Advertisements

LEAKED: DUTERTE’S 1ST SONA (EXCLUSIVE)

22 07 2016

A DRAFT of President Rodrigo Duterte’s First State of the Nation Address was sent to this blogger. Here are [unedited] excerpts of the speech. Exclusive!

dd

State of the Nation Address
of
Rodrigo R. Duterte
President of the Philippines

[To be delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon City on July 28, 2016]

SPEAKER PANTALEON Alvarez, Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, Vice President Leni Robredo, Chief Justice Maria Lourdes Sereno, former presidents Fidel V. Ramos, Joseph Ejercito Estrada and Gloria Macapagal-Arroyo… (BOISTEROUS APPLAUSE)

Ma’am, puwede po bang tumayo kayo? Na-miss yata kayo ng inyong mga kasamahan dito sa Kongreso. (MORE APPLAUSE)

[Shobra ka naman Digong. Nakatayo na ako.] (CANNED LAUGHTER)

Palakpakan po ulit natin, former president Gloria Macapagal-Arroyo! (APPLAUSE)

Members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps; fellow workers in government,

Mga minamahal kong kababayan…

Change has come. (5-MINUTE APPLAUSE, STANDING OVATION)

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Magsasalita ba ako o papalakpak na lang kayo maghapon? (CANNED LAUGHTER/APPLAUSE)

Before I continue, gusto ko munang batiin si former president Noynoy Aquino na nanonood sa Times Street. Noy, huwag kang mag-alala ngayong hapon. Hindi ko sisisihin ang iyong administrasyon. (APPLAUSE)

As I have promised, hindi ko na hahabaan ang aking speech. Napakahalaga ng bawat segundo sa akin. Inaamin ko, ako ang nag-utos na tigilan na ang taunang fashion show sa red carpet sa labas. Sinasayang nito ang ating oras. (APPLAUSE)

Tingnan n’yo ang inyong mga sarili ngayong hapon. Napakaayos. Mukha kayong public servants na nag-oopisina. Samantalang dati kapag SONA, para kayong shoppers sa isang SM boutique – ang KULTURA. (APPLAUSE)

* * * * *

Kamakailan ay naipanalo natin ang arbitration case laban sa China. (APPLAUSE) Ang sabi ng Beijing noong isang linggo, “Sige, usap tayo. Pero i-disregard n’yo muna ang hatol.” Ulol! (APPLAUSE)

May natatanggap na batikos si DFA Sec. Perfecto Yasay Jr. nitong mga nakaraang araw. Pero ako na mismo ang magsasabi sa inyo… hinding-hindi natin isusuko ang claim sa pinag-aagawang mga isla! (APPLAUSE) At lalo namang hindi natin uurungan ang China! (STANDING OVATION)

* * * * *

Noong Biyernes sa isang drug raid sa Valenzuela, napatay natin ang big time Chinese drug lord na si Meco Tan. China: 0, Philippines: 1. (APPLAUSE)

PULIS
Noong kampanya, kung natatandaan n’yo, I promised to kill five criminals PER WEEK para maresolba ang problema sa peace and order! Humihingi po ako ng paumanhin at hindi ko natupad ang aking pangako. Dahil sa latest data ng PNP, mula nang ako ay maupo, ang napapatay PER DAY ay sampu! (APPLAUSE/STANDING OVATION)

Sabi nila, ‘Justice delayed is justice denied.’ Sang-ayon ako d’yan! Kaya’t mabilis ang pagkilos ng ating kapulisan. Wala nang Mira-Miranda rights sa hulihan! Diretso agad sa kulungan! ‘Wag ka lang manlalaban or else… condolence na lang! (APPLAUSE)

Marami ang nagsasabi, pinapatay ng kapulisan ang mga pusher at addict. Hindi raw nabibigyan ng pagkakataong ma-reform ang mga nalulong sa drugs. Liar! Hindi ba’t binigyan ko ng second chance si Ka Freddie Aguilar? (APPLAUSE)

* * * * *

Matapos ang eleksyon, nanawagan akong simulan ang healing sa buong bansa. Anuman ang naging kasalanan, dapat nang magkapatawaran. Nakinig naman ang Korte Suprema sa aking panawagan. Ayun… si GMA, pinakawalan. (APPLAUSE)

* * * * *

Noong isang linggo, nag-crack ang aspalto sa runway ng NAIA. Napamura ako. Sabi ko, “Pati ba naman runway nagdo-droga? Nagka-‘crack’ eh.” (NO REACTION)

Joke ‘yun. ‘Tang ina n’yo, tumawa kayo! (CANNED LAUGHTER/APPLAUSE)

Nang mag-crack ang NAIA runway, maraming pasahero ang naperwisyo. Maraming flights ang na-delay. Kaagad nag-sorry si Secretary Arthur Tugade. Meron ba kaming ibang sinisi? Wala. Baka sabihin naman ni Noynoy, wala kaming originality. (APPLAUSE)

* * * * *

Natutuwa rin ako dahil last week sa Pampanga… halos limampung miyembro ng New People’s Army ang nagsisuko. Bakit pa nga naman sila lalaban sa gobyerno kung mga kaalyado na nila ang nakaupo? (APPLAUSE)

* * * * *

Nalulungkot ako kapag may mga kababayan tayong umaalis at iniiwan ang kanilang mga mahal sa buhay. Ipinapangako ko, gagawa kami ng paraan upang sa susunod na mga taon ay wala nang umalis. Wala nang mang-iiwan. Maraming salamat nga pala sa tulong ng Sandiganbayan. Naglabas ito ng hold departure order laban sa mag-amang Binay! Walang aalis! Walang mang-iiwan! (APPLAUSE)

* * * * *

Humahanga tayo sa mga Pilipinong doble ang pagsisikap upang umunlad ang kanilang pamumuhay. Hindi sila nakukuntento sa iisang trabaho. Nasa Senado na, magboboksing pa. Manny Pacquiao, mabuhay ka! (APPLAUSE)

* * * * *

Baka sabihin n’yo puro masasamang balita ang lumalabas tungkol sa bansa: droga, shootout, extrajudicial killings. Pwes, pagandahin natin! Ngayong darating na 2017, ang Miss Universe pageant dito gaganapin! (APPLAUSE)

* * * * *

Ayaw ko namang magyabang pero mula nang kami ay maupo, hindi pa nasisira ang MRT o LRT. Wala pa naman kaming ginagawang bago. Divine intervention siguro ‘yan. Dasal lang talaga, dasal lang. (APPLAUSE)

* * * * *

Kahapon, may nabasa ako sa Internet. Bakit daw ang lagi lang nilang nakikita sa balita: “Pusher ako, ‘wag tularan.” Bakit daw walang, “Corrupt ako, ‘wag tularan!” Napaisip ako. May point nga naman. So, bakit ‘di natin sampolan? Sa hapong ito… bibigyan ko ng pagkakataong sumuko ang mga corrupt na nasa Batasan. Huwag n’yong hintaying tawagin ko ang inyong mga pangalan. Pagkatapos na pagkatapos ng aking speech, lahat ng corrupt, maiiwan! (NO REACTION)

‘Tang ina n’yo! Palakpak naman d’yan! (APPLAUSE)

* * * * *

Bago ako tuluyang magtapos, maraming salamat nga pala sa 91 percent na nagtitiwala sa akin at nagmamahal. Sa 9 percent na ‘di nagtitiwala, wala akong pakialam sa inyo mga Liberal! (APPLAUSE)

Hangang dito na lamang at Mabuhay ang Pilipinas! (APPLAUSE/STANDING OVATION)
————————————————————————————————————————————-
“Some things you don’t have to promise. You just do.”
~Rick Yancey, The 5th Wave

Sound Bites
“I denounce in the highest possible terms this latest demolition job linking me to maximum security inmate Jaybee Sebastian or to any other convicted or suspected drug lord or operator now or in the past. May I suggest for Calida to stop his fixation on ‘Throwback Thursday’ photos of me, and instead just start doing his real job of reading the 501-page decision on the West Philippine Sea case.”
~Sen. Leila De Lima on the latest demolition job against her

Have a safe weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Duterte: Philstar.com; Victim: DZMM Teleradyo]

Advertisements

Actions

Information

3 responses

23 07 2016
Ric Lamigo

A Film by Briliante Mendoza ” SONA ” Congress Film Festival Official and Lone Entry..

Like

23 07 2016
depatridge

Reblogged this on omigacouk and commented:
Kudos to the blogger for the scoop.

Like

4 10 2016
Jomari Miranda Austria

Hi Mr. Landicho,

Good Day. I’ll just ask if we can invite you as our guest speaker for our Alternative Classroom Learning entitled #NoHateCommentsAllowed. It aims to analyze the fallacies and logic in our social media and our current situation in the online world. It will be on October 12, 2016 at Melchor Hall, UP Diliman Campus from 1-4 PM.

We acknowledge the role of social media as a way to shape and mold the minds of our people. Our current scenario nowadays is very alarming due to massive misinformation among our countrymen. As one of the most famous online news blogger, we acknowledge your role, specially the Professional Heckler, in bringing satiric comments on current events and news in our society.

We hope for your positive reaction to our request. Thank you!

Sincerely,

Jomari M. Austria
Vice President for Academic Affairs
UP Engineering Society
email: jomari.austria@gmail.com

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: