CHAROT: LACIERDA VS. SALGADO II

8 08 2015

THERE WAS A HILARIOUS exchange between President Aquino’s spokesman Edwin Lacierda and Vice President Binay’s mouthpiece, Joey Salgado recently.

Untitled
When Lacierda described Binay’s TSONA as “charot” – gayspeak for ‘joke’ or ‘just kidding,’ Salgado replied: “Imbey ang fez ni secretarush dahil trulalu ang spluk ni VP. Pero ang Sona ng Pangulo, chaka ever sa madlang pipol dahil hindi trulalu.”

The word war did not end there though. Rumors say they traded barbs through text. Here’s the transcript sent by an anonymous source.

Lacierda:
Kung anik-anik ang say ng VP mo sa kanyang TSONA Velasquez, waley namang mention tungkol sa friendship niyang sina Ebeng Baloloy at Gerry Limlingan! Sinetch kayang nag-hide sa dalawa? Knowing na!

Salgado:
Malaysia at Pakistan! Wa ako care sa mga julalay!

Lacierda:
Care bears ka? O shokot lang kayo dahil baka mag-ispluk ang lola Ebeng at ang T’yong Gerry n’yo tungkol sa bilyones ni VP? I’m sure, gibsung kayo ng datung sa dalawa para mag-fly sila somewhere. Appear, disappear! Aminin!

Salgado:
Kebs! Basta ang knows ko hindi na keri ng mga utaw ang julok na MRT. Isang oras silang Pilar Pilapil ever sa mga stations ‘tapos pag-Sally Ride na, deadjavu lagi ang tren kaya mega walk na lang sila sa riles. Anong ginawa ng government? Witchelles. WITCHELLES!

Lacierda:
Gaga! Pa-arrive na ang mga bagong tren no! Atatchina ka. Wait mo lang maikabit para bongga na ang travel!

Salgado:
Whatevs! Pero aminin mo, natalbugan ni VP si PNoy nang mag-salute ang lolo ko sa mga deads na SAF44 sa kanyang TSONA! Ang tears ng mga utaw, nag-fall. Winnie Cordero!!

Lacierda:
Anong winner do’n? Imbey na imbey nga ang isang byuds ‘di ba? User-friendly daw ang VP mo! In short, echosera! Laugh nga ako nang laugh nang makita ko ang headline: SAF44 widow on Binay’s TSONA: “Huwag n’yo kaming gamitin” PLANGUK!

Untitled
Salgado:
Keri lang. At least, na-remember namin sila. Eh ang boss mo? Waley! Ang na-mention lang sa SONA: designer, stylist, sekretarya, at ang Robert Barbers n’ya! Keber naman ng mga Purita Kalaws at Portia Ilagans of this world sa designer ni PNOy ‘no? Walang relate sa life ng mga Iskuwala Lumpur ang “Thank You Girls” ng SONA. Nakakaloka!

Lacierda:
Tse! Sa survey naman ng Rappler, winner sa mga online voters ang SONA ni PNoy. Ang TSONA ni Rambotito… Lucy Liu!

Salgado:
Wapakels. Ang mga friendship ni VP, wala sa social media. Win pa rin siya sa 2016! Period! Walang comma!

Lacierda:
Assuming ka ‘teh! Careful. Baka after ng eleksyon, cryola ka.

Salgado:
Gaga! Paanong cryola? Win or lose, meron pa rin akong anda!

Lacierda:
‘Yun na!

Salgado:
By the way, ang T’yo Peping Cojuangco ng boss mo, nag-out na. Si VP ang bet niya. Bongga!

Lacierda:
Deadma! Basta sa amin ang apat na Maria. Keri na!

Salgado:
Ay! Apat ba? I heard ‘di pa sure ang isang lola. Alam mo na! Close sa mga junakis ni VP ang Kristeta.

Lacierda:
Truelagenic! Pero feeling ko, ‘pag nakausap na siya ni PNoy, sa amin pa rin ang join niya. Wait, anong reak mo sa say ni Mayor Duterte na mala-Marcos ang boss mo? Tarush ng comment n’ya huh!

Salgado:
Tigilan na natin ‘to. Fly pa kami ni boss sa Ilocos para mamahagi ng help sa mga purita.

Lacierda:
Mamahagi ng help o mangampanya?

Salgado:
Pak! Para sa ekonomiya! Kapal ng fez mo! Tama na! Late na ako sa flight. Ano bang oras na?

Lacierda:
Roxas na! Charot!

Salgado:
Ang chaka! Babu na!
—————————————————————————————————————————-
“In politics, absurdity is not a handicap.”
~Napoleon Bonaparte

Sound Bites
“Maybe you’ll have money. But even if your expensive lawyers find a way to get you off, people will still think you’re guilty. Losing everyone’s respect, the respect of people you know and the people you don’t? It’s a shitty feeling, trust me.”
~Angela, a character in the new series, Mr. Robot

Try to watch Mr. Robot. This new series is awesome!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Salgado/Lacierda: Inquirer.Net]

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: