Advertisements

SENATOR DE LIMA GRILLED!

29 08 2016

1dl
THE HOUSE of Representatives is conducting a congressional inquiry into the proliferation of illegal drugs at the New Bilibid Prison. President Duterte’s allies in Congress wanted to grill Sen. Leila De Lima but the feisty senator has rejected their invitation calling it Duterte’s “kangaroo court.”

This morning, a list of questions purportedly drafted by Congress’s super-majority, specifically for De Lima, leaked online. Take a look!

* * * * *

Thank you for accepting our invitation Madam Senator. Hindi na po kami magpapaliguy-ligoy pa.

1: Ilang taon ka nang unang magka-boyfriend?
Follow up:
Smoker ba ang first boyfriend mo?
Sinubukan ba nitong mag-drugs?
Kung oo, inalok ka ba nito?
Kung oo, tinikman mo ba?
Kung oo, nasarapan ka ba?
Kung oo, inulit mo ba?
Kung oo, na-addict ka ba?
Kung oo, nagpa-rehab ka ba?
Kung hindi, masama kang babae. Period.

2: Ilang taon ka nang ma-devirginize?
Follow up:
Boyfriend mo ba ang nakauna sa ‘yo?
Kung oo, pinilit ka ba?
Kung hindi, ikaw ba ang nagyaya?
Kung oo, napilitan lang ba siya?
Kung oo, masama kang babae. Period.

3: Ano ang civil status mo ngayon?
Follow up:
May natanggap kaming report na “It’s Complicated” ang inilagay mong relationship status sa Facebook recently. Binago mo ito pero nakakuha kami ng screen cap ng original status. Pakipaliwanag kung bakit “It’s Complicated.”

4: What is love? Define legally.
Follow up:
Naniniwala ka ba sa forever?
Kung hindi… kami rin.
Kung oo, naka-droga ka ba?
Kung oo, masama kang tao. Period.

5: Sino si Ronnie Dayan sa buhay mo?
Follow up:
Naging “kayo” ba ni Ronnie?
Ano ang theme song n’yo?
Ano ang tawagan n’yo sa isa’t isa: beh o babe?
Kung beh, ano kayo, millennials? ‘Di na kayo nahiya!?!
Hiwalay ka na ba sa asawa mo nang maging “kayo?”
Kung oo, hiwalay na ba siya sa misis niya nang maging “kayo?”
Kung hindi, masama kang babae. Period.

6: Isinasama mo ba si Ronnie Dayan kapag nagsasagawa ka ng inspection sa Bilibid?
Follow up:
Alam mo bang kilala ni Ronnie Dayan ang ilang high profile inmates?
Alam mo rin bang may contact siya sa mga ito?
Alam mo bang tumatanggap siya ng pera mula sa nakakulong na drug lords?
‘Yan ang sabi ng aming binayarang nahagilap na witnesses!
Kung alam mong lahat ‘yan at wala kang ginawa, masama kang babae! Period.
Kung hindi mo naman alam, anong klase kang girlfriend? Hindi mo iniisip ang seguridad ng iyong partner!
Masama ka pa ring babae. Period!

7: Sino si Warren Cristobal at bakit nali-link ka sa kanya?
Follow up:
Ano ang naging reaksyon ni Ronnie Dayan nang malaman niyang kinuha mong security detail si Warren Cristobal?
Nagselos ba siya?
Kung oo, may dapat ba siyang ipagselos?
Kung oo, two-timer!
Masama kang babae. Period.

8: Lagi mong sinasabi, napakahalaga ng human rights. May nagsasabi pang kesyo this government is committing “crime against humanity.” Pero ang tanong nga ni Pangulong Duterte, isipin mo ang mga drug addicts. Are they humans?
Follow up:
Kung ipapagahasa ka namin ngayon sa isang drug addict, ipaglalaban mo pa rin ba ang human rights niya?
Kung hindi, ipokrito ka!
Kung oo, wala ka na talaga sa tamang pag-iisip. Nasa panig ka ng mga kriminal.
Masama kang babae. Period.

9: May we direct your attention to the projected matrix on the wall. Patutunayan ng matrix na ito ang mga sumusunod:
Tuloy ang “bond” sa pagitan n’yo ni Ronnie Dayan.
May kuneksyon si Ronnie Dayan sa isang drug lord.
Ikaw, si Ronnie Dayan at ang isang drug lord ay iisa ang type na palabas.
Isa kang cougar.

1Matrix

Closing:
Madam Senator, kung iyong mapapansin, napakapatas ng ginagawa naming pagdinig. Hindi kami nanghuhusga. Nais lang naming bigyan ka ng pagkakataong makapagpaliwanag.

Sabi ni Mark Twain, “If you tell the truth, you don’t have to remember anything.” Madam Senator, sa bawat tanong, malaya kang makapagbibigay ng pahayag — in 140 characters or less. Kung hindi mo magagawa ‘yan, ibig sabihin, hindi ka nagsasabi ng totoo. Guilty ka sa mga ibinibintang sa ‘yo. Therefore, masama kang babae. Period.
—————————————————————————————————————————-
“To a misogynist: To err is woman.”
~Mokokoma Mokhonoana, philosopher, social critic

Sound Bites
“Kilala n’yo naman ang mga drug lord dito. Puntahan n’yo ang bahay, buhusan n’yo ng gasolina, sigaan ninyo. Ipakita n’yong galit kayo sa kanila. Kilala niyo sino ang drug lord dito. Gusto niyong patayin? Patayin niyo. Pwede kayong pumatay dahil kayo ang biktima.”
~PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa who apologized for making the statement

“The House conducting this inquiry to try me before false witnesses is not democracy. The House conducting this inquiry is Duterte’s kangaroo court conducting the Salem witch trials and burning me at the stake.”
~Sen. Leila De Lima

Stay safe.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Inquirer.net]

Advertisements

Actions

Information

2 responses

29 08 2016
85graceticzon91

Wow! This is one of the best!!! Pls continue this as I also forward to some relatives abroad. Thanks and more power!!!

Sent from my iPhone

>

Like

29 08 2016
depatridge

Reblogged this on Matthews' Blog.

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: