Advertisements

QUOTE IN THE ACT

14 04 2016

HOW updated are you? Time for yet another current events quiz.

1cnn
1: Before he changed his answer to “No,” YES ang unang naging sagot ni Bongbong Marcos sa tanong na ito during the recent vice presidential debate:
A: Naniniwala ka bang kapatid mo si Grace Poe?
B: Ilusyon lang ba ang human rights abuses at kurapsyon noong Martial Law?
C: Nasangkot ka na ba sa anumang uri ng katiwalian?
D: Mauwi kaya sa totohanan ang ligawang Alden at Yaya Dub?

2: Kumpletuhin ang patutsada ni Mayor Duterte kay Mar Roxas sa isang ambush interview: “Subukan mo ako. Maghawak ka ng _________ sa harap ko, pasabugin ko sa ulo mo.”
A: bayot
B: baril
C: bayag
D: shabu

3: Gamit na gamit ng mga kandidato sa kanilang political ads at campaign speeches ang four Ps. Anu-ano ba ang four Ps na ‘yan?
A: Pantawid Pamilyang Pilipino Program
B: Pagkain, Puhunan, Pagmamahal, Pamasahe
C: Pagpatay, Pananakot, Pangha-harass, Put*ng-ina
D: Pagnanakaw, Pananamantala, Paghahari-harian, Pambabalewala

4: Sa nakaraan pa ring vice presidential debate, nagsasalita pa si Alan Peter Cayetano nang biglang sumingit si Bongbong Marcos. Ano ang naging reaksyon ni Cayetano?
A: “Oras ko ‘to. Maghintay ka sa oras mo. Palibhasa, sanay kang lumalabag sa rules.”
B: “Wala namang bastusan. ‘Kita mo namang nagsasalita pa ako, umeepal ka na.”
C: “Can I have my one minute now o pati ‘yon nanakawin mo pa rin?”
D: “Nagmamadali ka ba? May naghihintay na taxi sa labas?”

5: Nang tanungin tungkol sa isyu ng anti-political dynasty bill, ito ang unang lumabas sa bibig ni Gringo Honasan during the vice presidential debate:
A: “Hindi ako sang-ayon sa bill na ‘yan. Taumbayan ang dapat magpasya.”
B: “Hindi pa natin alam ang depinisyon ng dynasty.”
C: “Porke may limang Binay sa pulitika, dynasty na? Unfair naman. Hintayin nating umabot sa 12.”
D: “Hindi kasalanan ng mga tao na isilang silang iisa ang apelyido.”

6: Nang ungkatin ang isyu ng ill-gotten wealth ng mga Marcos at ang posibilidad na pagbabalik nito sa gobyerno, ano ang sinabi ni Bongbong Marcos?
A: “I cannot give what I do not have.”
B: “Wala kaming ninakaw ni singko. Ang ‘di maniwala, mamamatay mamayang 8:35.”
C: “Naka-time deposit lahat ‘yon sa Switzerland at hindi sa akin nakapangalan. Wala akong power i-open ang accounts.”
D: “Kaya nga namin ninakaw para  pakinabangan. Bakit namin ibabalik? Ano kami, tanga?

7: Ayon kay Vice President Binay, berdugo raw si Mayor Duterte. Sumagot si Digong, “Ikaw Binay, may kaso ka, corruption. Billion. Hindi lang ikaw, pati asawa mo, pati anak mo. Mabuti pa si Imelda o Ferdinand, conjugal. Dalawa lang. Eh kayo, ____________.”
A: Family affair
B: Angkan ng kadiliman
C: Cash of clan
D: Basketball team

8: Sabi ni Kit Tatad, nagkaroon ng secret meeting sina Pangulong Aquino at Grace Poe sa Malacañang noong March 8. Ano ang reaksyon ni presidential spokesman Edwin Lacierda sa rebelasyon ni Kit Tatad?
A: “I wish Kit Tatad a long career in fiction writing.”
B: “Kit Tatad who?”
C: “Ipis, daga at lamok na lang ang naniniwala sa taong tulad ni Kit Tatad.”
D: “Imbey!”

9: Sa panayam ng GMA News sa senatorial candidate na si Atty. Larry Gadon, ano ang ibinunyag nitong solusyon sakaling hindi madaan sa matinding pakiusapan ang mga rebeldeng Muslim sa Mindanao?
A: “Isasama ko ang Davao Death Squad ni Mayor Duterte dahil ‘yon lang naman ang kinatatakutan nila eh.”
B: “Lulusubin ko sila at papatayin ko silang lahat. Susunugin ko ang mga bahay nila. Papatayin ko pati mga ipis at daga. Kailangang burahin ang lahi nila!”
C: “Sabik sa mga artista ‘yang mga ‘yan. Dadalhin ko doon ang AlDub, KathNiel, LizQuen, at JaDine para mag-show.”
D: “Bubuhusan ko sila ng truck-truck na karne at dugo ng baboy hanggang sa malunod silang lahat.”

10: Still on the vice presidential debate, huling-huli ng camera ang lalaking ito habang sumisigaw ng “Booo!” kay Antonio Trillanes. Sino siya?

1Binay
A: Nasaan?
B: Anong suot?
C: Joke ba ‘to?
D: Clue.
————————————————————————————————————————————-
“We’d all like to vote for the best man, but he’s never a candidate.”
~Kin Hubbard

Sound Bites
“I am excited to win. Not for myself but for my countrymen. Sa aming anim, may the best woman win.”
~Leni Robredo, Closing statement, vice presidential debate

Answers:
1: C

2: D

3: A

4: C

5: B

6: A

7: D

8: A

9: B

10: All of the above

Scores:
9-10: Aware ka sa nangyayari sa kapaligiran mo. May pakialam ka. Dahil d’yan, positibo ang mangyayari sa love life mo sa mga susunod na araw.

7-8: Pwede na. Konting basa pa.

5-6: Ang lakas ng tsamba.

Below 5: What sorcery is this? Where have you been? Magpapayat ka nga.

Vote wisely. No to thieves!

I am on Twitter: @HecklerForever.

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: