Advertisements

MGA HULA AT BABALA (2016)

7 05 2016

1P

ANO ANG SINASABI ng mga bituin tungkol sa ilang kandidato at kanilang mga tagasuporta? Narito ang kanilang horoscope (hula at babala) na may bisa mula May 7 hanggang May 13.

Vice President Binay
Born November 11, 1942
Scorpio
Ihanda ang videoke machine sa bahay dahil sa unang pagkakataon sa loob ng tatlumpung taon, mapapakanta ka ng ‘My Way.’

“And now,” Mr. Vice President, “the end is near.”
Wala talagang forever.

Mayor Rodrigo Duterte
Born March 28, 1945
Aries
Maraming natatakot sa ‘yo. Pero sa panahong ito, mas nakakatakot ang supporters mo.

Pabor sa ‘yo ang alignment ng mga planeta. Ikaw ang posibleng manalo. Good luck sa ‘yo. Mas good luck sa bansang ito.

Sen. Grace Poe
Born 1968
Hindi sapat ang impormasyon upang ma-evaluate ng mga bituin ang iyong kapalaran.

Sen. Miriam Defensor-Santiago
June 15, 1945
Gemini
Kayo po ang choice ng mayorya ng mga kabataang Pilipino. Mayorya din nila, hindi rehistrado. Sayang.

Sec. Mar Roxas
Born May 13, 1957
Taurus
Matutupad ang isang bagay na matagal mo nang pinaghahandaan. Tatalunin mo si Binay sa darating na halalan. Congratulations!

Manny Pacquiao
December 17, 1978
Sagittarius
Kahit numero uno kang absentee sa Kongreso, iboboto ka pa rin ng mga tao sa Senado. Samakatuwid, hindi na ikaw ang may problema – – mga botante na.

Iglesia Ni Cristo
July 27, 1914
Dahil marami kayo, narito ang bloc horoscope n’yo…
May parating na bad news sa buong Iglesia: Sa ayaw n’yo man o sa gusto, iboboto ng mayorya si Leila De Lima. Period. Walang comma!

Duterte Diehards:
Wala kayong horoscope. ‘Di naman kayo nakikinig sa sasabihin ng kahit sino eh. Sayang lang ang laway.

Binay Supporters:
See the horoscope of Duterte Diehards. Lilipat din naman kayo ‘di ba?

President Aquino:
Tapos na ang pangangampanya para sa ‘yong kandidato. Bumalik ka na sa trabaho bilang pangulo. Now na!
——————————————————————————————————————————————–
“Win or lose, we go shopping after the election.”
~Imelda Marcos

Sound Bites
“After all, fish rots from the head; so if the leader thinks it fine to bash the Pope for traffic woes, or joke about the rape-slaying of a missionary, or deliver vituperative remarks about other countries for reacting to his extreme comments, what can people expect of his followers?”
~PDI Editorial, Arresting a slide to mob rule

Think before you shade.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: SpikeDaily.com]

Advertisements

Actions

Information

One response

8 05 2016
Danjon Cuaresma

nice idol! iba ka talaga bumanat lalo na pag kay Grace Poe 🙂

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: