BORED MEMBER: RATED SPG

21 02 2017

STARLET MOCHA USON has threatened to resign from the board of the MTRCB. On Facebook, the former sex blogger and adult performer slammed fellow board members for rejecting “change” in the agency. She also ranted against alleged lewd scenes in two ABS-CBN programs. Uson said, “Nakalulusot din ang mga malalaswang eksena na ipinagmamalaki pa ng mga TV network. Kung ayaw nila sa pagbabagong ito dahil sa may mga taong ayaw ng pagbabago, magre-resign po tayo.”

The other day, we caught up with the Queen of Duterte Trolls and Fanatics, and we’re sharing with you the transcript of our brief conversation with her. Ang susunod na panayam ay Rated SPG: Istriktong Patnubay at Gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maselang tema, lenggwahe, karahasan, SEKSWAL, horror at droga na hindi angkop sa mga bata.

MOCHA, kumusta ka na?

Ok lang naman. Ano po ba ang kailangan n’yo? Medyo busy po tayo sa pagsisilbi sa bayan eh.

Grabe naman. Nakakaisang tanong pa lang ako! Presidente ka?!?

Hindi naman sa ganun. Busy lang talaga. Ano na pong tanong?

Ang dami kasing naninibago sa ‘yo. Ikaw na raw yata ang biggest change in the world sa past 10 years.

Kailangan na po talaga kasi natin ng tunay na pagbabago. At naniniwala akong dapat itong simulan sa ating mga sarili.

Gusto ko lang balikan ang ilan mong tweets. Ipaliwanag mo na rin. Unahin na natin ang isang ito.

mochabukaka

Kapag stressed ba, bumubukaka ka pa rin?

Hindi po ako magpapaka-ipokrito. Nami-miss ko rin naman ang pagbukaka lalo na ngayong mga panahong ito na super stressed ako. Pero mas importante na sa akin ngayon ang kapakanan ng ating bayan at ni Tatay Digong. So, hangga’t makakaya ko, pinipigilan ko.

Ano nang ginagawa mo kapag nai-stress ka?

Gumagawa na lang ako ng video para sa Facebook ko. Nagsusumbong ako sa followers ko at naglalabas ng sama ng loob sa kanila.

Ang dami mo pa ring naloloko ‘no?

Ano pong sabi n’yo?

Sabi ko, ang daming lokong-loko sa ganda mo.

Hindi naman po sa ganun. Mahal lang talaga ako ng mga Ka-DDS kaya kahit anong sabihin ko, paniwalang-paniwala sila. Bakit ka pa bubukaka kung marami namang napapaniwala?

May point ka. Punta na tayo sa iyong next tweet.

mochaundie

Ngayong nasa gobyerno ka na, isusulong mo pa rin ba ang National No Underwear Day?

Naku, mahirap po yata ‘yan lalo na kung kasama mo sa kuwarto si Tatay Digong. Medyo awkward na.

In short, change. Nagbago na rin ang isip mo, tama?

Tama po. Mas importante na si Pangulong Duterte kesa sa maaliwalas na pu**.

Ang bastos mo naman!

Pasensya na po. Nabigla lang. ‘Tsaka medyo na-miss ko ang ganung lenggwahe. Hihihi

Malibog ka ba?

Grabe s’ya! Baka nakakalimutan mo po, MTRCB board member na ako. Konting respeto naman.

May masama ba sa tanong ko?

Hindi po dapat ginagamit ang ganyang word kasi hindi ‘yan pambata. Baka may mga minor na nagbabasa ng interview na ito, nakakahiya.

Nahiya ka ba nang i-tweet mo ito?

mochalibog

May tanong pa ba kayo? Nagmamadali ako eh.

Galit na galit ka raw sa dalawang shows ng ABSCBN dahil may ipinapakitang kalaswaan?

Totoo po ‘yon. Ang ipinagtataka ko lang, bakit pumayag ang MTRCB na ipakita ang kalaswaang ‘yun? Inaabuso ng TV network na ‘yan ang SPG rating. Sa akin kasi, hindi dapat tinu-tolerate ang kababuyan sa telebisyon! WALANG LUGAR SA LIPUNAN ANG KALASWAAN!

Mabuhay ka Ka-DDS! Punung-puno ka talaga ng wisdom. ‘Note to self’ ba itong tweet mong ‘to?

mochanagmamalinis

Ayaw ko na pong patulan ‘yan. Sige po, aalis na ako.

Huling tanong na lang: Malaswa ba ang larawang ito?

mochaduterte

Wala pong malaswa sa picture na ‘yan. Ang nakikita ko lang d’yan ay mukha ng tunay na pagbabago. Mabuhay ka Tatay Digong. Salamat po.

Wait! Super last na talaga. Sagutin mo na lang ang sarili mong tanong sa Twitter:

mochadoggie

Ay grabe. Slut-shaming.

Anong slut-shaming? Huwag mong idamay ang mga slut! Nananahimik sila!

Ayoko pong sagutin. Masyadong malaswa. Walang lugar ang kalaswaan sa ating lipunan. Bye.
————————————————————————————————————–
“The only thing worse than a liar is a liar that’s also a hypocrite!”
~Tennessee Williams

Sound Bites
“Ikaw naman. Nalaman ko, hindi ka um-attend ng board meeting. At pag andun ka naman, hindi ka naman daw vocal sa mga concerns mo. Sumbong ka na lang nang sumbong sa taumbayan ng mga reklamo mo. I-translate mo yang mga reklamo mo sa pagkilos kung gusto mo talaga ng tunay na pagbabago. Ganun dapat.”
~Showbiz reporter/manager Ogie Diaz to Mocha Uson

#Burn

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: @MochaUson Tweets; Duterte: Grig Montegrandre/Inquirer.net]

Advertisements

Actions

Information

One response

22 02 2017
BrainRays

MTRCB: Mocha Troll Regulator and Consistent Basher

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: