Advertisements

FEARLESS PREDICTIONS [TAKE A GUESS]

31 12 2014

DAHIL SA MASELANG tema ng mga sumusunod na hula, mananatiling lihim muna ang pagkakakilanlan ng mga taong sangkot. Hulaan n’yo na lang!

Untitled
1: Sa ‘di inaasahang pangyayari, magpapang-abot sa iisang lugar ang misis ng isang pulitiko at ang matagal na nitong ibinabahay na kabit. Bagamat may tensyon, magiging kalmado ang sitwasyon dahil kasama ng kabit ang mga anak nila ng pulitiko. Mag-uusap sina misis at ang kabit na parang walang pagtataksil na nangyari. Awkward. [Hint: Vatican City]

2: Tatanggapin ng isang opisyal ng gobyerno ang alok na pagtakbo sa isang mataas na posisyon. Pagsisisihan niya ito. Kakalkalin ng kanyang mga kalaban ang kanyang personal na buhay. Pagpipiyestahan ng publiko ang kanyang kontrobersyal na buhay-pag-ibig at hahantong ito sa pagco-cool off nila ng kanyang kasintahan. Sad. [Hint: South America]

3: Isang babae ang lalabas upang idetalye ang naging affair nila ng isang may-asawang pulitiko. Kukuwestyunin ang intensyon ng babae at pagbibintangan itong nagpapagamit sa mga kalaban ng pulitiko. Malaking damage sa imahe ng pulitiko ang idudulot ng paglantad ng nasabing babae. Aalukin nila ito ng malaking halaga kapalit ng pananahimik. [Hint: Nativity Scene]

3
4: Magpu-propose sa kanyang girlfriend ang isa pang pulitiko bago matapos ang taon. Sa harap ng marami pang pagdadaanang pagsubok sa pulitika ngayong 2015, kakailanganin niya ang isang taong magpupuno sa kanyang emosyonal at sekswal na pangangailangan. [Hint: Paano Ba Ang Mangarap]

5: Sasamantalahin ng isang personalidad ang tinatamasa niyang kasikatan upang pasukin ang pulitika. Gagamitin din nitong batayan ang mainit na pagtanggap sa isang malaking event recently upang tuluyang makinig sa udyok ng mga nakapaligid sa kanya. Mali ang kanyang magiging desisyon. Ire-reject siya ng mga botante. [Hint: Big Ben]

6: Hindi pa tapos ang kamalasan ng isang pulitikong mula sa isang kilalang angkan. Sasampahan siya ng patung-patong na kasong katiwalian bago matapos ang 2015. Madadamay sa asunto ang kanyang maybahay na nasa larangan din ng pulitika. [Hint: Michael Crichton]

3
7: Aamin ang isang struggling male model sa naging relasyon nila ng isang high-profile male politician. Hindi siya paniniwalaan ng publiko dahil wala sa imahe ng kanyang ex-lover na pulitiko ang papatol sa kapwa lalaki. Ngunit isang sikat na male TV host ang magpapatunay na kahit siya ay niligawan ng nasabing pulitiko. Binasted niya ito. Hindi kaya alam ni misis ang extra-curricular activities ng kanyang mister o nagbubulag-bulagan na lang siya dahil mahal na mahal niya ito? [Hint: Victoria’s Secret]

8: Hindi tutupad sa kasunduan nila noong 2013 ng mas nakababatang pulitiko ang iniidolong politician. Hindi ito magpaparaya sa 2016. Sa halip, isang miyembro ng pamilya nito ang tatakbo sa pwestong matagal nang inaasam ng nakababatang pulitiko. Masama man ang loob, mapipilitang tumakbo sa mas mataas na posisyon si nakababatang pulitiko. Matatalo ito. Lalong sasama ang kanyang loob. [Hint: University of the Philippines]

2
9: Magkakaroon ng Part 2 ang relasyon ng isang pulitiko at ng isang kilalang tao sa lipunan. This time, mas magiging seryoso na si pulitiko. Malapit na kasi ang pagpapa-file ng certificate of candidacy. Malaking tulong ang pagkakaroon ng kasintahang malakas ang hatak sa publiko. [Hint: Baptism]

10: Tuluyang magwawakas ang alyansa nina Influential Politician 1 at Influential Politician 2. Ang magiging mitsa nito ay ang ‘di inaasahang endorsement ni Politician 1 kay Politician 3 – ang mortal na kaaway ni Politician 2. [Hint: January 6]

11: Mali-link ang pangalan ng isang reporter sa kinu-cover nitong popular na pulitiko. Hindi ito ikatutuwa ng misis ni pulitiko at ipagbabawal sa mga events ng kanyang asawa ang nasabing reporter. [Hint: World Capital]

12: Sa isang social media post, a scion of a political family will be more open about his relationship with a guy. Hindi na ito bago. Mas inaabangan ang pag-amin ng kanyang ama. [Hint: Down South]
——————————————————————————————-
“I never assume anything. I anticipate the possibilities and allow my imagination to create the future.”
~Lionel Suggs

photo
Thank You!
According to WordPress’s annual blog report, my readers come from 200 countries. So to all of you – from Afghanistan to Zimbabwe, thanks for keeping me company in 2014!
Happy New Year!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: 1: Jantoo.Com; 4: Lively Lawyer.Com; 7: Polyvore.Com 9: Hiking Artist.Com]

Advertisements

Actions

Information

3 responses

31 12 2014
Marga Dela Cruz

Hirap ng hints! $8 & #9 lang nahulaan ko

Like

1 01 2015
derdo

More clues!!!

Like

2 01 2015
clinquantlife911

#5 Big Ben … when the clock strikes 12.. what do you hear?

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: