Advertisements

EXCLUSIVE: EDSA NAGSALITA NA!

12 09 2015

1trafficPHILSTAR
LAST SEPTEMBER 8, Metro Manila motorists were stuck in gridlock traffic for several hours following a heavy downpour that triggered flashfloods. Thousands got stranded and EDSA became a giant parking lot. The other day, our request for an interview with EDSA was granted. Here are excerpts from the exclusive interview.

Good morning EDSA. Diretso na tayo sa unang tanong kasi alam kong nagmamadali ka; rush hour ngayon. Ano ang naging unang reaksyon mo sa napakatinding traffic jam noong Martes ng gabi?

Siyempre, natigilan ako. Hindi ako makagalaw. Feeling ko ang sikip-sikip ng mundo ko.

Inexpect mo ba ang ganung kagrabeng traffic?

Actually, pati ako nagulat. Six hours?!? Wow! Tinalo pa ang traffic noong may rally ang Iglesia. Natawa nga ako sa isang pasahero ng bus. Nagbanta ba naman ang pucha. Sabi niya: kakasuhan daw ako ng illegal detention. Hellllo!

Ano ang sabi mo sa kanya?

Itiniwalag ko! Ayun, naglakad mula Ortigas hanggang Guadalupe! Illegal detention pala huh! Hala! Lakad!

Tiwalag? So INC ka pala?

Tanga! Katoliko ako siyempre! Kaya nga may Our Lady of EDSA ‘di ba!?

Teka, balik tayo sa traffic noong Martes. Pati pala si Sen. Chiz Escudero naipit sa traffic. Ang sabi niya sa media, three hours daw siyang stuck sa ‘yo!

So nagrereklamo siya? ‘Buti nga siya at komportableng nakaupo sa kanyang SUV. Hiyang-hiya naman sa kanya ‘yong mga pinaglakad ko.

Teka lang po. Galit agad? Wala naman akong sinabing nagreklamo siya. Ang init ng ulo ah.

Eh kasi nga Biyernes na naman. Bugbog na naman ako n’yan sa uwian!

Umuulan naman tuwing hapon ah. ‘Di ba mas maluwag ka kapag basa?

On the contrary, mas nagiging masikip ako kapag wet. Wala kasing galawan. Gitgitan nang gitgitan. Kanya-kanyang pasok at labas. Ang ending, heavy traffic.

So kaninong fault ‘yong monstrous traffic jam last September 8? Sa baha? Sa dami ng sasakyan? Sa MMDA? Sa Highway Patrol Group? Sa government? Kanino?

Gusto ko sanang sabihing fault ni GMA pero ang hirap ikunek eh. So, sa kalikasan na lang. Ewan ko nga ba kay Mother Nature, nagpapadala pa ng destructive forces eh nand’yan naman ang mga pulitiko at ang gobyerno. Ang labo!

Maiba ako. Totoo bang may tampo sa ‘yo ang mga tao ng MMDA?

Narinig ko na rin ang isyung ‘yan. As much as possible, ayaw kong paniwalaan dahil matagal na rin ang pinagsamahan namin. Pero lately, aaminin ko ‘to, for the first time, and exclusive sa ‘yo… sobrang lamig ng pakikitungo sa akin ng mga taga-MMDA. Hindi na masyadong nagpaparamdam. No text, no call. ‘Di na rin masyadong tumatambay. Nami-miss ko nga ang aming kwentuhan eh.

Baka nagseselos sa PNP-Highway Patrol Group. Hindi kaya?

Ayoko nang magsalita. Basta, friends ko sila pareho.

Pinag-aagawan ka ng dalawa! Ang haba ng hair huh! I mean, ng lane! Ano bang meron ka?

Ganda lang! Jooooooke!!! Siyempre, motorists na willing magbigay. ‘Tsaka abusadong drivers na kapag nahuli ng enforcer, ang laging linya ay “Sir, baka pwedeng pag-usapan na lang natin ‘to!” OR “Boss, kumpare ko nga pala si Mayor X” or “Chief, otso ang plaka ko, di mo napansin?” Like that.

Until now?

Naman! May bago?!

Na-mention ko na rin lang ang MMDA, close naman kayo ni Chairman Francis Tolentino. Anong masasabi mo sa statement niya the other day na ‘di pa siya sure kung tatakbo sa Senado.

Palabiro talaga ‘yang si Chairman. Hindi raw siya tatakbo????? Eh para saan ‘yong araw-araw na political ad niya sa radyo? Wala lang? Trip lang niyang gumastos?

‘To naman. Hayaan mo na. Baka naman donation. Speaking of donation, balita ko nag-donate ng 20 million-peso worth of traffic lights sa Legazpi City ang MMDA ah.

Ganun?!? BumiBinay? Investment for future elections?

Nagbibintang???

Paanong naging bintang ‘yon! May question mark ‘di ba? In short, nagtatanong!

Eh pa’no yan? Sabi ng palasyo, bahagi raw ng official function ‘yon ni Chairman?

MMDA?! Umabot sa Legazpi City? Bakit? Ano ba ang A sa MMDA? Albay? Para-paraan huh!

Well, it worked for Binay. Let’s see if it would work for Tolentino.

Matagal pa ba ang interview na ‘to?

Grabe naman. Nagmamadali??? May naghihintay bang taxi sa labas?

Tanga! ‘Di lang taxi! Pati bus, kotse, truck, van, motorsiklo, ambulansya, atbp!

Konti na lang. ‘Di ba marami nang pulitiko ang dumaan sa ‘yo? Kapag natatrapik sila, ano bang naririnig mo mula sa mga ‘yon?

So tsismoso ako? Ganun?

I didn’t say that. Baka lang kasi naririnig mo sila kapag naiipit sa grabeng traffic. Like si Mar Roxas, ano ba usually ang sinasabi kapag napakatagal na stuck sa ‘yo?

“‘Tang-inaaaaaa! Traffic!”

“‘Tang-inaaaaaa” talaga??? Anim ang ‘a?’

Hindi naman. Minsan 10. Depende sa tindi ng traffic.

Si Manny Pacquiao?

Naku! Wala nang ginawa ‘yon kundi mag-quote ng Bible verses kapag natatrapik!

Eh si Grace Poe?

Sabi ni Madam, igalang daw natin ang karapatang magpahayag ng mga motorista. Kung mag-quote man daw ng Bible verses, hayaan na lang daw natin sila kasi may religious freedom naman.

How about President Aquino?

Actually, ang mareklamo sa traffic, ‘yong driver niya. Kaya si Presidente, ang laging banat: Buhay ka pa naman ‘di ba?

Kumusta naman si Binay?

Ahh iba naman ‘yun. Hindi nagmumura si VP to be fair to him. Kapag stuck ‘yan sa trapik, nagnanakaw ng tulog ‘yan. At least, consistent.

Consistent? Meaning?

Punta naman tayo kay Duterte…

Wait, what do you mean by consistent?

Aabutan na ako ng rush hour. Ayoko na.

Last na lang. Kung boboto ka sa 2016: Tuwid na Daan pa rin o iba naman?

Maluwag na Daan! Bye!

-End of Interview-
———————————————————————————————————————————————-
“Life is too short for traffic.”
~Dan Bellack

Sound Bites
“Severe traffic congestion that was triggered by heavy rains and flash floods clearly showed the inadequacy of existing road and flood-control infrastructure that will take time to be scaled up.”
~Palace spokesman Sonny Coloma

Have a good weekend and an even better week ahead! UP FIGHT!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Philippine Star]

Advertisements

Actions

Information

6 responses

12 09 2015
Athena Agustin

Brilliant and hilarious as ever, PH. Thank you for the laughs. I needed them badly today. Long live. 🙂

Like

4 10 2015
professionalheckler

maraming salamat po!

Like

15 09 2015
Powell Abogado

On the “maluwag kapag basa” though. Hahaha

Like

18 09 2015
Emerson Saludes

I like the Binay portion. Haiiiisttt – i smile a lot with this write ups of the author. 🙂

Like

27 09 2015
Eduardo Luiz Pilapil Domingo

I like this. Tt really indicates that there is no room for improvement on how the traffic in Edsa was devastating to motorists and commuters thus it is also funny and entertaining

Like

27 09 2015
Eduardo Luiz Pilapil Domingo

I like this. It really indicates that there is no room for improvement on how the traffic in Edsa was devastating to motorists and commuters thus it is also funny and entertaining

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: