WANTED: RUNNING MATE

27 05 2015

1PBR
OPPOSITION COALITION UNA has reportedly begun screening potential candidates for vice president. This, after Sen. Grace Poe and Davao City Mayor Rodrigo Duterte rejected a possible team up with Vice President Binay in 2016.

A written test for interested applicants was leaked online. Here’s a copy of the sample questionnaire.

UNA sa balota!
UNA sa paglilingkod sa masa!

Applicant No. _____

Buong Pangalan: ________________________
Edad: _______
Sex:
[ ] Twice a week [ ] Male [ ] Female
[ ] It’s Complicated [ ] Walang kasarian ang paglilingkod!

May secret bank account sa (markahan lahat na posibleng sagot):
[ ] Switzerland [ ] Cayman Islands [ ] British Virgin Islands
[ ] Others _________________ [ ] Ulol! Wala ako n’yan!

Dating Partidong Kinaaaniban: _____________________
Dahilan ng Pagkalas:
[ ] Wala silang pera
[ ] Wala silang tsansang manalo
[ ] Balimbing lang talaga
[ ] Prinsipyo! (Jooooke!)

Vice-President-Jejomar-Binay
Layunin ng Pagsusulit:
Gaano mo kakilala si Vice President Binay? Karapat-dapat ka bang maging running mate niya? Gaano kalaki ang tiwala mo sa kanya at sa partidong kanyang pinamumunuan? Maaasahan ba namin ang iyong katapatan sa UNA?

Ikaw ay may sampung minuto upang tapusin ang pagsusulit na ito. Start!

1: Bakit gusto mong tumakbo bilang running mate ni Vice President Binay?
A: Naniniwala ako sa kakayahan niyang pamunuan ang bansa.
B: Wala akong masyadong pondo para sa kampanya. At least siya, meron na.
C: Kung mananalo kaming pareho ‘tapos mai-impeach siya in two or three years, #AlamNa.

1B
2: Noong 2010 elections, sumikat ang linyang, “Ang kandidato ko, may B. Ang kandidato mo ba, meron din?” Ano ang ibig sabihin ng B?
A: Baloloy
B: Billions
C: Binay

3: Ano ang masasabi mo sa alegasyong nagpayaman si Vice President Binay noong mayor pa siya ng Makati?
A: Sorry, the number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.
B: Pinupulitika lamang siya ng mga kalaban.
C: Can I use a lifeline?

1ct
4: Kung totoong tagahanga ka ni Vice President Binay, dapat nasusubaybayan mo ang kanyang buhay. Tanong: ilang taon nang nakaupo sa city hall ang kanyang pamilya?
A: 29 years
B: 1000 years
C: (Hashtag) #MayForever

5: Alin ang mas mahalaga: kandidatong may karanasan o kandidatong tapat?
A: Thank you so much sir for that wonderful question. Good evening ladies and gentlemen, good evening Makati! You know what sir, in my 50 years of existence, I can say that there is nothing major, major, I mean issue against experienced leaders. Because I’m very confident of VP Binay and the love that he gives me and the people of Makati. So thank God that Binay is here. Thank you. Thank you so much.
B: Alam ko kung ano ang pinupuntirya ng tanong mo: Binay or Poe. May choice ba ako?
C: Karanasan saan? Please elaborate.

1PDIpoor
6: Kumpletuhin ang very catchy jingle ng ating mahal na bise presidente: “Kay Binay gaganda ang _______.”
A: buhay
B: building
C: bigay

7: Vice President Binay, former Makati City Mayor Elenita Binay, Sen. Nancy Binay, Cong. Abigail Binay, and Mayor Junjun Binay. Ano ang stand mo sa isyu ng political dynasty?
A: Walang political dynasty! Ang political dynasty ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat. Walang political dynasty!
B: Ano bang masama sa sama-samang paglilingkod sa taumbayan? Fault ba nila kung suportado sila ng mga taga-Makati? Kasalanan ba nila kung tuwing eleksyon ay sila lamang ang nananalo? Masisisi ba natin ang pamilyang ‘yan kung suportado sila ng mga maralitang taga-lunsod? Oust Noynoy!
C: Ayaw ko munang sagutin ang tanong na ‘yan. Baka ‘di ako mapiling running mate eh, mahirap na. Next question please.

1B
8: Ano ang ibig sabihin ng N sa acronym na UNA?
A: Nationalist
B: Nognog
C: Nakaw

9: Ang iginagalang nating pangalawang pangulo ay national president din ng isang grupo ng kapuri-puring mga kabataan na dedicated sa kanilang ginagawa. Anong grupo ito?
A: El Gamma Penumbra
B: Boy Scouts of the Philippines
C: Directioners

10: Kung hindi ka mapipiling running mate ng ating mahal na bise presidente sa 2016, sino sa tingin mo ang dapat maging VP candidate ng UNA?
A: Si Gerry Limlingan. Ilang buwan na niyang pinatutunayang never niyang ilalaglag si VP Binay. Super loyal siya.
B: Si Dr. Elenita Binay – para magtala siya ng record bilang kauna-unahang concurrent First Lady at bise presidente ng bansa. Binay-Binay! For the win sa 2016!
C: Si Noynoy Aquino. Opposites attract ‘di ba kaya perfect tandem sila: Inexperienced si Noynoy; experienced si VP; Bagong dugo si Noynoy, beterano si VP; hindi nagnanakaw si Noynoy, beterano si VP.

indexBonus Question
Sa pelikulang ‘Paano Ba Ang Mangarap’ nina Vilma Santos at Christopher De Leon, anong pangalan ang paulit-ulit na binanggit ng hysterical na si Ate Vi? Heto ang bahagi ng linya niya: “Wala akong pakialam! Ibalik mo sa akin si ________. Ibalik mo sa akin ang anak ko! Ibalik mo sa akin si ________. Ahhhhhhhh!” [Nahulog sa hagdan]
A: Jojo
B: Nancy
C: Junjun

Congratulations! Ang iyong pagsusulit ay nagtatapos dito. Hintayin ang tawag ng partido kung ikaw ay uusad sa ikalawang bahagi ng screening: ang panel interview. Again, don’t call us. We’ll call you.

Good luck at maraming salamat sa iyong pagtitiwala kay Vice President Binay at sa ating partido.
UNA sa balota!
UNA sa paglilingkod sa masa!
——————————————————————————————————————————-
“The man with the best job in the country is the vice-president. All he has to do is get up every morning and say, “How is the president?”
~ Will Rogers

july-6_rodSound Bites
“’Pag ako ang presidente, I will warn you I do not covet the position. ‘Pag naging presidente ako, magtago na kayo. ‘Yung 1,000 na ‘yan it would reach 50,000. I will kill all you [expletive] breaking the life of the Filipino miserable. Papatayin ko talaga kayo. D’yan mo makita tataba ‘yung isda sa Manila Bay. D’yan ko kayo itatapon.””
~Davao City Mayor Rodrigo Duterte

Stay safe. Always.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Binay 1: GMA News; Binay2: PhilStar.Com; Makati City Hall: Christian Bederico on Flickr; Makati poverty: Inquirer.net; Duterte: @mikevchua]

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: