Advertisements

THE TRUTH

16 10 2015

1EliteReaders

IF TRAPOS who are running in 2016 would be honest…

“Ipagpapatuloy ko po ang nasimulan ng aming pamilya: ang magkunwaring para sa mahihirap at magbulsa ng inyong pera.”

“Ang pinili ko upang maging running mate ay si [insert name of politician] dahil bukod sa naniniwala ako sa kanyang kakayahan, wala na rin akong choice. Siya na lang ang available at gustong sumama sa akin.”

“Bubuhayin po nating muli ang [insert name of city]. Joke lang! Nakailang terms din ako noon pero ‘di ko naman nabuhay ang siyudad. Ako lang at ang pamilya ko ang umasenso.”

“Tatakbo po ako sa ilalim ng [name of party] kahit ngayon lang ako naging miyembro nito dahil naniniwala ako sa plataporma ng partido. Huwag n’yo na po akong tanungin kung ano ang platapormang ‘yon. Kaka-join ko nga lang ‘di ba?! ‘Wag makulit!”

“Panahon na ng pagbabago! Dapat lumevel-up na ang pag-asenso! Ang mga nagawa ko sa city hall, gagawin ko rin sa palasyo: ang pagnakawan kayo.

“Grabe po ang clamor ng taumbayan upang ako ay tumakbo. Nandiyan ang pamilya ko, ang mga kamag-anak ko, ang aking staff, at ilang kapartido. Part naman sila ng taumbayan ‘di ba? Hindi ko puwedeng balewalain ang clamor kaya tatakbo po ako!”

“Sabi nila, wala akong karapatang maging senador dahil isa lamang akong artista. Wala rin daw akong alam sa paggawa ng batas dahil hanggang konsehal lang ang nahawakan kong puwesto. Alam ko! At hindi ako affected. Tse!”

“Huwag na huwag po kayong maniniwala sa resulta ng mga survey na ‘yan. Hindi ‘yan totoo… unless ako ang nangunguna. Kung number 1 ako, ‘yan… pwede na kayong maniwala.”

“Natalo po ako noong huling eleksyon at malaki-laki rin ang nagastos ko noon. Ito na ang tamang panahon upang makabawi.”

“Taimtim po kong nanalangin upang humingi ng gabay. Muli ba akong tatakbo kahit isang siglo na ang pamilya ko sa puwesto? Ang sagot po ng Panginoon: ‘Tama na. Sobra na. Marami ka nang naibulsa.’ Kaya mga kababayan, buo na po ang aking pasya. Ngayong 2016… ako ay tatakbo pa rin. Hindi hawak ng Panginoon ang aking kapalaran. Gabay lamang siya. Meron akong free will, gagamitin ko ito.”
———————————————————————————————————————————
“Politics: A strife of interests masquerading as a contest of principles. The conduct of public affairs for private advantage.”
~Ambrose Bierce, The Devil’s Dictionary,1911

Sound Bites
“I never said that I am running or I was running. Past, present future, future perfect. I never told anybody in any gathering, venue and said I am interested even. Just being interested in the office, not actually running. Wala man talaga akong… bakit sila madi-disappoint? In the first place I never agreed to be a candidate for president.”
~Reelectionist Davao City Mayor Rodrigo Duterte

‘Pag ayaw, ayaw! ‘Wag pilitin. Happy weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

Advertisements

Actions

Information

One response

16 10 2015
- r@ch alarcon - (@rach_alarcon)

Hahaha!! totoo nga naman ang naisulat mo. Hindi man nila sabihin pero yun ang underlying meaning ng kanilang mga gustong sabihin.

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: