EXCLUSIVE: MANNY PACQUIAO WITHDRAWS CANDIDACY

17 02 2016

JUST MINUTES after Boy Abunda’s impassioned speech denouncing Manny Pacquiao’s anti-LGBT statement, the senatorial candidate sought an audience with the King of Talk. Here’s the full, unedited online-exclusive conversation between Boy and Pacquiao.

1MA

Mga kaibigan, hindi po kayo namamalik-mata. Kasama ko ngayon, Manny Pacquiao. Magandang gabi, Manny at maraming salamat sa pagpapaunlak mo sa panayam na ito!

Wala ‘yon Kuya Boy. Sumusunod lang ako sa kagustuhan ni Lord. Sabi kasi sa Luke 6:35, “Love your enemies… expecting nothing in return; and your reward will be great… for He Himself is kind to evil men.”

So, sinasabi mo bang evil ako Manny? Masahol sa hayop na, evil pa? Hindi ko naman yata matatanggap ‘yan.

Kuya Boy, hindi ako ang nagsabi niyan. Bible ang nagsabi niyan.

Manny, sabi rin sa Bible, and let me quote Leviticus 20:10, “If a man commits adultery with his neighbor’s wife, both the man and the woman who have committed adultery must be put to death.” Ang tanong ko Manny: Bakit buhay ka pa?

Hindi mo na-gits ang Bible, Kuya Boy. Ang linaw ng sabi ‘di ba: “If a man commits adultery with his neighbor’s wife…” NEIGHBOR’S WIFE daw Kuya Boy. Unang-una, hindi ko neighbor ang naging chicks ko. Pangalawa, single ang mga ‘yon; hindi pa sila wife. So paanong ipu-put to death ako? Common sense lang Kuya Boy. Common sense.

Manny, napanood ko ang iyong apology sa Twitter at Facebook. And allow me to quote you, “Nais ko pong humingi ng paumanhin sa lahat ng nasaktan dahil sa aking pagkumpara sa tao sa hayop. Iyon po ay kamalian ko.” Manny, linawin nga natin. Kamalian mo ito… dahil?

Dahil kahapon ko lang nalaman Kuya Boy na meron palang baklang hayop at meron ding tomboy na hayop. Sobrang shocked ako. ‘Tapos, may nabasa pa ako tungkol sa flatworms. Nagpi-penis fencing daw ang mga bulateng ‘yan. Grabi. At ‘yan ang pagkakamali ko Kuya Boy. Baligtad ang sinabi ko sa interview. Dapat pala: mas masahol pa sila sa tao. Kinilabutan talaga ako. Ipagpi-pray ko na lang sila Kuya Boy.

Manny, reaksyon lang sa mga kumento ng ilang taga-industriya. Direk Joey Reyes indirectly described you as a “celebrated bigot.”

Ok lang.

Hindi ka nasasaktan kapag tinatawag kang bigot?

Hindi.

Really?! Hindi ka nasasaktan at all?

Hindi ko naman alam ang bigot. Hihi What you don’t know won’t hurt you. Uy Ingles. Hihi

Ang sabi ni Vice Ganda… “Ang pagpatol sa parehong kasarian ay masahol pa sa hayop??? Eh ang pakikiapid habang ika’y may asawa, anong kababuyan ‘to? Pakisagot Manny!”

Sinagot ko na ‘yan kanina Kuya Boy. Parurusahan ka lang ni Lord kung makikiapid ka sa “neighbor’s wife.” Kung hindi mo pa rin gits Vice Ganda, ipagpi-pray na lang kita. Pero sige, hinahamon kita, magpakita ka ng pruwiba. Nasaan ang kapitbahay na pinatulan ko? NASAAN?!? Nagbibintang ka. Matakot ka naman sa Diyos. “You shall not spread a false report.” Exodus 23:1

May mas matindi pang sinabi si Vice. Ang ginamit niyang term: false prophet.

Nakakalungkot Kuya Boy dahil pinaghirapan kong lahat ang laban ko, ang yaman ko, ang mga investments ko. Hindi ako nagnakaw. Kung anuman ang tinubo ko sa negosyo, true lahat ‘yon. Anong false ang ipinagkakalat niya? Konting common sense naman.

Manny, si Aiza Seguerra nag-tweet din. Just so you know, Aiza is married to Liza Diño, at sabi niya, you are an “ignorant, bigoted hypocrite.”

Pasinsya na Kuya Boy pero kukuntrahin ko ang dalawang sinabi niya. Hindi ako ignorante at hindi rin ako hypocrite. Pero aaminin ko: ilang araw na akong hindi nag-aahit kaya bigoted ako. May point naman siya dun kahit papa’no.

Nagsalita na ang iyong kandidato sa pagkapangulo, si Vice President Binay. He said entitled ka raw sa opinion mo.

Una, pasalamat ako kay VP Binay sa support niya. Hindi ako nagkamali ng piniling kandidato sa pagka-prisidinti. Pangalawa, iisipin ko pa. Isa na lang muna. Kailangan ba ngayon na?

Ano ang masasabi mo sa alegasyon ng pagnanakaw, kurapsyon at pandarambong na ibinabato laban kay VP?

Katulad din ‘yan ng sagot ko sa pakikiapid Kuya Boy. Leviticus 19:13, “Do not defraud or rob your neighbor.” Kapitbahay ba ni VP ang sinasabing ninakawan niya? Hindi naman ‘di ba? City hall ‘yon. Hindi naman siya nakatira sa tabi ng city hall kaya hindi ‘yon neighbor. Sa madaling salita, walang kasalanan si VP. Common sense lang Kuya Boy. Common sense.

Noong isang araw, usap-usapan din sa social media ang anak ni Sen. Grace Poe na si Brian dahil nag-post ito ng picture ng sapatos na nabili niya for 10,000 pesos. Unethical daw ito sabi ng ilang kritiko. Bilang preacher, ano ba ang sinasabi ng Bible tungkol dito?

Huwag na nating idamay ang Bible Kuya Boy. Common sense lang. Nakakita ka na ba ng hayop na nagsuot ng mamahaling sapatos? Hindi pa ‘di ba? In short, ‘yang anak ni Grace Poe ay masahol pa sa hayop.

Sa latest senatorial survey, pasok ka sa Magic 12 which means posibleng manalo ka sa eleksyon. My question is: What have we done as a nation to deserve this?

Sa totoo lang Kuya Boy hindi ko rin inexpect na papasok ako sa Magic 12. Unang-una, hindi naman ako naniniwala sa magic. “….for whoever does these things is an abomination to the Lord.” Deuteronomy 18:10-12. Pangalawa, ano nga ulit ‘yong tanong mo?

Ibang tanong na lang Manny. Hypothetical lang, kung isa sa mga anak mong lalaki ay maging homosekswal at magkagusto sila sa kapwa lalaki, paano mo ito haharapin?

Alam mo Kuya Boy, ‘yan din ang nagtulak para magpa-interview ako sa ‘yo. Gusto kong dito i-announce ang isang napakahalagang bagay.

May bakla sa mga anak mo Manny?!? Sino sa kanila? Si Michael na kamukha mo? Si Jimuel na kamukha ni Jinkee? Syet, huwag mong sabihing si Israel!?!

Bakit ko naman i-a-announce na bakla ang anak ko? Common sense naman Kuya Boy.

So ano nga ang announcement mo?

Kung pwede Kuya Boy, haharap na ako sa camera…

Go!

Sa mga minamahal kong kababayan,

Unang-una, ‘pasalamat ako sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng lakas ng loob na gawin ito ngayon. Pangalawa, ‘pasalamat ako sa pamilya ko, sa mga kapartido ko, kay VP Binay at sa lahat ng supporters ko.

Narito ako ngayon para i-announce na aatras na po ako sa pagtakbo sa pagka-senador. Alam kong marami sa inyo ang malulungkot sa desisyon kong ito pero dapat ko itong gawin para sa aking mga anak na lalaki.

Napagpasyahan ko pong ilaan na lang ang oras ko sa kanila. Habang ako ay malakas pa, iti-train ko sila sa pagboboksing at iba pang contact sports para matiyak na hindi sila magiging bakla. Bakit ‘ka n’yo? Dahil malinaw po ang nakasulat sa Leviticus 20:13.

“If a man lies with a male as with a woman, both of them have committed an abomination; they shall surely be put to death; their blood is upon them.”

Sinusunod ko lang po ang utos ni Lord kaya ngayon pa lang ay gagawa na ako ng paraan para maiiwas sa malaking kasalanan sina Michael, Jimuel at maging si Israel.

“… neither effeminate, nor homosexuals… shall inherit the kingdom of God.” 1 Corinthians 6:9-10

Sana po ay maunawaan n’yo ang aking desisyon. May mga anak din kayong lalaki at babae. Gusto n’yo ba silang lumaking sumisiping sa kapwa nila lalaki o kapwa babae? Common sense lang. Common sense.

Maraming salamat po and God bless you all.

THANK YOU MANNY. Magbabalik ang Tonight With Boy Abunda.
———————————————————————————————————————————-
“There is nothing more frightful than ignorance in action.”
― Johann Wolfgang von Goethe, Collected Works

Sound Bites
“Common sense lang. Makakakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalaki, babae sa babae? Mas mabuti pa yung hayop. Marunong kumilala kung lalaki, lalaki, o babae, babae. Kung lalaki sa lalaki, babae sa babae, eh mas masahol pa sa hayop ang tao.”
~Manny Pacquiao

Relationships
Manny Pacquiao shuns same sex unions. He believes that relationships must only be between a man and a woman. And another woman. And another woman. And another woman.

Love. Love. Love.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: MP/BA: Inquirer.net; Pacquiao/Binay: Tempo]

Advertisements

Actions

Information

2 responses

18 02 2016
Ed Llarena Jr

being Lesbian, Gay, & Bisexual “per se” is something that may not be covered by ethics and morality; this is because the concept of morality & ethics generally applies to “the acts” of man; hence, a gay, lesbian, and bisexual can only be judged as immoral, bad, or evil when he/ she engages in what is considered immoral acts as per natural law or the christian moral standard. that’s why sexual relationships between or among people of the same sex organs are considered immoral or evil because it violates natural law and christian ethical standards.

Like

18 02 2016
Brother Dave

I have found it so interesting that Paul, the Apostle to the Gentiles (That’s us unless you are a Jew) begins his ministry in the first chapter of The Book of Romans by addressing truth and unrighteousness. Mankind has a penchant for rejecting the truth. Why? To disavow the truth of a Holy and Righteous God allows a person to sear shut their conscious; hence, they can then engage in any behavior that God abhors.

The key verse is number 25. It explains the reasons for and consequences of verses 26 through 32.

Romans 1:18-32
(18) For the wrath of God is revealed from heaven against all ungodliness and unrighteousness of men, who hold the truth in unrighteousness;
(19) Because that which may be known of God is manifest in them; for God hath shewed it unto them.
(20) For the invisible things of him from the creation of the world are clearly seen, being understood by the things that are made, even his eternal power and Godhead; so that they are without excuse:
(21) Because that, when they knew God, they glorified him not as God, neither were thankful; but became vain in their imaginations, and their foolish heart was darkened.
(22) Professing themselves to be wise, they became fools,
(23) And changed the glory of the uncorruptible God into an image made like to corruptible man, and to birds, and fourfooted beasts, and creeping things.
(24) Wherefore God also gave them up to uncleanness through the lusts of their own hearts, to dishonour their own bodies between themselves:
(25) Who changed the truth of God into a lie, and worshipped and served the creature more than the Creator, who is blessed for ever. Amen.
(26) For this cause God gave them up unto vile affections: for even their women did change the natural use into that which is against nature:
(27) And likewise also the men, leaving the natural use of the woman, burned in their lust one toward another; men with men working that which is unseemly, and receiving in themselves that recompence of their error which was meet.
(28) And even as they did not like to retain God in their knowledge, God gave them over to a reprobate mind, to do those things which are not convenient;
(29) Being filled with all unrighteousness, fornication, wickedness, covetousness, maliciousness; full of envy, murder, debate, deceit, malignity; whisperers,
(30) Backbiters, haters of God, despiteful, proud, boasters, inventors of evil things, disobedient to parents,
(31) Without understanding, covenantbreakers, without natural affection, implacable, unmerciful:
(32) Who knowing the judgment of God, that they which commit such things are worthy of death, not only do the same, but have pleasure in them that do them.

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: