Advertisements

NO BOBO. NO BIO, NO BOTO.

18 08 2015

INILABAS NA NG Commission on Elections ang ilang bagong panuntunan kaugnay ng nalalapit na Eleksyon 2016.

ReinerSeeElection Day
1: Hindi papayagang bumoto ang mga taong nagsasabing “Ok lang magnakaw ang isang opisyal ng gobyerno basta’t naaambunan ang mga constituent na ‘tulad ko.”

2: Sa halip na pagalitan ang mga taong hindi naniwala sa payong “No Bio, No Boto” ‘tapos magrereklamo sa araw ng halalan, sila ay pagkakalooban ng sertipiko, “Achievement in Katigasan ng Ulo.” Maaaring kunin sa kanilang barangay hall ang katibayan ng pagkilala.

123RF
3: Ang mga balotang may boto para sa mga kandidatong may nakabinbing kasong graft, malversation of public funds at plunder ay hindi babasahin ng machine, hindi bibilangin ang boto, at tatatakan ng mga salitang, “When will you ever learn?”

4: Ang balota naman ng mga botanteng napilitan lang iboto ang isang kandidato – kahit alam nilang corrupt ito – dahil sa dikta ng kanilang kulto, sekta, simbahan, o anumang panrelihiyong grupo ay tatanggapin ng machine at mabibilang ang boto, ngunit tatatakan pa rin ng mga salitang, “Why can’t you decide for yourself?”

5: Vote Buying. Dahil talamak at ‘di naman mapigilan ng komisyon ang bentahan ng boto, gagawin itong legal simula next year. Gayunman, papatungan na ito ng 15 percent tax. Ang malilikom na buwis ay ilalaan sa Voter Education Drive ng Comelec.

Teresay.comCampaigning
6: Hindi na gagamitin ang terminong “campaign period” para ‘di magmukhang tanga ang komisyon. Sa totoong buhay naman kasi, kahit anong oras o araw gustuhing mangampanya ng pulitiko, nagagawa naman niya ito.

7: Expenditures. Mababago na ang allowed na halaga ng gastusin sa kampanya. Ito ang itinatadhana ng batas:
Presidente/Bise Presidente: 10 pesos kada botante
Ibang kandidato: 3 pesos kada botante
Kandidatong Walang Partido: 5 pesos kada botante
Political party at party-list: 5 pesos kada botante

2015 na. Ano’ng palagay n’yo sa botante? Cheap? Magsisimula ang presyuhan sa isandaan. Papayagan na rin ng komisyon ang pamimigay ng cake kung ito ang mas makapagpapasaya sa constituents.

2013-election

8: Financiers. Magiging mahigpit na sa pagsasapubliko ng pangalan ng campaign donors. Obligado nang tukuyin ng mga kandidato ang gumastos sa kanilang political ads. Narito ang ilang halimbawa:
Paid for by Friendship Ebeng Baloloy and Gerry Limlingan
Paid for by Lord Bong and Lilia Pineda
Paid for by Wang Bo
Paid for by Semirara Mining Corporation and DMCI
Paid for by Peter Co, Convicted Drug Lord and Bilibid VIP
Paid for by Jose Maria Sison’s Revolutionary Tax Collection
Paid for by Judy Roxas-Araneta #yamannilola #gatewayqueen

9: Kung may ‘go signal’ ng hukuman ang pag-demolish sa shanties ng informal settlers o squatters at HINDI ito ipinatupad ng isang government official dahil malapit na ang eleksyon, ituturing itong ilegal na paraan ng pangangampanya.

10: Tatlong buwan bago mag-eleksyon, ipagbabawal ang pagbisita ng mga kandidato sa mga burol lalo na’t hindi naman nila kadugo ang mga namatayan.

1BBC - Scavenger
11: Ipagbabawal na sa campaign speeches and slogans ang paggamit sa mga sumusunod na linya (and other similar lines) dahil ito ay harap-harapang panlilinlang:
– Ako ay may puso para sa mahihirap.
– Tutulungan ko ang mga mahihirap.
– Kakampi ako ng mga mahihirap.
– Bibigyan ko kayo ng magandang kinabukasan.
– Aahon tayo sa kahirapan.
– Uunlad na ang inyong buhay.

FINALLY…
12: Oobligahin ang lahat ng kandidato – lokal o national posts man na simulan ang kanilang mga campaign speech with this line: “Kapag ako po ay nanalo, mamatay man ang asawa, mga anak, ina, ama, at kabit ko, hinding-hindi ako magnanakaw! I thank you.”
——————————————————————————————————————————————————-
“That we have the vote means nothing. That we use it in the right way means everything.”
~ Lou Henry Hoover

Sound Bites
“I don’t want to mislead or to give false hopes. But what I’m saying is that at this point, I’m still deciding, I’m studying it and it’s up to them (LP) if they will wait. But I am thankful that their doors are open [to me] but I am not encouraging them to wait if this is against their plans or contrary to their position.”
~Grace Poe on her meeting with Mar Roxas

Have a safe week!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Pork Barrel: Reiner Aldrich See; Ballot: 123RF.com; Posters: Inquirer.net; Father and Son: Teresay.com; Scavenger: BBC.Com]

Advertisements

Actions

Information

One response

18 08 2015
rojan88

1: Hindi papayagang bumoto ang mga taong nagsasabing “Ok lang magnakaw ang isang opisyal ng gobyerno basta’t naaambunan ang mga constituent na ‘tulad ko.” – hahaha dapat talaga pinagbabawalan yung mga ganitong klaseng botante hahahaha

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: