Advertisements

ISANG BALA KA LANG

5 11 2015

ISANG ARAW, sa Ninoy Aquino International Airport…

1Bala

Airport Personnel (AP): Sir, wait lang. May nakitang bala sa bulsa ng bag mo.

Passenger (galit): Tapos ano Miss? Igigiit n’yong sa akin ang bala? Tapos kakasuhan n’yo ako? Tapos hihingi kayo ng pera kapalit ng pag-drop sa aking kaso? Tapos ‘pag ‘di ako nagbigay, tutuluyan n’yo ako kaya makukulong ako; ‘di makakaalis ng bansa; maaabala ang trabaho, at mapapahiya sa buong mundo. ‘Yan naman ng plano n’yo ‘di ba? ‘Di ba?!!!! Sumagot ka!!!

AP:

Passenger: Grabe ka namang makatingin ‘teh. Galit agad? Inunahan lang kita. Oo na. Sige na, buksan mo na.

* * * * *

AP: Boss, wait lang. May nakitang dalawang bala sa bag n’yo. Kailangan natin ‘yang buksan.

Passenger: Magkano?

AP: Sir?!

Passenger: SABI KO, MAGKANO!?! SUMAGOT KA! MAGKANO?!?!

AP: ‘WAG N’YO AKONG SIGAWAN DAHIL HINDI AKO BINGI AT LALONG HINDI AKO SANGKOT SA RAKET NA ‘YAN! Magkano ho bang kaya n’yo? Curious lang. Walang malisya.

* * * * *

AP: Miss, may bala sa bag mo! Kailangang buksan mo ‘yan!

Passenger: Huh? Bakit ako magkakabala? Imposible!

AP: Sa office ka na magpaliwanag. Ano ngang pangalan mo?

Passenger: Cathy Duterte.

AP: Sabi ko na nga ba’t sira na naman ‘tong X-ray scanner eh. Sige Miss, diretso ka na.

* * * * *

AP: Sir, kailangang buksan natin ang bag na ito. May nakitang bala ang scanner!

Passenger: Imposible ang sinasabi mo!

AP: Sa office ka na magpaliwanag sir!!!

Passenger: Paano ako magkakabala eh wala naman akong bag!

AP: Joooooke! Kayo naman sir, ‘di na mabiro. Next!

1Bala

* * * * *

AP: Sir, pasensya po. May na-detect na bala sa inyong bag. Kailangan n’yong buksan ‘to.

Passenger: Anong bala?! Kayong taga-NAIA ang may pakana ng lahat! Kasalanan n’yo ‘to!

AP: Kung may nahuling kontrabando sa bag mo, paano ‘yan naging kasalanan ng gobyerno?

Passenger: Mar Roxas ikaw ba ‘yan?

* * * * *

AP: Sir, sandali po. May nakitang bala sa bag n’yo. Kailangan natin ‘yang buksan.

Passenger: Naku Miss, agimat lang ‘yan. Pampasuwerte. Bakit?

AP: Bawal ho ‘yan. Makakasuhan kayo at puwede pang makulong.

Passenger: So ibig sabihin hindi totoong susuwertehin ako?! Pwes… buksan mo na, tapos kunin mo ‘yong bala. Sa ‘yo na lang.

* * * * *

AP: Sir, sandali lang. ‘Yong bag n’yo ho…

Passenger: Make sure lang na totoong bala ‘yang nasa loob ng bag ko dahil kung hindi… uuwi ako ng bahay at kukuha ako ng totoong bala at itatanim ko d’yan sa ulo ng mga tarantadong opisyal at tauhan ng NAIA – including you dahil malakas ang kutob kong magkakasabwat kayo sa pangingikil ng mga inosenteng pasahero kabilang na ang mga OFW na nagpapakahirap sa ibang bansa mapakain lamang ang kanilang naghihikahos na pamilya dito sa Pilipinas! Mga walang-awa! Punyeta kayong lahat!

AP: Eh gago ka pala eh. Ang dami mong satsat! Pati pagkatao ko, hinusgahan mo na agad kahit ‘di pa ako tapos sa sinasabi ko. ‘Yong punyeta mong bag… bukas ang bulsa, baka madukot ‘yang wallet mo o kaya mabiktima ka ng tanim-bala syndicate dito sa NAIA! Judgmental kang leche ka! Wala kang utang na loob!

Passenger:

AP: Sorry sir. Nadala lang ng emosyon.

1Bala

AP: Sandali lang Lolo. May isang kahon ng bala sa bagahe n’yo! Kailangang buksan ‘yan!

Passenger: Ok.

AP: Ang tanda-tanda n’yo na, nagdadala pa kayo ng bala. Nasaan ang mga kasama n’yo?

Passenger: Nag-CR lang. Teka, tatawagan ko. (Dials phone) Hello? Bong, sa’n ba kayo nagpunta ni Lani? Balikan n’yo na ako rito.

* * * * *

AP: Boss, wait lang. May nakita kaming mga bala sa bag mo. Ilegal ‘yang ginagawa n’yo! Kailangan natin ‘yang buksan!

Passenger: Akala n’yo matatakot n’yo ako!? Hoy! Alam ko na ang raket n’yo! Eh ‘di buksan n’yo!

AP (opens bag): Kita n’yo na?! “I Like It Shaved,” “Pump My Ride,” “The Whore of the Rings.” Pirated na mga bala ng DVD. Bawal ‘to!

Passenger: Bala talaga? Ang luma huh. Tumu-throwbackThursday ka?

* * * * *

AP: Miss, sandali! May bala sa bulsa ng backpack mo!

Passenger: Bala?!? Ilan?

AP: Isa lang.

Passenger: Anong isa? Hoy! Tatlo ‘yan nang umalis ako sa bahay! Ibalik n’yo ‘yong dalawa! Ibalik n’yo! Mga magnanakaw! Malilikot ang kamay!
———————————————————————————————————————————————–
“A man who has never gone to school may steal a freight car; but if he has a university education, he may steal the whole railroad.”
~Theodore Roosevelt

Sound Bites
“Bullet day, I will giant you.”
In Filipino: Balang araw, paghihigantihan kita.
~A joke from the ‘90s

Ingat!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Inquirer.Net; MemeCenter.com; GabeClogston.com]

Advertisements

Actions

Information

4 responses

5 11 2015
Doctor Eamer

PANALO! 🙂 very nice read Sir! 🙂

Like

5 11 2015
unjellanera

Hahahaha sobrang benta! Sobrang nakaka-aBALA sa atin ang trip ng NAIA hehe

Like

5 11 2015
akosistella

Ekchuali, a joke from the ’70s. Sya, sya, millenial ka na Kung mllenial, PF! 😋

Like

26 06 2016
Yvette Dela Cruz (@yvtstwtr)

thank you for letting us have few laughs regarding the dire situation of OFWs who are frequently the victims to these heartless scams. In times like this, it is easier to look for the silver lining.
https://afu.ac.ae/en/news/

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: