Advertisements

LEAKED: SONA 2015 DRAFT – EXCLUSIVE!

25 07 2015

A DRAFT of President Aquino’s Sixth State of the Nation Address was sent to this blogger. Here are [unedited] excerpts of the speech. Exclusive!

State of the Nation Address
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
To the Congress of the Philippines
[To be delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon City on July 27, 2015]

Bago po ako magsimula, nais ko munang batiin ang ating mga kapatid sa Iglesia ni Cristo sa kanilang ika-isandaan at isang anibersaryo. [Applause]

Ngayon ko lang po ito aaminin: Malaki po ang naitulong sa aking kandidatura ng Iglesia. Mabuti na lang pala at noong 2010 ay buo pa sila. Eh sa susunod na eleksyon, paano na?

**

Sa mga nakikinig at nanonood ngayon ng aking huling State of the Nation Address, gamitin po natin ang hashtag na #PanghulingSONAYan sa Twitter. Kung nahahabaan kayo, ito na lang: #PSYWalangForever.

**

Unang-una, maraming salamat po sa ating Pangalawang Pangulo. Bagamat walang tigil ang batikos mo sa aking administrasyon, hindi mo nalimutang dumalo rito – nagbihis ka, nag-abala ka at ngumiti ka nang ako ay ‘yong makita. Naalala ko tuloy ang kumalat na bigas sa Davao. Fake.

**

Katulad ng aking nabanggit, ito na po ang aking huling State of the Nation Address. [5-minute Applause]

Kung makapalakpak naman kayo parang gustung-gusto n’yo na talaga akong umalis. Bitch.

**

Napakabilis po talaga ng panahon. Parang kailan lang, nananahimik sa Coconut Palace si Manong Jojo dahil namamayagpag siya sa survey. Ngayon, hindi pa man nakapagpa-file ng COC, araw-araw na ang campaign sortie. Palakpakan po natin ang sipag na ipinapakita niya! [Applause]

**

Hindi naman sa pagmamayabang, isang malaking tagumpay ang kampanya natin laban sa katiwalian.

Nakapagpakulong tayo ng isang dating pangulo. [Applause]

Nakapagpakulong tayo ng tatlong incumbent senators, ilang dating kongresista, gobernador, mayor! [Applause]

At MAKAPAGPAPAKULONG tayo ng isang bise presidente. All caps ang MAKAPAGPAPAKULONG para intense. [Applause / Standing ovation: LP members]

**

Patuloy po ang paglago ng ekonomiya. At damang-dama ito ng ating mga kababayan. Sa latest survey ng SWS, ang 12.7 percent hunger rate sa second quarter ng taon ang pinakamababa mula 2005. [Applause] Sino nga bang magsasabing naghihirap sina Kulas at Kulasa kung sa unang araw pa lang ay sold out na ang napakamahal na ticket ni Madonna? [Applause]

**

Kitang-kita po naman ang pag-unlad sa ating paligid. Kahit saan ka magpunta, may mga itinatayong istruktura: sa Fort Bonifacio, sa Eastwood, at kahit sa Luneta. May Spratlys pa!

**

Matatag ang ating piso at mababa rin ang inflation rate. Napababa natin ang singil sa kuryente; napababa natin ang presyo ng produktong petrolyo, at sa unang pagkakataon mula 1986, napababa natin ang isang Binay sa puwesto! [Applause]

**

Pinupuri ko ang PNP sa pagpapanatili ng peace and order sa bansa. Naresolba ng kapulisan ang isyu ng carnapping. Nasawata nila ang problema ng kidnapping. And just last Thursday sa compound ng Iglesia ni Cristo, napatunayan pong walang nagaganap na hostage-taking! Mabuhay ang PNP! [Applause]

**

“Justice delayed is justice denied,” sabi nga nila. Dahil ang nasa isip niya ay reporma, napakabilis umaksyon ni Justice Secretary De Lima. Huwag na po tayong lumayo sa ating halimbawa. July 21 ng umaga, dumating si Chris Brown sa Manila. Hindi pa man nagsisimula ang concert niya, may look out order na si Ma’am Leila dahil sa pakiusap ng Iglesia! Palakpakan po natin siya! [Applause]

***

Ako ay naniniwalang makatutulong ang K+12 sa paghubog ng kaisipan ng ating mga mag-aaral. Hindi po totoong pinababayaan ng ating pamahalaan ang edukasyon. Ang edukasyon ay para sa lahat – bata man o matanda. Halimbawa, ‘yang si ER Ejercito wala nang ginawa kundi batikusin ang gobyerno. Ayun, tinuruan natin ng leksyon. Tanggal sa puwesto! Edukasyon! [Applause]

**

Isa sa mga laging ibinabato sa akin: biased daw ako sa aking mga kaibigan at kakampi. Wala pong katotohanan ‘yan. Hindi ba’t kinasuhan na ng Ombudsman ang aking BFF na si Alan Purisima? Bakit putak pa rin nang putak ang aking mga kritiko? Masyado naman kayong bitter! Ano pa bang gusto n’yong gawin ko kay Alan? Iblock ko sa Facebook at Twitter?!?

**

Malaki-laki na rin po ang ating natitipid mula nang tayo ay umupo sa puwesto. Mapalad ang susunod na pangulo dahil may mamanahin siyang pondo. Nang mabasa ko nga ang menu para sa event na ito, nagalit ako sa caterer. Sabi ko, “Para saan po ang wine Ate? Nagtitipid tayo! Palitan mo ng milk tea.” [Applause]

**

Napakalaki na rin ng nabawas sa red tape sa mga ahensya ng gobyerno. Wala nang kukupad-kupad pa! Wala nang patumpik-tumpik pa! Halimbawa, sa Davao City, suspek ka pa lang… ini-execute ka na!

**

Baka sabihin ng ating mga kritiko, kinalimutan na ng gobyerno ang kanayunan. Naku, hindi po. In fact, kapag napag-uusapan ang mga farm to market roads, natatawa na lang po ako. Bakit ka n’yo? Eh kasi po ngayon, mas marami na ang roads kesa sa farm. Subdibisyon na ang mga bukid! Kaunlaran! [Applause]

**

Mahalaga po sa akin ang kalusugan ng bawat Pilipino. Hindi lamang sapat na pagkain ang kailangan natin kundi regular na ehersisyo. Kaya nga po ang mga pasahero ng MRT, pinaglalakad na lang natin sa riles upang mabanat naman ang kanilang buto! Mabuhay ang DOTC! [Applause]

**

May sampung buwan pa po ako sa puwesto. Tuloy pa rin tayo sa pagtahak sa Daang Matuwid. Ako po ang inyong Pangulo na nagsasabing… Walang corrupt, walang manlalamang, walang wangwang! And if I may add, walang makuhang vice presidential candidate. Patay tayo d’yan!
—————————————————————————————————————————————
“Some things you don’t have to promise. You just do.”
~Rick Yancey, The 5th Wave

Sound Bites
Gabi-gabi po, bago ako matulog, thank you at nakalampas pa ako ng isang araw. Kung, sabi nga noong bata kami, “finished or not finished, pass your paper” eh dumating na sa akin, palagay ko naman, naramdaman na ninyo kung anong pagbabagong karapatan ng bawat Pilipino ang mangyari. At bahala na kayong ituloy ito.
~President Aquino, SONA 2014

Have a safe week ahead!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Rappler.Com]

Advertisements

Actions

Information

3 responses

26 07 2015
bituina

#milkteasaBatasan

Like

27 07 2015
28 07 2015
Cheron Delmoro

This was much more interesting and closer to the truth than the actual SONA.

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: