TAMA NA, SOBRA NA AT IBA PANG DRAMA

25 06 2015

Statement of Vice President Jejomar C. Binay
Coconut Palace, 24 June 2015

Untitled
What the Vice President told us
(What he really wanted to say)

Mga kababayan:
Ngayon ang bagong simula ng laban sa kahirapan.
(Ganito dapat ang opening: i-mention mo agad ang “kahirapan” para maraming maka-relate.)

Nagbitiw po ako sa Gabinete dahil hindi ako makapapayag na ipawalang-saysay at siraan ang aking mga programang pangmasa na nagtagumpay sa Makati at nais kong mapalawak sa buong bansa.
(Original idea ko ‘yang Pantawid Pamilya Program! Ako ang nagpauso niyan sa Makati. In fact, hanggang ngayon, hindi pa rin sila makatawid-tawid! Bakit? Dahil naniniwala ako sa kasabihang, “Give a man a fish and you feed him for a day. Teach a man to fish and you will lose votes on election day.”)

Hindi ako papayag na magpatuloy ang kawalan ng katarungan sa bansa.
(Ikulong ang mga Binay! Ikulong! Joke lang! Gago!)

Hindi ako papayag na iilan lang ang magtatamasa ng benepisyong nararapat sa karamihan.
(Bigyan ng cake!)

Dapat magkaroon ng pamahalaang nakikinig at tunay na nagmamalasakit, lalo na sa mahihirap.
(Oo, kayo nga. Mga mahihirap! Ito ang tinatawag na “obligatory mention.” Hindi pa ba kayo sanay?)

Isang pamahalaang puspusang nagsisikap upang lumikha ng higit pang trabaho upang bigyan ng ginhawa ang matagal nang nagigipit na taumbayan.
(Tama ang narinig n’yo! Trabaho! Kaya sa halip na tumambay lang kayo sa inyong mga bahay, maki-rally kayo sa harap ng Makati City Hall. Libre na ang meals, kikita pa kayo!)

Isang pamahalaang magbibigay ng pagkakataong guminhawa at umangat ang buhay ng mga mahihirap.
(‘Yong libu-libong mahihirap sa Makati, hindi talaga sila mahihirap. Nagkukunwari lang ang mga ‘yon. Promise.)

Ito rin ang hangarin ng ating mga kababayan: isang pamahalaang kabaliktaran ng manhid at palpak na pamahalaan ngayon.
(Na hindi ko naman mapapansin kung ‘di ako naungusan ni Grace Poe sa surveys. Pero wala na kayong pakialam do’n, mga hindot kayo!)

Ang nakikinabang sa ipinagyayabang na pag-unlad ay iilan lamang, kasama ang mga piling kaibigan at kapartido ng mga nasa puwesto.
(Of course, kabilang na rin ako at ang aking pamilya pero hindi ko siyempre sasabihin ‘yon dahil mawawalan ng impact ang speech na ‘to.)

Marami na akong pinagdaanang pagsubok.
(Hindi po biro ang maupo sa city hall for 29 consecutive years. Marami talagang pagdadaanan.)

Ilang beses akong ikinulong noong panahon ng Martial Law dahil sa paglaban ko para sa kalayaan at demokrasya.
(Pero ang makulong dahil sa alegasyong pagnanakaw ang ‘di ko talaga kaya. Nakakahiya. ‘T*ng-ina.)

Ngayon, sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ako ay pinagkakaisahang siraan, hamakin, gipitin, tanggalin bilang pangalawang pangulo at ipapakulong pa.
(Aping-api ako, grabe. Hiyang-hiya naman sa akin ang mga bata sa Navotas na walang pamasahe papuntang school kaya’t dumadaan na lamang sa makipot na kanal. Heto ang link, basahin n’yo!)

At habang ako ay ginigipit at inuusig, hinahayaan naman nila ang malawakang anomalya ng kanilang mga kasama at kapartido: ang Disbursement Acceleration Program (DAP), ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng kanilang mga kakampi, kapartido, at kaibigan.
(In fairness to me, I’m sure sang-ayon kayo sa isang ‘to.)

Ito ang baluktot na hustisya at pamamahala ngayon. Ang umiiral ay selective justice.
(Sinabi na rin ito nina Jinggoy at E.R. Ejercito noon. Inuulit ko lang para mas intense.)

Iba ang hustisya at mga benepisyo ng mga kaibigan at kaalyado ng partidong nasa kapangyarihan. Ngunit, walang hustisya at walang maaasahang benepisyo para sa nakararami lalo na sa mga mahihirap.
(Obligatory mention of the word “mahihirap” No.3. Additional tip: foment class war. Gatungan n’yo pa ang masa para kaawaan nila ang mga sarili nila hanggang sa ituring kang bayani dahil you care for them.)

Mga kababayan,
(Sa gitna ng speech, kailangang i-mention ko uli kayo para makuha ko ang inyong simpatya.)

May hangganan ang pagtitiis ng isang tao.
(Maniwala naman kayo please. Aping-api na ako. As in. Hindi pa ba kayo convinced?)

Tama na! Sobra na!
(#ThrowbackThursday #TitaCoryDays #ilovethe80s #malinispakaminoon #anongnangyari)

Alam nila na marami sa kanilang kandidato ang hindi mananalo sa isang malinis at patas na halalan.
(Ubo! Ubo! Mar! Ubo! Ubo! Mar!)

Nagpapasalamat ako sa ating mga kababayang nagpahayag sa mga survey na sa kabila ng mga paninira, malaki pa rin ang tiwala nila sa akin.
(From 41 percent in June 2014 to just 22 percent in June 2015?!?? Mga walanghiya! Mga balimbing!)

Sa ating mga mahihirap na kababayan, huwag po ninyo akong alalahanin.
(I know you don’t pero kailangang sabihin ko ito to sustain the drama.)

Kakayanin ko ang lahat ng ginagawa at gagawin pa nilang pagpapahirap sa akin.
(Multimillionaire ako, remember? May pambayad ako sa mga abogado. Tse!)

Ngunit hindi ko kayang tiisin na magpatuloy ang kahirapang hinaharap ninyo sa bawat araw.
(‘Pag ‘di pa kayo naantig sa statement na ito, manhid na talaga kayo!)

Sa mga kalaban ko sa pulitika, sinasabi ko sa inyo ngayon: kung ang layunin ninyo ay paatrasin ako sa pagtakbo bilang pangulo sa 2016, nagkakamali kayo. Hindi ako umaatras sa laban.
(Ngayon pa ba ako aatras eh ang laki na ng naipon kong pondo para sa kampanya? Hashtag Ebeng Baloloy! Hashtag Gerry Limlingan!)

At lalong hindi ko iiwanan ang ating mga mahihirap na kababayan.
(Obligatory mention of the word “mahihirap” No. 5. Check!)

Ako po ang inyong pangalawang pangulo, si Jojo Binay, na laging nagsasabi at taas-noong ipinagmamalaki ang pagiging tunay na Pilipino sa puso at gawa.
(I repeat: Tunay na Pilipino. Ewan ko lang ‘yong iba d’yan. Ubo! Ubo! Grace Poe! Ubo! Ubo! Grace Poe!)

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
(Inuulit ko: sambayanang Pilipino. Kaya ‘yong isa d’yan, ‘di kasama sa mga binati ko. Ubo! Ubo! Grace Poe! Ubo! Ubo! Grace Poe!)
—————————————————————————————————————————-
“Without an informed electorate, politicians will continue to use the bottom billion merely for photo opportunities, rather than promoting real transformation.”
~Paul Collier, The Bottom Billion: Why the Poorest Countries Are Failing and What Can Be Done About It

Sound Bites
“Siguro ganyan talaga ang pulitika sa ating bansa. Baka naman napaisip siya na hindi siya mai-endorso natin kaya kailangang ipakita niyang hindi niya kailangan ng endorsement.”
~President Aquino on Binay’s speech

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photo: Danny Pata/GMA News]

Advertisements

Actions

Information

One response

26 06 2015
roxcmercado

Reblogged this on Life in a Babble and commented:
Sensationalize his speech. Haha
Tanggalin ang kaplastikan ng bawat salita.

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: