Advertisements

FOR SALE: PINOY FIRECRACKERS

27 12 2015

HERE’S A GUIDE to some of the more popular firecrackers being sold in the Philippines. Buy at your own risk.


Noynoy Firecracker
Sobrang mabenta ang paputok na ito nang unang ilabas sa market ngunit unti-unting inayawan ng publiko. Marami pa namang natitirang loyal buyers ngunit talagang malaki na ang ibinaba ng popularidad nito. May kabagalan kasi kung pumutok at hindi mo maramdaman ang sinseridad ng dulot nitong kasiyahan.

Binay Firecracker
Paborito sa mga probinsya. Hindi masyadong mabenta sa National Capital Region dahil alam ng mga taga-Metro Manila ang pinsalang kaya nitong idulot kapag sinindihan.

Grace Poe Firecracker
Ang firecracker na pinulot matapos ang putukan. Hindi sigurado ang pumulot kung puputok pa ito o hindi na. Huwag masyadong umasa dahil baka hindi na umubra, masasaktan ka lang. Pero try mo ring sindihan. Baka naman puputok pa. Let’s see.

Mar Firecracker
Kahit anong patalastas pa ang ipalabas tungkol sa firecracker na ito, hirap na hirap siyang ibenta ng manufacturer. Kapag hindi pa rin siya nabenta for 2016, baka tuluyan nang itigil ang pagbebenta rito.

Duterte Firecracker
Babala: Nakamamatay. Mabenta sa masa dahil malakas ang putok nito. Walang sinisino; lahat puwedeng talsikan ng pulbura: lalaki, babae, bata, matanda, o kahit Santo Papa ka pa.

Martin Diño Firecracker
Sorry, hindi pala ito firecracker. Pulbura lang pala. Nagkamali ng label ang manufacturer.

Miriam Firercacker
Ang paputok na pinakamabenta online.

Enrile Firecracker
Isang lumang brand ng paputok na inalis sa market noong 2014 dahil sa matinding pinsalang naidulot sa publiko. Ngunit dahil sa husay ng advertising firm na kinuha ng manufacturers nito, matagumpay itong nakabalik sa merkado. Babala: may kakayahan pa rin itong magdulot ng pinsala. Maging alerto.

Jun Abaya Firecracker
Brutally honest ang nakasulat sa pakete ng paputok na ito: “Nakasusugat. Pero hindi fatal. Bili na!”

Bong and Jinggoy Firecrackers
Hindi na available sa publiko ang dalawang uri ng paputok na ito. Iniutos na rin ang pag-aalis sa market dahil sa dulot nilang perwisyo. However, umaasa ang manufacturers ng mga paputok na ito na muli silang maibebenta kapag nagbago ng policy ang susunod na administrasyon. [Huwag naman sana.]

Militanteng Firecracker
May iba’t ibang tunog na maririnig kapag sinindihan mo ang paputok na ito. Pwede kang pumili sa tatlong sounds na ito: (1) Tutulan! (2) Ibasura! at (3) Ibagsak! Delikado ito lalo na kung ang magsisindi ay Amerikano.

Nancy Binay Firecracker
Hanggang ngayon, marami pa rin ang nagtataka kung paano napunta sa market ang paputok na ito. Nakisakay kasi ang manufacturer nito sa popularidad ng isa pang brand. Kapag bumili ka ng isang Binay Firecracker, isang Nancy Firecracker ang free.

Francis Tolentino Firecracker
Ang nagsasayaw na firecracker. Ngunit nang makasakit, inilaglag siya ng sariling manufacturer. Pamilya at malalapit na kaibigan na lang ang nagma-market sa kanya.

Alma Moreno Firecracker
Nag-a-aspire na makilala bilang reliable na brand ng paputok. Ngunit nang sindihan, wala palang kakwenta-kwenta. Walang spark, walang sound, puro usok.

Leni Robredo Firecracker
Isa sa pinakabagong brands ng paputok. Hindi pa masyadong kilala sa mga probinsya kaya mahina pa ang benta.

Marcos Firecracker
Ito naman ang isa sa pinakalumang brands. Marami nang nasugatan at namatay dahil sa firecracker na ito ngunit hanggang ngayon, ayaw pa ring mag-apologize ng manufacturer. Tuloy ang pagkamal ng kita.

INC Firecracker
Wala kang choice. Whether you like it or not, required kang bumili ng firecracker na ito.

Pia Wurtzbach Firecracker
Sa unang minuto matapos sindihan, wala pa itong reaksyon, iisipin mong palyado. After a while though, magsasabog na ito ng makulay at maliwanag na spark sa buong universe.

#AlDub Firecracker
Biglang sulpot sa market. Kinagat ng publiko. Inilampaso ang pinakamalakas na rival brand.

Kris Aquino Firecracker
Sinindihan mo siya, sumabog, nasira, pero natalsikan ka at nasugatan. Quits lang! Aha-ha-ha! Love! Love! Love!
———————————————————————————————————————————————–
“Tomorrow, is the first blank page of a 365 page book. Write a good one.”
~Brad Paisley

Happy New Year!

Sound Bites
“One always knew that with her, the truth was the benchmark of a journalist’s efforts; and that in all that she did, there was no higher cause than the country’s welfare and that of our people.”
~President Aquino on Inquirer Editor-in-Chief Letty Jimenez-Magsanoc who passed away on Christmas Eve

I am on Twitter: @HecklerForever.

Advertisements

Actions

Information

2 responses

29 12 2015
Doctor Eamer

hahaha! Ang dami kong tawa! indeed, you are a professional heckler. Kudos po! Happy new year! 🙂

Like

2 01 2016
Mr. Aljoriz M. Dublin

Blank page of a 365 page book? Leap year po ngayon.

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: