S… Gordon!

Digong: See?? Safe!
—————————————————————————————————————————-
“The trouble with this country is that there are too many politicians who believe, with a conviction based on experience, that you can fool all of the people all of the time.”
~Franklin Pierce Adams

Sound Bites
“Secretary Aguirre undermines our justice system and his continued stay in office is a vulgar insult to the Filipino people and our efforts for a more just society.”
~Sen. Risa Hontiveros

#AguirreResign

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Trillanes/Pulong: ABSCBN News]

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: