Advertisements

DIGONG & PULONG (PART 1)

6 09 2017

President-elect-Rodrigo-Duterte-Karlos-Manlupig-Inq-Min-May-28-2016-620x413
ISANG ARAW sa Malacañang…

Digong: Sa ayaw at sa gusto mo a-attend ka ng hearing!

Pulong: Sinabi ko na sa ‘yo Pa, ayaw kong umattend! Mahirap bang intindihin ‘yon?

Digong: Fine! Paiimbestigahan na lang kita.

Pulong: Anong oras ba?!

* * * * *

Digong: Noon ko pa sinabi sa ‘yo, itigil mo na ‘yang kagaguhan mo dahil ‘pag nabisto ‘yan, patay ka! Hindi ka nakinig! ‘Yan ang nangyari!

Pulong: Huwag kang ipokrito Pa, wala kang sinabing ganyan! Ni minsan!

Digong: Wala ba?

Pulong: Wala! Eh ‘di kung meron… sana tumino na ako.

Digong: Ulol! Kilala kita.

* * * * *

Digong: ‘Yan ang napapala ng katigasan ng iyong ulo! Wala ka nang ginawa kundi igiiit ang gusto mo! Akala mo kasi lagi kang tama! Akala mo, lagi kang nasa katwiran! Akala mo diyos ka!

Pulong: Tapos ka na Pa? Ako naman. Alam mo ‘yung idiom na, The apple doesn’t fall far from the tree?

Digong: Gago! Umattend ka ng hearing!!!

Pulong: Sige, huwag na lang apple, Pa; durian na lang.

* * * * *

Digong: Nand’yan na ‘yan! ‘Di na pwedeng takbuhan. A-attend ka ng hearing!

Pulong: ‘Pa naman, ayaw kong umattend. Patay ako dun.

Digong: SABI KO: A-ATTEND KA NG HEARING!!!

Pulong: Anak mo ‘ko! Konting suporta naman!

Digong: Kaya nga kita pinapa-attend. Nag-iisa lang ako. ‘Pag sa Senado ka pumunta, maraming susuporta sa ‘yo dun.

Pulong:

Digong: At least 15.

Pulong: In fairness, nag-research.

Untitled
Pulong: Pa, kinakabahan ako. Baka madulas ako sa hearing. Ano bang sasabihin ko?

Digong: Wala kang sasabihin. Wala kang aaminin. Walang kang papangalanan.

Pulong: Ba’t pa ako umattend? Anong gagawin ko doon?

Digong: IIYAK KA!

Pulong: ‘Tang ina naman. Ayaw ko nang umattend!

Digong: Pwes, pinagbabawalan muna kitang makipagkita sa mga friends mo sa Davao Group!

Pulong: Sus! Ang dali-daling umiyak eh. EH di IIYAK!

* * * * *

Pulong: Pa, hindi ako nakatulog kagabi. Kinakabahan ako sa hearing. Ano bang sasabihin ko?

Digong: Sinong may sabing may “sasabihin” ka? MANANAHIMIK KA!

Pulong: Pupunta ako doon para manahimik?!? Eh bakit pa ako a-attend?

Digong: IIYAK KA!

Pulong: Pa naman. Kasiraan ‘yan sa image ko. Ayaw kong umiyak. Magmumukha akong tanga.

Digong: You decide… magmukhang tanga o magmukhang smuggler?

Pulong: Hmmm…

Digong: Gago! Nag-isip ka pa. Eh kahit naman umiyak ka, smuggler pa rin ang tingin nila sa ‘yo.

Pulong: May point.

* * * * *

Pulong: Pa, tanong lang. Prangkahan na tayo. Bakit tahimik ka sa 6.4 billion pesos na shabu shipment? ‘Di ba galit na galit ka sa droga? Ibig sabihin ba naniniwala kang sangkot kami sa smuggling?

Digong: Oo naman.

Pulong:

Digong: Joooke! ‘Wag ka na kasing magtanong. Masasaktan ka lang. Mag-rehearse ka na lang ng iyak mo.

Pulong: Yawa jud!

* * * * *

Pulong: Pa, ‘di ba sabi mo, magre-resign ka ‘pag may lumabas na evidence na sangkot kami sa smuggling?

Digong: Oo! That was my promise last week!

Pulong: Seryoso ka ba dun?

Digong: Oo nga!

Pulong: Pa, sorry, kinakabahan ako. Baka may hawak nga silang evidence.

Digong: Pisting yawa! Bakit?!? Sangkot ba talaga kayo sa smuggling?

Pulong: Oo, Pa.

Digong:

Pulong: Jooooke! ‘Wag ka na kasing magtanong Pa. Masasaktan ka lang.
———————————————————————————————————————————
“You can’t get rich in politics unless you’re a crook.”
~Harry S. Truman

Sound Bites
“Even in this era of kabastusan at pagmumura under the Duterte Administration, for as long as I am not cursing or using cuss words and I am not physically hurting anybody, then I am not crossing that line. I have never crossed that line.”
~Sen. Antonio Trillanes on the ethics case filed by Dick Gordon

Balls.

Elsewhere
Inquirer Editorial: Gordon’s unethical complaint
“What happened on Aug. 31 was that Trillanes stood up to Gordon. Having lost that particular skirmish, Gordon has now resorted to an institution-damaging remedy.”

Dick.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Duterte: Inquirer.net; Paolo Duterte: ABS-CBN News; Digong and Polong: MARO-PCO via CNN Philippines]

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: