Advertisements

WALANG PASOK!

10 07 2015

1
THE RAINY SEASON is here again. Time to update our list of typhoons.

Typhoon Noynoy
Walang masyadong ulan. Tuyot na bagyo. Tuwid ang tinatahak na direksyon pero selective ang tinatamaang lugar.

Typhoon Binay
Ilang taon na rin itong nananalanta at tila walang planong umalis ng Philippine Area of Responsbility.

Typhoon Junjun
Buntot siya ng Typhoon Binay. Nagbabadyang manalanta katulad ng naunang bagyo. Gayunman, bahagya itong humina at nagbago ng direksyon kamakailan.

Typhoon Nancy
Mahabang panahong stationary. Dahil ‘di gumagalaw, hindi ito na-detect ng radar. Ngunit nahila ito ng isa pang sama ng panahon kaya’t naging ganap na bagyo.

Typhoon Grace
Kakaiba ang bagyong ito. Nabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility pero kumilos patungong kanluran hanggang sa umabot ng Hilagang Amerika bago nagpasyang muling tahakin ang direksyon ng Pilipinas.

Typhoon Toby
Malakas ang tama ng bagyong ito. Mabuti na lang, kadalasan, sablay. Minsan na rin silang nagpang-abot sa himpapawid ni Typhoon Grace ngunit natakot si Typhoon Toby at umatras.

Tyhoon Baloloy and Typhoon Limlingan
Dalawang bagyong magkasabay nang manalanta. Biglang nawala sa radar pero nananatiling mapanganib.

Tyhoon Duterte
Isa sa pinakamatinding bagyong tumama sa katimugang bahagi ng bansa. Marami-rami na ring casualties ang bagyong ito at walang pagbabago sa kanyang lakas.

Typhoon Mar
Ang bagyong hindi ma-sustain ang strength. Kaya kadalasan, deadma lang ang mga tao sa mga lugar na kanyang tinatahak.

Typhoon Makabayan Bloc
Ang pinaka-consistent na bagyo. Lahat pinababagsak!

Typhoon Kris
Araw-araw, laging laman ng balita ang bagyong ito. Napakaingay! May kidlat, may kulog at kung anu-ano pang pasabog.

Typhoon Pacquiao
Papahina na ang bagyong ito. Praise the Lord. Amen.
————————————————————————————————————————————————
“When all is said and done, the weather and love are the two elements about which one can never be sure.”
~Alice Hoffman

Have a safe weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: The Manila Times]

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: