DEAR CHARO… ISANG LIHAM MULA KAY KRISSY

3 02 2015

MAALAALA MO KAYA
Episode No. 1183
February 7, 2015

(Before you read the post, click this video for background music.)

“Tao akong hindi mapipigilan ang sarili na ipagtanggol ang mahal ko. I have friends who privately spoke to me about how they wished the President had done things differently. We listened to each other. We may not agree but at least we listened.”

Magandang gabi mga Kapamilya. May mga pagkakataong sinusubok ng tadhana ang ating pagtitimpi. Magsasalita ka ba at ilalabas ang iyong galit o magsusuot na lang ng statement shirt habang nagho-host ng iyong live na programa sa telebisyon?

Ang tampok na kwento natin ngayong gabi ay hango mula sa padalang liham ng isa nating masugid na manonood, si Krissy. Babasahin ko na ang kanyang liham.

WAIT LANG. Hindi ba kayo nagtataka? 2015 na pero may nagpapadala pa rin ng liham? Hindi ba pwedeng mag-email na lang or mag-blog ‘tapos i-tweet ang link? Anyway, ipagpapatuloy ko na…

Dear Charo,

Ordinaryong Huwebes lang ‘yon. Maagang natapos ang aking taping kaya…

Darlah, i-on mo nga ang TV. I think ngayon ang arrival honors for the slain policemen. Is Noy there in Villamor?

Wala Krissy. In fact, tinitira na siya sa social media. Nabasa mo ba ang Instagram posts at tweets?

No way?? Binabatikos na naman ang brother ko??? ‘Asan daw ba kasi si Noy?!

Nasa Santa Rosa raw; sa inauguration ng isang car plant. Sabi ng Malacanang, wala raw talaga sa sked niya ‘yong pagpunta sa Villamor.

Wala naman pala sa sked eh, so bakit sila nagagalit? Hay naku, these people talaga.

images
CHARO… pinalampas ko ang maghapong ‘yon at binalewala ang mga puna at batikos kay Noy. Instead, I condoled with the families of the victims. Pero nang sumunod na mga araw, hindi ko na talaga kinaya ang sumbat, paninira, pambabatikos, walang basehang mga atake, at pamemersonal sa kapatid ko. Worse, ilan sa kanila, mga friends ko pa sa showbiz. Nakakaloka. Ulitin mo Charo: NAKAKALOKA!

DARLAH! Have you seen Juday’s post on Instagram? Gosh… the nerve. Magparinig ba! I thought she’s a friend. She even guested on KrisTV to promote Bet On Your Baby ‘di ba? Darlah, unfollow mo nga! Now na!

Yes Krissy. How about Jomari Yllana? May post din siya sa Facebook.

Why? What did he say?

“Ikaw na ang pinaka-tangang presidente sa kasaysayan ng Pilipinas.”

Really?!!???? Jomari posted that? ‘Tapos hyphenated pa talaga ang “pinaka-tanga.” Hay naku! Care bears! ‘Wag na lang nating pansinin Darlah. Wala sigurong ginagawa. Wala naman siyang career ‘di ba? Deadma!

Wait! Julius Babao’s wife has something to say din Krissy.

Saang channel na nga siya? Anyway, go! Read it!

“Mas importante pa sa iyo ang nakaparadang mga kotse kasya sa mga nakaparadang bangkay ng mga bayaning SAF na nagbuwis ng buhay. Ang dahilan mo? ‘Wala sa schedule!’’”

Galit?! ‘k. Unfollow!

You don’t follow her Krissy.

Mas bongga! Wala na? Sila lang ang galit kay Noy?

There’s one more Krissy. ‘Yong idol mong si Regine Velasquez, ang sabi… dapat daw “gracious” si Presidente Noy sa mga ganitong pagkakataon.

She said that?????

Yes Krissy.

How did she say it: “grey-shoes” o “grey-shas?”

Sabi niya, “Grei-shessh.”

Ah, ok. UNFOLLOW! Pati si Ogie, UNFOLLOW! Grei-shessh pala huh! Hmpf!

CHARO, this has been a bad week for the country but an even worse week for me and my brother. For the first time on Instagram, sunud-sunod ang Biblical quotes na ipinost ko. Kinabog ko si Miriam Quiambao. Ito ang screen cap para maniwala ka. Kung ‘di mo mabasa, tumatanda ka na talaga, Charo.

1Q

Pero ayaw talaga nila akong tantanan. Those bashers just won’t stop. Kaya last Sunday, I posted this.

1IG

“Good night IG friends, I love you all!”
“Good night IG bashers, super close na talaga tayo!”

Medyo sarcastic Charo and how childish of me, pero what else can I do? Inaatake na ako ng haters ni Noy, inaatake pa ako ng supporters niya! LAHAT NA LANG SILA. Nakakaloka! That’s the reason why I had to wear this shirt on A&A last Monday.

1shirt

“How beautiful it is to stay silent when someone expects you to be enraged.”

Winnerrrrr! Pina-rush ko pa ‘yan para umabot sa show. But guess what? Binatikos pa rin nila ako at hinanapan ng ibang interpretasyon ang nakasulat sa aking shirt! Gano’n ba ako ka-bad?!? Sumagot ka Charo! Do I deserve this loathing? Charo, I just would like to reiterate, hindi EPAL si Noy. Hindi insensitive ang kapatid ko. Ang kapatid ko ay tao, hindi isang demonyo! Some bashers even complained, wala raw compassion si Noy sa mga namatayan. Akala n’yo lang wala! Pero meron! Meron! This will be the last time I am going to talk about this issue Charo. Ako na ang magpapaubaya. Oo, ako na! Ako na ang mag-isa! Ako na ang mag-isang nagtatanggol kay Noy! At the end of the day, kapatid ko pa rin siya. At sino pa bang magdadamayan kundi ang magkakapamilya? I’m sure you’ll agree Charo. Sure na!

DARLAH, matanong nga kita. Be honest. You think, Noy should have been present at Villamor Airbase last Thursday?

Alam mo Krissy, importante rin ‘yong inauguration ng planta sa Laguna. Tama lang na nag-attend siya do’n. Pero mas ok sana kung inuna niya ang pagsalubong sa SAF 44. Mali naman talaga ‘yong excuse na wala sa sked. Hello! Bawal baguhin ang sked? Lilindol kapag binago?! Tama ang sabi ng ilang netizens eh: Pwede bang i-sked ang pagkamatay ng mga pulis? In short, yes, dapat sumalubong si Presidente sa Villamor.

Ano ngang Instagram account mo Darlah?

@DarlahSauler. Why Krissy?

UNFOLLOW! Bye!

(Press mo ulit ang music para mas ramdam ang ending)

CHARO:
Palagi nating ipinapaalala, walang perpektong tao sa mundo. Lahat tayo ay nagkakamali. Ngunit mababawasan ang hapding dulot ng pagkakamaling iyon kung matututo tayong umako ng responsibilidad.

Isang kahungkagan kung ituturing mong kaaway ang lahat nang taong ‘di sumasang-ayon sa iyong pananaw. Sa halip, pakinggan mo ang kanilang mga sinasabi upang matukoy mo rin ang iyong mga kahinaan. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ka ng panahong punan ang iyong mga pagkukulang, at pagkakataong ituwid ang mga baluktot na asal.

Ewan ko. Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung bakit biglang naging seryoso ang aking closing.

Inuulit ko, mula sa susunod na Sabado ay hindi na po ako tatanggap ng liham na nasa sobre. Mag-email na lang kayo please. Tigilan na natin ang kadramahan ng liham-liham na ‘yan.

Bago ako magpaalam, nawa’y mahulaan n’yo ang episode title natin ngayong gabi. Nasa baba ang sagot. Sayang din ang 1000-peso load. Good luck!

Ito po si Charo Santos, maraming salamat at magandang gabi, Kapamilya.
.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“INSTAGRAM”
.

.
.
———————————————————————————————————————————
“Sometimes you just have to know when the battle you’re fighting is one best walked away from, than fought to the cold, bitter end.”
~A.J. Darkholme, Rise of the Morningstar

Sound Bites
“With freedom of speech comes freedom of choice. As I said, just by continuing to read #justsaying posts condemning my brother, I will also end up having my #justsaying piece, hahaba lang. Walang magandang pupuntahan.”
~Kris Aquino /via Instagram

Have a peaceful week!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Aquino&Abunda Tonight, Kris Aquino’s Instagram]

Advertisements

Actions

Information

7 responses

3 02 2015
Bennix Baygas

hahaha as usual napatawa mo nanaman ako mr heckler .lols

Like

4 02 2015
E. Azucena

Reblogged this on Everything Mundylicious! and commented:
Super funny! 👌😅😅😅

Like

4 02 2015
Tez Enriquez

you really expect Kris to say differently??? hello!!! jan xa sumikat. period.

Like

5 02 2015
Omar Itay

Dapat nga siguro ini-email na ang mga liham kay Madam Charo.

Like

5 02 2015
rojan88

ang kulit ng ending, naging serious. hehehehe. pero malaman. 🙂 nice one

Like

6 02 2015
Danny Barcelon

Bakit, nasa schedule ba ang pag-kamatay ng ating mga mahal na bayaning pulis? Ah kung ganun dapat i set sa schadule ni pinoy kung kaylan may mamatay para naka set sa sched niya! God Bless to you na lang Kris! 😳

Like

7 02 2015
Homer Zerrudo

With all the negative publicity raised by her cornetto-like comments, Kris ought to really consider a positive spin vis-a-vis the volume/variety of her communication. Here’s one: establish a compost pit outside her home studio to which she can deposit the output (an onomatopaeic word in this instance) of her daily diarrhea-mouth. Promote methane production with Mr Abunda’s publicity skills.
.

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: