Advertisements

AQUINO & BINAY… LIVE!

17 02 2015

LADIES AND GENTLEMEN, the President and the Vice President of the Republic of the Philippines….

1
AQUINO: Mga minamahal kong kababayan
BINAY: Mahal ko rin ho kayo mga kababayan. Doble pa.

Nagpasya kaming humarap sa inyo dahil sa mga pangyayari sa ating bansa ngayon.
Kung ako lang ho ang masusunod ay hindi ko gagawin ito. Nakikisama lang talaga ako.

Hindi po lingid sa inyong kaalaman, dumaraan sa matinding krisis ang aking administrasyon.
Technically, bahagi rin po ako ng administrasyon pero hindi ko naman masyadong ramdam ang tinutukoy na krisis.

Masakit pong mapagbintangang nagsisinungaling.
Alam ko ‘yan.

Pinagdududahan na rin nila ang aking mga pahayag.
Relate ako d’yan.

At kinukuwestyon ang aking kredibilidad.
Sanayan lang.

Hanggang ngayon, wala pa ring hinto ang mga puna at batikos.
‘Buti na lang ‘yong sa akin lumamig na.

Sa harap ng pagsubok na ito, isa lang ang tinitiyak ko sa inyo: hindi po ako magnanakaw!
Teka, ba’t naman napunta d’yan ang usapan? ‘Di ba Maguindanao ang isyu? Balik tayo do’n.

Ang mga maka-Kaliwang grupo, panay na panay ang bira sa akin.
Nabasa ko nga sa diyaryo.

Wala ka bang reaksyon sa sinabi ko Manong Jojo?
Hindi ko masyadong narinig ang sinabi mo. Sorry.

Pati mga obispong walang kibo sa corruption ni Arroyo noon, tinitira na rin ako ngayon!
‘Yan ang ‘di ko pa nabasa. No comment muna.

Tama po bang pababain ako sa puwesto? Tama po bang pilitin akong iwan ang sinumpaan kong tungkulin?
Sumagot kayo mga kababayan. Kayo ho yata ang tinatanong, hindi ako.

At kung susundin ko ang kagustuhan nilang ako’y magbitiw, sigurado ba silang matino ang papalit sa akin?
To be fair, wala pa naman silang binabanggit na pangalan. Huwag ka munang manghusga Noy. Hintayin muna natin.

Sa pagkakataong ito, nagpapasalamat ako kay Manong Jojo dahil hindi yata siya sang-ayong ako’y mag-resign.
Mabilis na ang one year Noy. Hindi naman ako gano’n kaatat. Kaya ko namang maghintay.

Manong, hindi ko puwedeng kalimutan ang suporta n’yo sa aking ama’t ina.
Salamat Noy.

Hindi ko rin puwedeng kalimutan ang paglaban natin noon sa kurapsyon sa pamahalaan.
Salamat Noy.

Ano hong nangyari?
Salamat Noy.

Hindi mo sinagot ang tanong ko Manong Jojo.
Hindi ko masyadong naintindihan ang tanong. Nagti-text ako. Pero tama ka. Malalim ang ating pinagsamahan.

Pareho tayong lumaban sa diktadurya.
Pareho tayong lumaban kay Gloria.

Pareho tayong may hacienda.
Gago ka.

Joke lang Manong! What I mean is, malayo na ho ang narating natin pareho. Mula Makati City… biglang naging pangalawang pangulo. Suwerte!
Namatay si Tita Cory, biglang naging presidente. Mas suwerte!

Ang nais ko lang iparating sa mga nanonood ngayon: kitang-kita naman po ninyo – matatag ang ating administrasyon.
Ahhh, kaya pala isinama mo ako rito.

Hindi naman sa gano’n Manong. Sama-sama po nating lalampasan ang krisis na ito.
‘Pag krisis n’yo, kasama ako? ‘Pag krisis ko, akin lang? Gano’n?!

Gano’n na nga ho, este… Inuulit ko, wala ho akong balak bumaba sa puwesto.
Try mo ring mag-isip-isip pa. Baka naman nabibigla ka lang. May time ka pa para mag-decide talaga with finality.

Tatapusin ho natin ang aking termino, at sa 2016, isasalin natin nang maayos ang liderato sa mahahalal na bagong pangulo.
Wow, thank you.

Ay! ‘Wag pakasigurado.
Gago.

Maraming salamat at magandang gabi po sa inyong lahat.
Sana nga.
————————————————————————————————————————–
“Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard
Oh take me back to the start”

~Coldplay, The Scientist

Pic of the Weak
According to the dictionary, an opportunist is a person who exploits circumstances to gain immediate advantage rather than being guided by consistent principles or plans. In other news, unseated Laguna governor ER Ejercito is doing a movie on the Fallen 44.

12Sound Bites
“Ang papel ni Norberto Gonzales, manggulo sa Pilipinas.”
~Sen. Antonio Trillanes on the alleged coup plot vs. Presidente Aquino

#PrayForEREjercito

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Aquino and Binay: Inquirer.Net;  ER Ejercito’s Facebook via ABS-CBN News]

 

Advertisements

Actions

Information

One response

17 02 2015
BrainRays

Hihintayin ko naman ‘yong address ni Coloma at Tiangco. LOL.

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: