TONE DOWN

22 03 2017

TOURISM SECRETARY Wanda Tulfo-Teo urged Vice President Leni Robredo and the media to “tone down” statements and reports on extrajudicial killings to boost tourism in the country.

How do reporters tone it down? Here are some tips.

First, the statistics. Iwasang banggitin ang salitang libu-libo. Kung umabot na sa 8,000 ang napapatay, umisip ng alternatibong paraan upang mailahad ang estadistika. Halimbawa, sa halip na sabihing “walong libo,” gamitin ang “20 raised to the third power.” Pero kung pabor naman ang figures sa gobyerno, gawin itong eksaherado. Dapat ganito:

Reporter:
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng ilang human rights groups, umabot na sa 20 raised to the third power ang bilang ng mga napapatay na Filipino mula nang ilunsad ng administrasyong Duterte ang war on drugs. Samantala, iniulat naman ng PNP na ang crime rate sa nakaraang anim na buwan ay bumaba ng cube root of 2,197 percent.

Second, the crime scene. Huwag gawing detalyado ang paglalarawan sa naganap na pagpatay. Hangga’t maaari, huwag babanggitin ang lugar kung saan ito naganap. Iwasan din ang paggamit ng mga salitang dugo, baril, karumal-dumal, patay, at biktima. Dapat ganito:

Reporter:
Isang kagawad ng barangay ang nabuwal, nawalan ng malay at hindi na gumising pa matapos matalsikan ng anim na pirasong metal sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Ang anim na metal ay mula sa itim na bagay na hawak ng dalawang lalaking napadaan sakay ng kalilinis pa lamang nilang motorbike. Naka-helmet ang dalawang lalaki bilang pagsunod sa ordinansa ng lungsod. Ang insidenteng hindi naman dapat gawin pang big deal ay naganap d’yan lang.

Third, managing grief. Ito ang pinakaimportante sa lahat. Tiyaking hindi lalabas na kaawa-awa ang mga kamag-anak ng biktima. Kung kailangang walang maramdamang emosyon sa ulat, mas mabuti. Dapat ganito:

Reporter:
Nang makita ng kanyang misis ang lalaking ‘di na nagising, ngumiti ito, tumingin sa langit, at nagpasalamat. Ayon sa ginang, “Panginoon, ikaw naman talaga ang may kagustuhan nito. Sino po ba ako para magreklamo? Tinatanggap ko ang pagkawala ng aking mister. Maraming salamat sa maigsing panahong siya ay aking nakasama. Love love love you beh saan ka man naroroon.”

Kung emosyonal man ang mga kamag-anak, siguraduhing pabor sa gobyerno ang kanilang sasabihin. Dapat ganito:

Reporter:
Nagdiwang ang mga kamag-anak ng kagawad nang malamang ‘di na ito nagising matapos tamaan ng anim na piraso ng metal sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ayon sa ‘di nagpakilalang tiyuhin nito, “Blessing ang nangyaring ito dahil matagal na namin siyang pasanin. Tiyak na magiging payapa at maunlad ang lugar namin dahil dudumugin ito ng mga negosyante. Mabuhay ka Tatay Digong!”

Lastly, the cops. Sila ang nasa forefront ng kampanya laban sa droga, dapat sila ang laging bida. Dapat ganito:

Reporter:
Bilang pakikisama sa magigiting na pulis na sumalakay sa isang squatters area, anim na hinihinalang tulak ng droga at limang hinihinalang drug addict ang naki-cooperate sa raiding team. Taos-puso silang humanay upang hindi na mahirapan pa ang mga awtoridad. Sa madaling salita, boluntaryo ang pagkamatay nila. Dinala na ang kanilang mga bangkay sa ‘di pinangalanang punerarya upang agarang ma-cremate.  

Sample Tabloid Story
KASAMA na ngayon ni Papa Jesus ang isang hinihinalang pusher matapos na boluntaryong magpatama ng hindi bababa sa sampung piraso ng metal sa kanyang katawan.

May ngiti pa sa mga labi ni Bongbong Calida habang yakap ng kanyang misis na malaki ang pasasalamat sa mga pulis dahil sa nangyari.

“Naniniwala po ako sa afterlife at alam kong hihintayin niya ako doon kaya hindi ako dapat malungkot,” paliwanag ng ginang.

Ang limang taong gulang na anak ni Calida ay nahagip din ng metal sa kanang braso. Ngunit nagpakita ng tapang ang bata matapos sabihan ng lider ng raiding team, “Nene, ‘wag kang umiyak o matakot. Parang kagat lang ng langgam ‘yan.”

Mula nang ilunsad ng administrasyong Duterte ang ‘war on drugs,’ dalawa lamang sa halos tatlong daang miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang nagsalita laban dito. Ibig sabihin, mayorya ng mga senador at kongresista ay naniniwalang malapit na ngang maging next Singapore ang Pilipinas.

At press time, 20 raised to the third power na ang boluntaryong tumawid sa kabilang buhay upang makasama si Papa Jesus. #

Note:
Simula next year, ang short course na ito on alternative reporting ay opisyal nang isasama sa curriculum sa mga state colleges and universities sa bansa at tatawaging ‘Teology 101.’
———————————————————————————————————————————————
“Don’t blame the messenger because the message is unpleasant.”
~Ken Starr

Sound Bites
“’Yung mga statements na ganoon, nahihirapan kaming i-sell ang Philippines so I hope we could kung puwede even… this does not only refer to VP Leni but also to the media to please medyo i-tone down natin yung [reports] on extrajudicial killings.”
~Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo

Elsewhere
The New York Times:
“Violence in the house, violence in the school and violence in the neighborhood. That is why he is always angry. Because if you have pain when you are young, you are angry all the time.”

I am on Twitter: @HecklerForever.

(Photos: EJK: Reuters; Wanda Teo: GMA Network)

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: