Advertisements

13 REASONS WHY (THE SECRET JAIL CELL)

29 04 2017

THE COMMISSION on Human Rights (CHR) discovered a secret jail cell inside the Manila Police District Station 1 in Tondo district. At least 12 drug suspects were found locked up behind a bookshelf. Some have not been charged and the arrests made have no record (blotter). But in a move that was hardly surprising, PNP Chief Ronald ‘Bato’ De La Rosa blasted the CHR, questioned the “timing” of the surprise inspection, and defended the relieved cops saying, “Ang pulis ko walang ginawang kalokohan.”

000InquirerJailCell

General Bato gave 13 Reasons Why:

No. 1: Alam n’yo bang we promote indigenous games sa mga kulungan sa bansa? Nang araw na dumating ang CHR for the surprise inspection, naglalaro ng taguan ang mga suspek. In short, taken out of context ang na-discover na alleged secret jail cell. Hindi nakakulong ang mga suspek doon; nagtatago sila para ‘di mahuli ng taya.

No. 2: Mahilig magbasa ng libro ang mga suspek. Gusto nila ng tahimik na lugar kaya mas pinili nilang ikulong sa maliit na area behind the bookshelf. Kailan pa naging form of abuse ang pagbabasa?

No. 3: Takot sa dengue at malaria ang mga ‘yan. Masyado kasing malamok sa regular cell. Eh sa loob ng sikretong selda, ultimo lamok, hindi gugustuhing pumasok. Health is wealth kaya tama ang choice of jail cell nila.

No. 4: Lagi kasing may media rito. Camera shy ang mga ‘yan. Ikaw ba, gusto mo bang makita ang mukha mo sa TV o diyaryo habang nasa loob ng kulungan? Siyempre hindi. As much as possible, puprotektahan mo ang iyong image. At iginagalang namin ang right to privacy nila.

No. 5: Gusto naming maging friendly at malapit sa isa’t isa ang mga hinuhuli namin para iwas-away. That’s why, we conduct bonding sessions para mas makilala pa ng mga kriminal ang kapwa nila kriminal. Ang alleged jail cell ay hindi kulungan kundi “bonding area.”

No. 6: Ayon sa isang cosmetic dermatologist: “Sweat purges the body of toxins that can clog pores and plague the skin with pimples and blemishes.” Beauty conscious ang labindalawang suspek na nakita ng CHR sa likod ng bookshelf. Gusto nilang magpapawis pero ‘di naman sila pwedeng magpunta sa sauna kaya doon na lang sila sumiksik. Voluntary ‘yun; hindi sila pinuwersa.

000JeckJailCell
No. 7: Kinukuwestyon ng CHR ang kawalan ng record o blotter ng mga hinuling suspek. FYI lang: sila mismo ang nakiusap na ‘wag na silang i-blotter dahil magkaka-bad record daw sila. Paano nga naman sila matatanggap sa trabaho kung may masamang record? Common sense naman, media. Common sense.

No. 8: Sa pagkakaalam ko, gustong sumali sa Survivor Philippines ng mga suspek na nakita ng CHR. In fact, pinagbigyan lang namin silang gamitin ang likod ng bookshelf. Hindi na nga kami naningil ng rental fee eh. Tama ang narinig n’yo sa balita: doon na sila umiihi, doon na sila tumatae, at doon na sila dumudura. Lahat ng ‘yan, part ng survival training.

No. 9: Nire-recognize ng kapulisan ang pangangailangang sekswal ng mga hinuli. Hindi porke’t suspek ang mga ‘yan, pagkakaitan na namin sila ng karapatang lumigaya. Sa madaling salita, ang alleged secret jail cell na ‘yan ay hindi kulungan kundi parausan.

No. 10: Ang totoo: walang bahay ang mga suspek na ‘yan. Sumuko silang lahat para may matulugan. Kusang-loob silang nagtungo sa istasyon ng pulis at nakiusap na sila’y kupkupin. Nakakadismaya lang! Nag-provide na nga tayo ng shelter, tayo pa ang masama? Bakit naman ganyan kayo sa aking mga tao? Unfair eh.

No. 11: Dito sa Tondo, grabe ang network war. Personalan ang laban ng mga Kapuso at Kapamilya. Patayan kung patayan! So ang nakita naming solusyon, paghiwalayin sila; sa regular cell ang mga Kapuso, sa likod ng bookshelf naman ang mga Kapamilya kasi nga hate ni Tatay Digong ‘yang ABS-CBN.

No. 12: Sabi nga ni Station 1 Commander Robert Domingo, mina-maximize lang natin ang espasyo. Sayang naman kasi kung hindi natin gagamitin ang space sa likod ng bookshelf; baka dagain lang ‘yan. Also, to quote the 1979 movie ‘Alien,’ — “In space, no one can hear you scream. #charot”

No. 13: And lastly, fake news again! Walang secret jail cell! Walang itinatagong suspek! Walang pang-aabuso! Walang paglabag sa batas! Natakpan lang ng bookshelf, secret cell agad?!? Fake news! Bias media! Bayaran! Dilawan! ‘Tang ina n’yo! Mamatay na kayong lahat!
—————————————————————————————————————————————————
“The police have lost sight of the fact that they are public servants.”
~Steven Magee

Sound Bites
“We express our gratitude to the CHR for taking time to inspect the detention cells of our stations so that they’re able to see the real condition of these facilities.”
~NCR Police Office director, Chief Supt. Oscar Albayalde

“At sabi ko nga sa CHR, ‘Hindi ba kayo happy na the 12 of them are lahat buhay? Hindi naman sila lumaban.”
~Manila Station 1 Commander Robert Domingo

Ulol.

Elsewhere
Inside secret cell: ‘You’re like pigs’
“It’s in that garbage dump that these detainees dispose of their feces and urine. So technically, they sleep beside their excrement.”

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Jail Cell: Raffy Lerma/Inquirer.net; Bato: @jeck_batallones]

Advertisements

Actions

Information

One response

2 05 2017
Elmer Nev Valenzuela

Throw them the bookshelf

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: