Advertisements

ICYMI: DUTERTE’S SONA II SPEECH

21 07 2017

01Dutz
State of the Nation Address
of
Rodrigo R. Duterte
President of the Philippines

[Delivered at the Session Hall of the House of Representatives,
Batasang Pambansa Complex, Quezon City on July 24, 2017]

SPEAKER PANTALEON Alvarez, Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, Vice President Leni Robredo, Chief Justice Maria Lourdes Sereno, former presidents Fidel V. Ramos, Joseph Ejercito Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo and Benigno, wala yata si gago. ‘T*ng i*a, kung ayaw mong umattend, eh ‘di wag. Sinong nawalan? Yawa! (Canned Laughter)

Members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps (Pause) May taga-EU ba dito? (Silence) Wala?!? O takot lang kayo? (Canned Laughter) Fellow workers in government, mga minamahal kong kababayan…

Change is here. (5-minute applause, Standing ovation)

.

.

,

.

,
Magsu-SUNA pa ba ako o papalakpak na lang kayo maghapon? (Canned Laughter/Applause) Let me continue.

Sandali, sino bang operator ng teleprompter? Alisin mo muna ‘yan. ‘Di pa ako magbasa. Malito lang ako.

Alam n’yo, usually, bumabangon ako, mga alas-diyes, alas-onse, ganyan. Kanina, masama ang pakiramdam ko. Matulog pa sana ako hanggang ala-una kaya lang itong si Honeylet at si Kitty, ang ingay sa sala. Nagtaka ako, “Bakit sumisigaw ‘tong mag-ina?” Si Honeylet, narinig ko pa, “Patayin mo na ang pisting ‘yan! Patayin mo na!” ‘Tapos si Kitty naman, ang sabi, “Motherfucker ka!” Napabangon tuloy ako. Paglabas ko… nanood lang pala sila ng ‘Game of Thrones.’ ‘Tang ina akala ko kung sino nang patayin.

Kayo, nanood ba kayo ng Episode 2? (All: YES!)

Maganda ba? (All: YES!)

‘Tong si Kitty, crush daw ‘yung pilay na bata, Brandon yata ang pangalan. Si Honeylet naman, napugian kay Johnny Snow. (All: JON Snow!)

Eh ‘di JON Snow! Tang ina n’yong lahat, malay ko ba. Di naman ako fan niyang G-O-T na ‘yan. (Canned Laughter) Basta ako, pwede na sa akin ‘yung Sansa. Mukhang palaban. Hehehe (Silence)

O, baka sabihin na naman ni Risa Hontiveros, rape joke na naman. Ulol! Ikaw lang ang ‘di nakakaintindi ng jokes ko. ‘Yung 16 million, na-gets nila! So ikaw ang may problema! ‘Yung teleprompter, pakibalik!

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Change has indeed come. (Applause)

Ang sabi ng ating mga kababayan, mabagal kumilos ang gobyerno. Totoo! Mabagal talaga. NOON ‘YUN! (Applause) Last week lang, mabilis naayos ng LTFRB ang isang mainit na transport issue. Sa katunayan, kanina, nag-Uber ako papunta rito! (Applause)

* * * * *

Nang ako ay maging pangulo, nangako akong magbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan. Hindi naman sa pagmamayabang, tinupad ko ang pangakong ‘yan. Ngayong hapon, kasama natin dito sa Batasan ang tatlo sa pinakamasisipag kong appointees. Hindi lang sila sa office nagtatrabaho kundi pati sa mga rally laban kay Robredo. Palakpakan po natin sina Mocha Uson, Kat De Castro at Arnell Ignacio. (Applause)

Napag-uusapan na rin lang ang trabaho, ako ang tipo ng taong nagbibigay ng second chance sa mga nasisibak o nasususpindeng empleyado. ‘Kita n’yo naman, sa kabila ng kasong homicide, sa kabila ng mga batikos, balik-puwesto pa rin si Supt. Marvin Marcos. (Applause)

* * * * *

Bago ako naupo sa pwesto, may mga pulis na isinasangkot sa salvaging at kung saan-saan natatagpuan ang katawan ng biktima. Ngayon, hindi na ‘yan nangyayari. Dahil ‘pag ang pulis, may pinatay, doon na mismo sa Camp Crame! (Applause)

* * * * *

Maraming nagagalit kay General Bato dahil batugan daw. ‘Wag naman ganun. To be fair, grabe ang effort ni Bato para lang mapalapit sa ordinaryong tao ang ating kapulisan. These days, marami nang Pinoy ang hindi natatakot – dahil sa history ng PNP, ngayon lang ito nagkaroon ng official mascot! (Canned Laughter) Tawa lang?! Tang ina, hindi ‘yun joke. Pumalakpak kayo! (Applause)

* * * * *

Malamang, narinig n’yo na ang magandang balita mula sa SWS. Sabi sa report, nabawasan daw ang bilang ng mga Pinoy na lubog sa kahirapan! (Applause) Kita n’yo na? Tagumpay ang war on drugs! Tuloy ang patayan! (Applause)

* * * * *

Paulit-ulit ko itong sinasabi: kung walang addict, walang krimen. Kung walang krimen, walang matatakot magnegosyo. Two weeks ago, nasa Philippine Stock Exchange ako at iisa lang ang sinasabi ng mga negosyanteng nakasalubong ko: booming ang ekonomiya natin ngayon! (Applause) Napakalakas ng trade & business sector. Sa sobrang lakas, umabot sa Bilibid! Booming na ulit ang drug trade! (Applause)

* * * * *

Malapit nang simulan ang infrastructure projects na pinondohan ng Beijing. Pero may kumukuwestyon sa napakalaking pautang na ito ng China. Warning ng Forbes, the 167-billion dollar debt could balloon to as high as 452-billion dollars in the future. Sagutin n’yo nga ako: does the future exist? (Silence)

Tinatanong ko kayo: DOES THE FUTURE EXIST?

(Duterte Allies: NO!!!!!)

See? Inaalala n’yo ang future eh hindi naman ‘yan nag-e-exist. Anong problema ng ‘tang in@ng Forbes ‘yan? (Applause)

Sabayan n’yo ako: XIE XIE, BEIJING! One… two… three…

All: Xie xie Beijing! (Applause)

* * * * *

Itong Amerika, itong EU, at itong mga gagong human rights group na ito, ayaw pa rin akong tigilan dahil ipinakulong ko si De Lima. One-sided talaga ang mga p*t@ng i*@! Naka-focus sila sa ginawa kong “pagpapakulong” – pero ‘di nila pinapansin ang ginawa nating “pagpapalaya.” Nasaan ang fairness? Hindi ba’t Solicitor General ko ang tumulong upang maabswelto si Janet Napoles?!? (Applause)

* * * * *

As I have always said, priority ko rin ang welfare ng mga OFWs. Kaya when I heard na bumagsak sa almost 11-year-low ang piso, natuwa ako. This is for our modern day heroes. Sa mga nega d’yan sa pagbaba ng piso, pakyu! (Applause)

* * * * *

Marami ang nagtatanong sa akin tungkol sa kaso ni Noynoy. Sabi ko, mahina ang isinampa ng Ombudsman. Lulusot ‘yan. Siyempre, nagagalit ang pamilya ng mga namatay na SAF. ‘Di bale, sabi ko, makakaganti rin kayo. Effective July 23, may nationwide smoking ban na. Hindi na lalabas ng bahay ‘yan. Ma-bore man siya sa Times Street. Hashtag sad and alone. (Laughter/Applause)

* * * * *

Bago matapos ang aking termino, titiyakin kong magiging pederalismo ang porma ng ating gobyerno. (Applause)

In case namang ‘di tayo magtagumpay, eh ‘di monarchy na lang; tutal, meron na tayong King and Queen… of Fake News. (Silence)

‘T*ng in@ n’yo, tumawa kayo! Joke ‘yan! (Laughter/Applause)

* * * * *

Gusto ko sanang magsalita tungkol sa mga Komunista at sa mga rebeldeng NPA but I decided na ‘wag na lang. ‘Coz whenever I hear or talk about those Communists, I see red. (Laughter)

Salamat naman at na-gets n‘yo ang joke. Palakpakan n’yo ang mga sarili n’yo! (Applause)

Mga utu-uto!

* * * * *

Tapos na ang kampanya. Tama na ang divisiveness at batuhan ng putik. Tularan n’yo ang dating anti-Marcos na si Alan Peter Cayetano. Nang maluklok sa puwesto, biglang nanahimik. (Applause)

* * * * *

Simbolo ng tapang ng mga Pinoy ang anak ng Mindanao na si Senador Manny Pacquiao. Pero, ganyan talaga ang buhay, minsan nananalo; minsan natatalo. Ang importante, matanggap mo ang nangyari at mabilis kang maka-move on. ‘Yan din ang sinabi ko kay Bongbong Marcos. Sabi ko, “Bong, mabilis man ang taon. Hintayin mo na lang ang 2022.” Eh may kutob yata ang gago na mamamatay ako bago mag-2022 kaya gusto niyang mawala na si Leni. Gago rin ‘no? Hoy dong, malakas pa ako! (Laughter/Applause)

* * * * *

You cannot deny: ramdam na ramdan na natin ang malaking pagbabago sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Here, there and everywhere – maging sa paborito kong ‘Philippine Daily Inquirer.’ (Applause) ‘T@ng i*@, finally dumating din ang araw n’yo! ‘Yung Dunkin Donuts n’yo, may utang pang buwis. Akala n’yo, ang linis n’yo! F*ck you! ‘Pag ako, nabwisit, mag-declare ako ng Martial Law sa Inquirer office! Punumpuno na ako sa inyo!

* * * * *

Nabanggit ko na rin lang ang media… pasalamat nga pala ako sa mga radio anchors kasi nag-monitor ako last week, lahat kayo patas. Kay Kabayan Noli De Castro, kay Ted Failon, kay Ka Tunying at sa partner niyang chubby, ‘kalimutan ko ang pangalan, sorry; kina Mike at Igan Arnold Clavio; kina Manong Joe Taruc, at Deo Macalma ng DZRH, siyempre sa Tulfo brothers na walang kapantay sa balanced journalism, at sa iba pang anchors na hindi biased magkumentaryo, thank you very much. Palakpakan natin sila! (Applause) Buti na lang, wala sa radyo ‘yung gagong Ed Lingao. ‘Yun… biased ‘yun!

* * * * *

Sanga pala, batiin ko lang sina Jake Zyrus at Angelina Mead King. I salute you and I respect you for embracing change. (Applause) ‘Yan naman talaga ang isinusulong ng aking administrasyon. Kay Jinggoy din na nanonood ngayon sa PNP Custodial Center, salamat sa tapang mo.

(Silence)

Sandali, bakit biglang napasama si Jinggoy dito? Hoy Martin Andanar, ano ‘to?! Sorry Mayor Erap.

* * * * *

Sa iba pang taga-showbiz na nangungulit sa text, ihahanap ko pa kayo ng puwesto. Hindi ko na kayo maisingit sa MTRCB. I have already appointed 589 board members doon. Thirty lang ang allowed. Baka mahalata na. Hintayin n’yo lang magkaroon ng vacancy sa iba. Thank you.

* * * * *

Bago ako magtapos, gusto ko nga palang magpasalamat sa 78 percent na nagsabing satisfied sila sa performance ko bilang presidente. Nang magdeklara ako ng Martial Law sa Mindanao, tumaas ang rating ko. Paano pa kaya kung buong Pilipinas na ito? Baka mag-95 percent na tayo. (Applause)

Gusto n’yo bang mag-declare ako ng Martial Law nationwide? (Silence)

Hindi na naman kayo sumasagot! Gusto n’yo bang mag-declare ako ng Martial Law nationwide?

(Majority of attendees: Nooooooooo!)

Ulol! Akala mo naman, may magagawa sila kung magdeklara ako!

Sa mga Ka-DDS na nakikinig at nanonood ngayon, huwag kayong magsasawa sa pagsuporta sa tunay na pagbabago! Change is already here. Ipagpatuloy lang natin! Maraming salamat at mabuhay tayong lahat! (Applause/Standing Ovation)
________________________________________________________________________________
‘There is no place in a fanatic’s head where reason can enter.’
~Napoleon Bonaparte

Sound Bites
“Have we become worn-out as a people, a tame hybrid of tanga-takot-tuta (ignorant, afraid, servile)? We have ceased to complain, much less protest, where before we whined. The traffic is worse; the MRT still breaks down; prices are rising; the bureaucracy is as slow as ever. Since December 2015 we have been waiting for our car plate. The EJKs go on, and not a peep. Have we dried up?”
~Asuncion David Maramba

“We had a number of meetings where we were told to be brave, to soldier on. Never did we think we’d be sold off to a Duterte campaign donor at that. Just imagine our disbelief.”
~Unidentified Inquirer employee re: Ramon Ang’s PDI buyout

In Memoriam
Chester Bennington

1976-2017

01Chester

You tried so hard and got so far
In the end, you DID matter, Chester.
Thank you for the music.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Duterte: APA/AFP/Ted Aljibe; Chester Bennington: Metal Injection.Net)

Advertisements

Actions

Information

5 responses

21 07 2017
Đonğ Bäcs

‘taena talaga matutuwa mga Dutertanga nito

Like

23 07 2017
Linda Rabe

very interesting piece to read, made me laugh.

Like

23 07 2017
Powell

Will probably hear some of these during the actual SONA. Haha!

Like

24 07 2017
Daniel B. Laurente

Totoo naman lahat sinabi nya..

Like

17 08 2017
stolencap

Paki follow ding po ako. Salamat

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: