IMORAL! ADIK! BOBO! ATBP. KWENTO

17 08 2016

1Duperfect
THINK YOU’RE UPDATED? Find out by answering this current events fun quiz. Kapag na-perfect n’yo, bibigyan kayo ng puwesto sa gobyerno. ‘Yan naman ang uso! Good luck!

1: Sa kanyang talumpati sa Camp Crame, tinawag na “immoral woman” ni President Duterte si Sen. Leila De Lima dahil may “lover” daw ito. Bakit ito nasabi ng Pangulo?
A: Dahil sa panahong ito, mas tanggap ng mga Pilipino ang pumatay ka kaysa magkaroon ka ng kabit
B: May karapatang magsabi ng gano’n ang Presidente dahil never siyang nambabae. Perfect husband siya.
C: Actually, nagbibiro lang ang Pangulo; pampaingay lang ‘yon para ma-promote ang bago niyang showbiz-oriented talk show sa Channel 4.

1MarcosPhilstar
2: Ayon kay Manny Pacquiao (na ibinoto n’yong senador), dapat ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang namayapang diktador na si Ferdinand Marcos. Paliwanag ni Manny, “Huwag tayong magalit kung anuman ang nagawa niya.” Bakit daw?
A: Dahil mga bobo tayo
B: Dahil paninira lamang ‘yon kay Marcos
C: Dahil sabi raw sa Romans 12:5, “Ang ‘di mag-move on, bitter!”

1MP
3: Still on Pacquiao, sa kanyang kauna-unahang privilege speech bilang senador, inihayag nito ang suporta niya sa death penalty. Ayon kay Manny…
A: “Si God nga pinatay halos lahat ng tao sa buong mundo sa pamamagitan ng baha, tayo pa kaya?”
B: “Masyado nang maraming bobo at istupido sa bansang ito. Magbawas tayo.”
C: “Kahit naman walang death penalty, marami na ring pinapatay ngayon. So parang ganun na rin. Sanayan lang!”

1KBordador
4: Anong lesson ang mapupulot sa pagkakaaresto sa magkasintahang drug suspects na sina Karen Bordador at Emilio Lim?
A: Hindi marunong “manlaban” ang mga suspect na nakatira sa condo.
B: Kapag mababango, mugshots. Kapag dugyutin, shots lang.
C: Kapag may pangalan, mugshots. Kapag nameless, cardboard.

1Hero
5: Nag-leave na ang kapatid ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na si Councilor Hero Bautista upang magpa-rehab. Sa privilege speech sa harap ng konseho, sinabi ni Hero na “biktima” siya ng droga. Ano kaya ang reaksyon ng droga?
A: “Biktima?!? Kami ba ang lumapit? Kami ba ang gumamit?! Nakakaloka ka!”
B: “There’s a Hero… if you look inside your heart. You don’t have to be afraid of what you are.”
C: “Sisihin talaga kami?! Pwes, dahil marupok ka naman pala, magpalit ka na ng pangalan. Victim Bautista, mas bagay sa ‘yo ‘yan. Tse!”

1JoeySal
6: Ayon kay Albay Governor Joey Salceda, ano raw ang dapat sisihin sa paglala ng traffic ngayon sa EDSA?
A: Lumalaking populasyon ng mga bading
B: Kotse ng mga pulitikong balimbing
C: Lubak-lubak na kalsada

1Schooling
7: Matapos iuwi ng swimmer na si Joseph Schooling ang kauna-unahang gold medal ng Singapore sa Summer Olympics, sinaliksik ng local media ang buhay nito at napag-alaman nilang Filipina ang yayang nagpalaki sa atleta: si Yolanda Pascual. Pero alam n’yo bang may “kunek” din pala sa Pilipinas ang pinakamahusay ngayong female Olympic gymnast na si Simone Biles ng US? Hulaan n’yo kung ano.
A: Ang biological parents ni Simone Biles ay may kapitbahay na South Korean na laging kumakain sa restaurant kung saan nagtatrabaho ang kanyang best friend na Mexican na ang ex-boyfriend ay minsang may nakasabay na Pinoy sa CR! Amazing!
B: Si Simone Biles ay may height lamang na 4’9” na ‘di nalalayo sa height na 4’11” ng dating pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo. Ang lapit!
C: Si Simone Biles ay mula Milky Way Galaxy kung saan located ang ating Solar System na kinaroroonan ng planetang Earth kung saan matatagpuan ang Estados Unidos na bahagi ng Asia-Pacific Region na kinabibilangan din ng Pilipinas. Nakaka-proud!

1Ellen
8: Inakusahan ng pagiging racist si Ellen DeGeneres dahil sa picture na ito na lumabas sa official Twitter account ng kanyang talk show. Ano ba ang sabi niya sa tweet?
A: “My new pet is amazing!”
B: “Horsin’ around before our taping.”
C: “Off to the jungle!”

1Chiz
9: Ano ang ibig sabihin nito?! Paki-explain!
A: Ito ang unang phase ng transition ni Senator Chiz. Supportive naman si Heart – in fairness.
B: Tapos na ang special course niya sa TESDA. OJT na.
C: Confeeeeeeeeermed!

1Romance
10: Sa Cagayan De Oro City, ipinagbabawal ng Golden Heritage Polytechnic College ang pagkakaroon ng “intimate relationship” sa pagitan ng mga lalaki at mga babaeng estudyante. Ano ang masasabi n’yo?
A: Puwede bang itama muna ang grammar sa tarp bago pakialaman ang personal na buhay ng mga estudyante?!
B: Kung bawal ang relasyon sa pagitan ng male and female students, pwede bang male to male o female to female? #LoveWins
C: Sa nakaisip ng panuntunang ‘yan: huwag kang bitter! Kung masama ang experience mo noon, huwag kang mandamay! Pangit!

Bonus Question: Kaninong diet ito?
1Diet
A: Sen. Franklin Drilon
B: Olympic silver medalist Hidilyn Diaz
C: Jessy Mendiola
Guess first then click here for the answer.
——————————————————————————————————————————-
“A hypocrite is the kind of politician who would cut down a redwood tree, then mount the stump and make a speech for conservation.”
~Adlai E. Stevenson II

Sound Bites
“It’s so foul, it’s character assassination. We are both professionals, the President and I. We are both public servants. I hope he doesn’t resort to those foul means. To me, that’s very foul.”
~Sen. Leila De Lima on President Duterte’s personal tirades

Stay safe.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Duterte: Inquirer.Net; Karen Bordador/BF: PNP-PIO; Marcos: Edd Gumban/Philstar; Hero Bautista: Richard Reyes/PDI; Manny Pacquiao: Grig Montegrande/PDI; Salceda: GMA Network; Yolanda/Schooling: Singtel; The Ellen Show; CDO: ABSCBNNews; Heart/Chiz: Happy Skin]

Advertisements

Actions

Information

One response

22 08 2016
Ivy Lisa Mendoza (@ivymendoza)

No. 6!!! Hahahahaha

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: