THE PRESIDENT’S CHRISTMAS MESSAGE

24 12 2015

Christmas Message
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
[Taped last December 20, 2015 at the Rizal Ceremonial Hall, Malacañan Palace]

seal2

Mga minamahal kong kababayan,

Kaisa n’yo po ako at ang aking Gabinete gayundin ang mga lingkod-bayan sa ating pamahalaan sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Marami tayong pinagdaanan ngayong 2015 (lalo na ako) ngunit sa tulong ng Panginoon ay nalampasan nating lahat ang mga ito.

Ang kwento ng Pasko at ni Hesukristo ay hindi nalalayo sa karanasan nating mga Pilipino.

Iniutos ni Herodes ang pagpaslang sa mga inosente upang walang maging balakid sa kanyang maitim na balak. Halos ganito rin ang naganap sa Mamasapano noong Enero.

Sa isang sabsaban isinilang si Hesus ngunit mapalad pa rin siya dahil nakilala niya ang kanyang ina at ang kinalakhan niyang amang si Jose. Malinaw ring sa Betlehem siya ipinanganak. Tumakbo man siya sa pagkapangulo, walang puwedeng tumutol o humadlang. Ewan ko lang ang iba d’yan.

Mula pagsilang, namuhay nang payak si Hesus. Hanggang sa mamatay ay wala itong maituturing na materyal na yaman. Hindi katulad ng iba d’yan na habambuhay na sa puwesto kaya’t limpak-limpak ang naibulsa. Ang masamang gawain nila ay ipinagpapatuloy pa ng mga miyembro ng kanilang pamilya. Ang kakapal ng mukha.

Ang mga nagkakasala ay pinapatawad ni Hesus at binibigyan ng pagkakataong magbago. Pero sa lipunan natin ngayon, pinapanigan pa ng ilan ang mga lider na nagsusulong sa extrajudicial killing. Hindi ka pa man napapatunayang nagkasala, pinapatay ka na. Taliwas ito sa turo ni Hesus.

index

Si Hesus ay isa sa atin. Mababa ang loob niya at hindi mayabang. Wala siyang ipinagmamalaking diploma mula sa mga prestihiyosong unibersidad. Kailanman ay hindi niya ipinagyabang ang kanyang IQ. Kung nabubuhay siya ngayon, tiyak kong mas marami ang kanyang online followers kumpara sa isang kandidato sa pagkapangulo.

Ngayong Pasko, marapat lamang nating isabuhay at pahalagahan ang mga nagawa ni Hesus.

Sa huli, samahan n’yo po ako sa isang panalangin dahil hindi po nakakatuwa ang resulta ng latest surveys.

Nawa’y ang mga taong nasa panig ng kadiliman ay magising sa katotohanang hindi kailanman magtatagumpay ang kasamaan. To quote John 8:12 , “And Jesus said, I am the light of the world. Whoever follows me will not walk in darkness, but will have the light of life.’

Mar my words! Mangingibabaw pa rin sa huli ang Tuwid na Daan.

Isang maligayang Pasko at masaganang bagong taon po sa inyong lahat!

Sumasainyo,
Benigno Simeon C. Aquino III


Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: