Advertisements

STRANGER THINGS

2 09 2016

WE THOUGHT it was just fair to get the side of the late former president Ferdinand E. Marcos on the controversial issue of his burial at the Libingan ng mga Bayani. Everyone has spoken about it except for him. So we asked our favorite host, Krissy to do this interview – exclusive!

1MARCOS
Ilocos Norte
12mn, Sept. 1, 2016

“HELLLLLLOOOOOOOOOOOOOOO! I’m baaaaaaaaaaaaaaaack! Ang OA ko ‘no? As if naman may naka-miss. Aha-ha-ha. Sabi talaga ni Bimby this morning, “Mom, do you still have fans?” Nakakalokaaaa! Sarili kong anak, nag-doubt. Hindi ko siya kinaya. I swear.

Anyway, before I proceed to the interview, gusto ko lang sanang linawin ang kumakalat na chismis na aalis na ako sa ABS-CBN. This will be the first and last time na magsasalita ako about it. There’s a rumor kasi na ayaw na raw akong papirmahin ng ABS ng more than two years na contract. Eh I was asking daw for 5 years. At nang ‘di ko raw makuha ang gusto ko, lumipat ako sa APT Entertainment ni Mr. Tuviera ng Eat Bualaga. Ano raw po ba ang totoo? Well, I promised Ate Pinky and Ate Ballsy I wouldn’t talk about the issue bilang respeto na rin sa Dos, so I won’t. Sorry. Aha-ha-ha. Nabitin kayo ‘no?

Nandito nga pala tayo ngayon sa Ilocos Norte. Gosh, kinakabahan ako. As in! Hindi ko teritoryo ‘to – you know that! When I arrived nga this morning sa airport, feeling ko anytime, may babaril sa akin. Aha-ha-ha Excited ako ngayon dahil first time kong makakausap ‘tong guest natin. Kanina nga sa plane sabi ni Darla, “Alam mo Ms Krissy, may something in common ‘yong guest mo today at ‘yong career mo.” Sabi ko, “What?” She replied, “They’re both dead.” I hate you Darla! Punyeta ka! Aha-ha-ha!

Well, ayaw ko nang patagalin pa dahil I was told na kailangang magpahinga ang ating guest. In fact, ni-limit ako sa 7 questions since – ‘di ba nga – obsessed daw siya sa number na ‘yon?! Parang ako lang. Obsessed sa 7. Kumusta na kaya si James Yap? Aha-ha-ha! TMI alert! I hate you self! Aha-ha-ha!

Mga Kapamilya, Kapuso, kababayan, welcome to my strangest interview yet. Please welcome, the late Philippine dictator, Ferdinand E. Marcos! (APPLAUSE)

Ulitemman ti imbagam Ibagam man manen!

Ay! Hindi ako nakakaintindi ng Greek, Mr. President. I beg your pardon?

Sabi ko, pakiulit ang introduction mo.

Gosh, did I say something wrong? Did I mispronounce your name Sir? Sabi ko, ‘Please welcome, the late Philippine DICTATOR, Ferdinand E. Marcos!’ May mali po ba?

Awan ammum! Nag ampep ta pipit mo! Magtanong ka na. Sinasayang mo ang oras ko!

“Krissy, behave. ‘Wag ka nang sumagot. Gumalang ka sa patay. Ikaw na ang magpasensya. Bad mood lang siguro ang lolo mo.”

May sinasabi ka?

Mr. President, ba’t ganyan kaaaaaa? I thought you’re nice pa naman. Anyway, I’ll proceed na nga lang to asking my set of 7 questions. But first, maraming salamat nga pala sa mainit na pagtanggap.

Anong mainit?!? Nang-iinsulto ka ba? Twenty-seven years na akong naninigas sa loob ng freezer na ito! Anong mainit ang pinagsasasabi mo d’yan?! Ukininam!

Pun intended sir. Aha-ha-ha! Grabe ka naman. Ukininam agad? Ang unang tanong ko Mr. President, super idol ka ni Pangulong Duterte. As in! He adores you. Everytime he mentions your name nga, there’s nothing but ‘love love love’ eh. Grabehhhh. Sa tingin mo magagawa niya ang mga nagawa mo?

Kung mamalasin siya, never. Pero kung mamalasin kayo, and I mean, the Filipino people, he’ll even exceed it. Ako na ang nagsasabi: he’s got a lot of potential. Matagal ko na siyang inoobserbahan.

Inoobserbahan from where? From heaven? I doubt.

Gago ka ah! Basta! He’s very promising. At bentang-benta siya sa mga tao. Ganyang-ganyan ako nagsimula. Tandang-tanda ko pa. Hinding-hindi ako pwedeng magkamali. Alam na alam ko ‘yan.

At paulit-ulit talaga ang words na gamit n’yo. Kaloka ka Mr. President. ‘Punta naman tayo kay Bongbong. Alam mo naman ang nangyari last elections. Dinaya raw si Junior mo.

Narinig ko nga. Tawang-tawa ako! Ha-ha-ha-ha Ang dami kong tawa!!! Siguro mga 14 million! Nagrereklamo siya ng pandaraya??? Muntik ko nang masipa ang salamin sa higaan ko. Who would’ve thought? A Marcos is talking AGAINST fraud and cheating???? Ha-ha-ha-ha-ha-ha-ha Boom panis! K.thx.bye.

For someone who’s been dead for almost three decades, ang cool mo lang Mr Marcos. Promise. Love na kitaaa! Oops, sorry Dad, Sorry Mom. I was just kidding. Aha-ha-ha. By the way, sikat na sikat na ang inyong apo… si Sandro. Megastar siya ngayon sa social media. Ang daming millennials na gustong makipag-date sa kanya. Kaloka! Nagmana yata ang appeal kay lolo.

Utang na loob, hindi ko ‘yan apo!

But he’s Bongbong’s son!

Anak siya ng anak ko pero hindi ko siya apo! Kailanman ay hindi ko matatanggap na apo ang sinumang may tweet na ganito: CLICK HERE. TANG INA. NAKAKABOBO!

Ang puso mo Sir! Pag-usapan na lang natin ang ultimate lovey dovie mo.

Patay na ako. Konting respeto.

Why? Ano bang sinabi ko Mr. President?

I saw what you did there! Matalino ako. ‘Di mo ako pwedeng gaguhin. Sasabihin mo na naman, “No pun intended.” Huwag mo akong daanin sa pun-pun na ‘yan. PUNyeta ka!

My gosh! Ang init ng ulo! I was supposed to ask something about your ultimate love, the former First Lady. Hayyy. Nakakaloka. Masyadong defensive! Anywy, to be honest, si Mrs Marcos talaga ang ‘di ko kinakaya. Eighty-seven na pero bongga pa rin ang aura kahit wala nang gumagalaw sa kanyang mukha! Well, ‘yong labi naman, keri pa. Pero ang mga kilay, pisngi at noo… gosh. What sorcery is this?

Are you asking or are you insulting?

I am describing! Aha-ha-ha! In fairness, nasagot kita dun Mr. President! Going back to the question, lagi pong nagsisimba si Mrs. Marcos sa Baclaran. Nakasalubong ko pa nga minsan ‘yon eh. Deadma! Hindi siya nag-smile, so umirap din ako. Helllllooooo! Do you think she prays for you?

‘Yun nga sana ang gusto kong iparating sa kanya. Kasi everytime Meldy prays, ang lagi niyang hiling, “Lord, please keep Ferdie safe there in heaven.”

When in fact Sir, nasa hell ka naman talaga, tama?

Tama! I mean, pakyu ka. Wala ako sa hell. Pagala-gala pa rin ako.

Kasi nga, hindi ka pa naililibing? Naka-display ka pa rin d’yan sa freezer…

Freezer na kasinlamig ng pakikitungo sa akin ng Martial Law victims.

Hugot Sir? Once and for all Mr. President, saan mo ba gustong mahimlay? Sa Libingan ng mga Bayani o dito sa Ilocos?

Alam nila ‘yan. Buhay pa ako, sinabi ko na: GUSTO KONG ILIBING NILA AKO SA TABI NG AKING MAHAL NA INA DITO SA ILOCOS. UMOO SILA NOON. ‘TAPOS NGAYON, GUSTO NILA AKONG ILAYO, AT DALHIN SA TAGUIG!

Kailangang all caps? Galit???

OO, GALIT AKO! PAGOD NA PAGOD NA AKO UKINAM. ‘TAPOS MISMONG PAMILYA KO, AYAW AKONG PATAHIMIKIN. ‘YOT NI INAM!

1KRIS

O, Imee, Bongbong… I’m sure you’re watching, ‘wag matitigas ang ulo! Your dad wanted to be buried here naman pala. Kayo lang ‘tong mapilit na iluwas siya sa Libingan ng mga Bayani. Ahhmm, Sir may message ba kayo sa inyong pamilya?

MERON! DIAK INGGAGARA A SAKTAN TI RIKNAYO. PERO KUNG GUSTO N’YO ANG LIBINGAN NG MGA BAYANI… GO AHEAD. KAYO NA LANG ANG IBAON DUN. KAHIT NGAYON NA. ‘DI AKO TUTUTOL. GO!

Nakakaloka! O, mga kababayan, narinig n’yo mismo ang hiling ni late president Marcos. Gusto na niyang matahimik. ‘Wag nang makulit ok?

Nanlalamig na ako. Matagal pa ba?

Last two questions na lang Mr. President. May mga tsismis kasi na hindi ka raw totoo. Wax ka lang daw. Prove them wrong.

Sige. Touch me!

Ayaw.

TOUCH ME!!!

Ayokooo!!!!! Afraid! Wala akong dalang alcohol.

Ang selan mo. Syet ka.

Bakit ba?!? Eh ayoko eh! Eeeew. Last question… In less than two weeks, 99th birth anniversary mo na Mr. President. Grabe! Kung buhay ka pala, bata ka pa sir. Wala ka pang 100!

Ang luma ng joke huh.

I know, right? Aha-ha-ha! So, ano na ang iyong birthday wish Mr President?

Alam ng lahat – maliban na lang siguro sa napakaraming millennials na walang inatupag kundi memes at Facebook chat – na napasakamay ko na lahat ng materyal na bagay sa mundo. Name it, I’ve held it. Kaya sa kaarawan ko ngayong September 11, napakasimple na lang ng aking kahilingan. This may sound cliché pero ito talaga ang wish ko: Good health and long life.

Sir???

Pun intended. He-he

Agyamanak Mr. President. Thank you. Happy birthday and Mabuhay po kayo!

Pun intended too?

Ang kulit n’yo! Ukinam.
———————————————————————————————————————————————–
“It is the bungled crime that brings remorse.”
~P.G. Wodehouse, ‘Love Among the Chickens’

Sound Bites
DOJ Secretary Vitaliano Aguirre boasted that two former employees of Sen. Leila De Lima at the Department of Justice have executed affidavits against her. But one of them, Edna ‘Bogs’ Obuyes has spilled the beans on Aguirre et al. Here’s her statement on Facebook:

1Obuyes

TANONG: Ano ang susunod na mangyayari?
A: “Manlalaban” si Edna
B: Bigla-biglang magpa-positive sa drug test si Edna
C: Mawawala si Edna. Kagagawan ‘yan ni De Lima!
D: Papayagang tumira sa White House sa Camp Crame si Edna ‘tapos after two weeks, state witness na siya against De Lima

To join, just type #FabricatePaMore (space) Letter of Answer (space) Name/Address and send to 666.

Red Flags
On Thursday, DOJ Secretary Vitaliano Aguirre released to the media bank transaction records that would allegedly prove that then DOJ Sec. Leila De Lima ordered her clerks (including Edna Obuyes) to deposit millions of pesos to a bank account under someone else’s name. A netizen was quick to point out “red flags” in the DOJ’s “evidence” though. Bistado.

1emillunasco

Ang evil lang.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Marcos: Reuters; Kris Aquino IG; Edna Obuyes FB; Emil Lunasco FB]

Advertisements

Actions

Information

One response

3 09 2016
depatridge

Reblogged this on Matthews' Blog.

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: