Advertisements

NOW SHOWING

27 12 2016

HERE’S your complete guide to HMMMPFF 2016.

1xmas
DIE BEAUTIFUL
Synopsis: Si Sassha Sutsot ay isang parlorista na huminto sa paggamit ng droga nang maging presidente si Rodrigo Duterte. Isang araw, habang mini-makeup-an ang sarili, ni-raid ng mga nagpakilalang pulis ang kanyang parlor. Sa sobrang gulat at takot, nahawakan ni Sassha ang isang nail cutter. Nang makita ng mga pulis ang nail cutter, sumigaw ang mga ito: Sige bakla, manlaban ka! Manlaban ka nang makita mo ang hinahanap mo!

Manlalaban kaya si Sassha Sutsot? Bubuhayin kaya siya ng mga pulis? Sakto na ba ang kanyang makeup sakaling may mangyaring masama? Mamamatay kaya siyang maganda?

VINCE & KATH & JAMES
Synopsis: Very popular sa kanilang school si Kath kaya’t hinikayat siyang tumakbong presidente ng student council. Tatakbo namang vice president si James at gusto nitong maging runningmate ni Kath kaya’t kinulit niya ito. Pinuntahan pa nga niya ito sa kanilang bahay. Dahil sa pamimilit ni James, pumayag rin si Kath. Ngunit nang kampanya na, ilang beses nag-joke si Kath na baka ang manalong vice president ay hindi ang kanyang running mate kundi ang ubod nang yamang si Vince, ang mahigpit na kaaway ni James.

Pagdating ng eleksyon, nanalo si Kath. Talo pareho sina Vince at James. Pero si James, hindi tumigil ng kasisipsip at kasusunod kay Kath dahil umaasa ito ng endorsement mula sa dalaga sa susunod na eleksyon. Si Vince naman, hindi matanggap ang pagkatalo for vice president at nag-file ng protesta.

Hanggang kailan magiging tuta ni Kath si James? Siya kaya ang sunod na iendorso ng dalaga? Bakit ayaw pang tanggapin ni Vince ang pagkatalo? Dahil ba marami silang pera at kaya nitong gastusan ang manual recount of votes? Totoo kaya ang tsismis na meron nang teenage son si Vince sa London at itinatago niya ito dahil ubod nang bobo ang binatilyo? Sandro kaya ang name ng anak ni Vince? Malamang. Bakit sinagot ko ang aking tanong? Ang bobo.

KABISERA
Synopsis: Naninirahang mag-isa sa kanyang mansion ang hacienderong si Benito. May kanya-kanya na kasing pamilya ang kanyang mga kapatid at siya na lamang ang naiwang walang asawa.

Umaga, tanghali, gabi… mag-isa siyang kumakain habang nakaupo sa kabisera ng mahabang mesa sa maluwang na kusina ng mala-palasyong tahanan. Ngunit sa kabila ng yaman, malungkot si Benito. Hindi ito ang inasam niyang buhay. Ayaw niyang mamatay na nag-iisa.

Oras na ba para muling humanap ng babaeng mamahalin si Benito? Hindi pa ba huli ang lahat? Bakit ba tila mailap ang pag-ibig sa kanya? Dahil ba lagi siyang may ubo at plema? Kailan niya ititigil ang paninigarilyo?

SAVING SALLY
Synopsis: Sally Lim ang kanyang tunay na pangalan, a suspected drug lord. Nang makasama sa listahan ng high-profile drug targets, sumuko si Sally sa mayor ng kanilang siyudad. Galit sa droga ang kanilang mayor at binantaang papatayin si Sally kapag nagkita sila. Ngunit sa ‘di inaasahang pangyayari, natameme ang mayor nang makaharap si Sally. Nagpakita kasi ng maraming pictures si Sally kung saan kasama niya sa iba’t ibang okasyon si Mayor: may kasal, binyag, libing, tuli, Miss Gay pageant at Mr. Bikini Superhotbodies. Nang makita ang mga litrato, nagbago ng isip si Mayor. Sa halip na patayin, pinatakas nito si Sally.

Nasaan na si Sally Lim? Bumalik pa kaya siya sa Pilipinas? Bakit ganun siya ka-close kay Mayor? Totoo bang may kinikilingan, may pinuprotekahan at may kasinungalingan si Mayor? Bakit ba tanong pa tayo nang tanong eh alam naman natin ang sagot?

SUNDAY BEAUTY QUEEN
Synopsis: Modernong babae si Mookah. Ginagamit nito ang kanyang katawan para kumita. Ngunit nabago ang takbo ng kanyang buhay nang manalong congressman ang isang dati niyang kliyente. Pinahinto siya nito sa paghuhubad. Dahil malakas ang hatak sa publiko lalo na sa mga kalalakihan, ginawa siyang PR consultant ng kongresista. Siya rin ang in-charge sa paninira sa mga kalaban ng pulitiko gamit ang kanyang sikat na blog sa Facebook, ang Mookah Mo Uupuan Ko.

Recently, na-appoint siyang Ambassadress for Hadhad, Buni, and Alipunga Prevention na ikinataas ng kilay ng mga dermatologists. Wala raw kasi itong sapat na background sa trabaho. Deadma si Mookah sa mga kritiko.

Ano ang susunod na puwestong ibibigay kay Mookah? Special envoy for garbage collection? Presidential adviser for TODA concerns? Commissioner for live webcam shows? ANO PA?!? ANO!!!??? Also, bakit ganito ang title ng movie? Sunday Beauty Queen pero walang kunek sa synopsis? Bakit parang nanloloko? Si Mookah rin ba ang may pakana ng misinformation na ito?

SEKLUSYON
Synopsis: Sina Leni at Patricia ay mga bagong salta sa bayan ng San Isidro. Volunteer social workers ang dalawa at tumutulong sa mahihirap na residente. Isang araw, naka-receive sila ng text message mula sa kapitan:

Madam Leni and Madam Patricia,
Sabi ni Kap, tigilan n’yo na raw ang ginagawa n’yo. Feelingera raw kayong dalawa. Feeling n’yo raw kayo lang ang magaling. Feeling n’yo raw walang ginagawang mabuti si Kap. Kaya mabuti pa, lumayas na kayo. Or else, ipatatapon kayo ni Kap sa isang secluded na lugar!

Walang nagawa si Leni. Umalis siya sa nasabing bayan at ipinagpatuloy ang gawain sa ibang lugar. Ngunit naiwan si Patricia at pinanindigang walang sinumang makapipigil sa kanyang trabaho.

Ano ang gagawin ni Mayor upang mapalayas sa kanilang lugar si Patricia? Sisiraan din kaya nila ito katulad ng ginawa nila kay Leni? Bakit pilit na pilit ang title ng pelikulang ito? At bakit pilit na pilit din ang synopsis? Ganun ba talaga kahirap magpatawa?

ORO
Synopsis: Tatlong buwan nang nakaburol ang pinatalsik sa puwestong si Gov. Fernando Narcos. Nangangamoy na nga ang bangkay ng matanda dahil hindi pala ito binalsamo bilang pagsunod sa kanyang huling hiling. Hindi mailibing si Narcos sa pinakamalapit na sementeryo dahil sa pagtutol ng taumbayan. Noong nasa puwesto pa kasi ang gobernador, ibinulsa nito ang milyun-milyong pisong kinita ng kapitolyo mula sa mga minahan ng ginto sa kanilang lalawigan.

Nag-demand ang mga residente na ibalik ng pamilya Narcos ang kanilang ninakaw. Ngunit dahil ubod nang kapal ang mukha ng biyuda at mga anak ng gobernador, deadma sila sa panawagan ng taumbayan.

Isang araw, nagulat na lang ang publiko nang mabalitaang palihim na inililibing ang pumanaw na gobernador. Sumugod sila sa sementeryo upang magprotesta. Naabutan nila doon ang buong pamilya Narcos. Nagkaroon ng sigawan, sumbatan at murahan. Sa gitna ng kaguluhan, nagsalita ang panganay na anak ng gobernador, si Noemi at nagbantang tutusukin ng kanyang matulis na baba ang sinumang pipigil sa libing ng kanyang ama. Ngunit hindi nagpasindak ang taumbayan.

Saan hahantong ang komprontasyon? Ituloy kaya ni Noemi ang kanyang banta? Bakit namamaga ang mukha ng kapatid na lalaki ni Noemi na si Gonggong? Totoo kayang umiinom ng formalin tablets ang kanilang inang si Esmeralda kaya’t hindi mamatay-matay? Baka nga.

ANG BABAE SA SEPTIC TANK
Synopsis: Matapang na babae si Leila. Kinalaban niya ang isang mayor na sangkot sa sunud-sunod na patayan sa kanilang bayan. Dahil dito, napag-initan ng mga tauhan ni Mayor si Leila. Inakusahan nila ito ng drug trafficking, pornography, adultery, acts of lasciviousness, indecent exposure, prostitution, at sexting with a married subordinate. Dahil ‘di pa rin matinag-tinag si Leila, dinukot ito ng mga tauhan ni Mayor at inihulog sa isang septic tank.

Makaahon pa kaya si Leila mula sa pagkakalubog? Humihinga kaya siya habang lumalangoy sa dumi ng tao? Paano kung malunok niya ito? Ngayong ubod na siya nang baho, makahanap pa kaya siya ng lalaking magmamahal sa kanya? Bakit si Leila may love life, ikaw wala? Hindi ka ba nai-insecure?

Suportahan po natin ang pelikulang Pilipino. Panoorin ang lahat ng entries. Maraming salamat po!
—————————————————————————————————————————-
“Fiction reveals truth that reality obscures.”
~Jessamyn West

Soundbites
From Mocha Uson, MMFF 2016 Ambassadress (Whatever that means)

1

I can’t even.

I am on Twitter: @HecklerForever.

Advertisements

Actions

Information

3 responses

28 12 2016
chroniclesofthevoyager

Hahaha ayos

Like

28 12 2016
Doctor Eamer

Panalo!!!! 🙂

Like

30 12 2016
Gil Nacario

Hahaha, you made my day, Heckler! What I like the best is the character Mookah. 😀

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: