DEAR CHARO: TWERK IT LIKE LP

3 10 2015

MAALAALA MO KAYA
Episode No. 1215
October 3, 2015

PAALALA: Maaari kayong manalo ng 1,000-peso load kung mahuhulaan n’yo ang pamagat ng episode natin ngayong gabi. Kailangang may sagot na kayo bago matapos ang inyong pagbabasa. Limang mapapalad na readers ang magwawagi. Good luck.

(Before reading the letter, click this video and wait for the music to play.)

MINSAN sa buhay ng tao, dumarating ang puntong sinusubok ang kanyang katatagan. Susuko ba siya o lalaban?

Magandang gabi, Kapamilya. Ang ating tampok na kwento ay hango sa padalang liham ng isang miyembro ng Playfulgirls – isang grupo ng sexy dancers. Itago na lang natin siya sa pangalang Francheska.

Pero bago ‘yan, October 2015 na pala. Napakabilis ng panahon. Napakaraming pagbabago sa ating paligid. Ang hindi lang nagbago ay ang letter-senders sa aking programa. Hanggang ngayon, nagpapadala pa rin sila ng liham. Pwede naman nilang i-blog na lang o kaya i-email. Bakit kailangang lumiham pa. Ano ‘to? ‘80s?

Buweno, simulan na natin ang pagbabasa ng liham ni Francheska.

“Dear Charo,

Miyembro ako ng Playfulgirls – isang grupo ng mga seksing babaeng sumasayaw sa mga event at party. Malinis ang trabaho namin. Konting giling, konting lambing… pera.

Tahimik naman po ang buhay namin hanggang sa dumating ang isang pangyayaring naglagay sa amin sa kahihiyan. Pinag-usapan, hinusgahan. Napakasakit po.

Nagsimula po ito sa isang good news mula sa aming manager.

Last week. Somewhere in QC.
“O, girls… tumawag si Chairman. May raket tayo! Magtu-twerk kayo sa harap ng isang congressman! Bongga! Kumikitang kabuhayan na naman! Galingan ang pagsayaw huh! Congressman ‘yan! Madatung.”

“Eh mamita, hindi ba thunderdome na ‘yang congressman na ‘yan? Baka ‘di kami ma-appreciate, sayang naman.”

“Gaga! Congressman ‘yan! Kesehodang naka-diaper pa ‘yan, importante ang inyong performance! ‘Tsaka may mga kaibigang mayor o konsehal ‘yan. ‘Pag na-impress n’yo sila, kukunin kayo sa kampanya!”

* * *

Charo, nagulat kami nang dumating sa venue. Oath-taking pala ng mga bagong miyembro ng Liberal Party ang event na aming pinuntahan at hindi private party. May mga bata pa at estudyante! Pero dahil professional kami, tuloy ang show!

At ito na nga ang mga sumunod na pangyayari…

1Playfulgirls01

1Playfulgirls02

1Playfulgirls03

1Playfulgirls04

Kung naloka kayo, naloka rin kami. Feeling namin, na-set up kami.

Sa totoo lang Charo, pang-adult talaga ang ni-rehearse namin. Kung sinabihan lang kaming buong barangay pala ang invited, dapat nag-singkil na lang kami.

At ito pa ang nakakaloka. Napansin n’yo ba ang stage backdrop? “40 Years In Service” – Ibang service yata ang tinutukoy ni Congressman. Alam ba ng asawa niya ‘yan?

Sorry nga pala Charo, photos lang ang kalakip ng liham ko pero pwede mong makita ang video dito.

So ‘yon na nga! Grabe ang reaksyon sa Internet. Kung anu-anong pangalan ang itinawag sa amin. Hinusgahan agad kami. Na kesyo malaswa, madumi, malibag, puro tuwad ang alam, bayaran, mababang uri, at iba pang masasakit na salita.

Nag-trend pa kami sa Twitter, Charo. Pero ang pinakamasakit sa lahat, ang denial ni Chairman.

“I was just a guest at the birthday party. I did not bring any dancer or singer. The emcee probably got misinformed.”

Ang sakit Chairman. Bakit mo nagawa ‘yon? Metro Manila Denial Authority ka talaga! Matagal na tayong friends, alam mo ‘yan! 2013 pa lang, kinukuha mo na kami sa kampanya ‘tapos ngayon, biglang: “I was just a guest at the birthday party?!” Pastilan! Yawa!

1agarao22
Charo, nasa tamang edad naman kami. Hindi kami pinilit magsayaw dahil trabaho naman talaga ito. Marangal na trabaho. Pero wala naman sanang laglagan. Pati ‘tong si Congressman, grabe kung makapagsalita. Kung mai-describe niya kami, parang isang object ang tingin niya sa amin! Sabi niya…

“Pangkaraniwan na ho iyan sa probinsiya, may nagreregalo ng entertainment.”

Regalo??? Regalo, Charo?!? Sumagot ka Charo! Tama bang tawagin kaming regalo???! Charo! Nakatulog ka na yata! [Francheska, hindi ako nakatulog, binabasa ko nga ang liham mo ‘di ba?] Hindi kami regalo Congressman! Binayaran kami! Nagtrabaho kami. Anong regalo ang pinagsasasabi mo d’yan!

Charo, naiintindihan namin ang reaksyon ni Mar Roxas pero nasaktan pa rin kami nang slight nang sabihin niyang:

“Iwaksi natin ang ganitong klaseng mga gimik, lalo pa’t nakakabastos ito.”

1Twerk
Inuulit namin… wala kaming kaalam-alam na public event pala ang aming pinuntahan. Kung nabastusan ka sa amin sir, we’re not surprised. Basta! I don’t want to elaborate.

Nagpapasalamat nga pala kami kay Congw. Leni Robredo sa kanyang concern. Sabi niya kasi kahapon:

“Walang puwang sa aming partido ang kahit anong gawaing niyuyurakan ang karapatan at dignidad ng kababaihan.”

Balita namin ma’am, tatakbo raw kayong vice president. Parang recently lang po, sabi n’yo hindi kayo ready sa mas mataas na puwesto lalo na kung bise presidente. After just a month, biglang ready? Anyareh? Dahil po concerned kayo sa amin, concerned din po kami sa inyo. Kung kayo ay napipilitan lang dahil sa pressure ng LP, ‘wag n’yo nang ituloy. Mag-senador muna kayo.

Charo, hindi mo ba napapansin? Lumalayo na tayo sa isyu. Nasa pulitika na tayo pero tuloy pa rin ang pagbabasa mo sa aking liham. Hindi ba ito na-edit ng iyong headwriter?

‘Yon lang Charo ang punto ko at ng aming grupo. Nais naming iparating kay Chairman at kay Congressman na nasasaktan kami sa kanilang mga sinasabi. Manindigan naman sana sila at matutong umako sa responsibilidad.

Walang laglagan sa tuwid na daan.

Gumagalang,

Francheska

[Muling i-click ang music para mas ramdam ang closing ni Ma’m Charo. Huwag ituloy ang pagbabasa hangga’t di naririnig si Dulce.]

Mga Kapamilya… sa huling statement ni Congressman Agarao, sinabi nitong wala siyang nakikitang bastos sa ginawa ng Playfulgirls sa harap ng maraming tao: bata, matanda, lalaki, babae, estudyante. Sa katunayan aniya, maraming congressman ang nanonood ng adult shows kung saan naka-cage pa ang mga babae – hanggang madaling araw.

Kitang-kita natin ang mentalidad ng kongresistang ito. Ayaw kong madamay sa pulitika ang ating programa kaya’t iiwan ko sa inyo ang pag-aanalisa at pagpapasya.

Good luck nga pala sa mga huhula sa episode title. Ito po si Charo Santos na nagsasabing, “Respect for ourselves guides our morals; respect for others guides our manners.” Magandang gabi, Kapamilya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

“REGALO”

.
.
.
.
.
.
.
.

Tama ba ang hula mo? To claim your prize, padalhan mo muna ng 300 pesos na load ang number na ito: 0905-8903030. Call us now. Atty. Buboy Cervantes nga pala ito. [Per DTI-NCR Permit No. 3 Series of 2015]
——————————————————————————————————————————–

Sound Bites
“It depends on how you appreciate things. Like me, I’m a real man, I see nothing lewd. In Manila, some women dance in cages. In other provinces, your eyeballs will fall out and yet there is no malice. Here in Metro Manila, a lot of congressmen [watch these shows] until dawn
~Cong. Benjie Agarao

Raunchy
Shortly after the oath-taking of local Liberal Party recruits in Sta.Cruz, Laguna, a group of scantily-clad women known as Playgirls performed a naughty dance number with some male audience. Critics say LP members are “chauvinistic” and “pigs!” To which, Senator Drilon said, “Hoy! I’m not chauvinistic.”

Imelda
An online report claims former First Lady Imelda Marcos is against the rumored Binay and Bongbong tandem in 2016. Vice President Binay, who is being accused of stealing public funds has been described by Imelda as “madumi.” Imelda still hates competition.

Happy weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Playgirls: Screengrabbed from an Inquirer video; Agarao: Congress.gov.ph]

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: