Advertisements

THE PRESIDENT’S CHRISTMAS MESSAGE

22 12 2014

Christmas Message
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
[Taped last December 20, 2014 at the Rizal Ceremonial Hall, Malacañan Palace]

seal2
Mga minamahal kong kababayan,

Kaisa n’yo po ako at ang aking Gabinete gayundin ang mga lingkod-bayan sa ating pamahalaan sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Sa kabila ng maraming pagsubok na pinagdaanan natin ngayong taon, ako ay humahanga, nagagalak at nagpapasalamat dahil nakatayo pa rin tayong lahat at sama-samang sasalubungin ang isang bagong bukas.

Ang kwento ng Pasko ay hindi nalalayo sa mga pangyayari sa ating paligid.

Ipinakita ng tatlong haring mago ang debosyon sa bagong silang na manunubos sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga regalo. Ganyan din po ang ginawa ni Secretary Butch Abad, ang mamahagi, sa abot ng kanyang makakaya at kapangyarihan, ng pondo sa mga mambabatas para sa ikabubuti ng kani-kanilang nasasakupan.

Ang mga haring dumalaw kay Hesus ang dapat nating tularan – hindi ang tatlong taong ‘di ko na papangalanan – sa halip na magbigay ay sila pa ang kumukuha ng salapi ng taumbayan. Ang resulta – magpa-Pasko sila sa kulungan. Salamat sa Sandiganbayan.

index
Si Hesukristo ay isinilang sa sabsaban upang maging halimbawa ng kababaang-loob at simpleng pamumuhay. Walang aircon units, walang music studio, walang WiFi, walang jacuzzi at lalong walang sex toy.

Nang maganap ang banal na pagsilang, ang nasa paligid nina Jesus, Maria at Jose ay mga pastol, mga tupa, at mga tuyong tangkay ng halaman at dayami. Walang orchid garden, walang rancho ng kabayo, walang cock farm, walang swimming pool, walang mansion, at lalong walang airconditioned piggery.

Katulad ng mga bituing naging gabay ng mga pantas patungo sa sabsaban, kailangan din po ng mga Pilipino ang patunubay tungo sa magandang kinabukasan. Upang makatiyak na tuwid na daan ang ating tatahakin, hindi lamang isa, hindi lamang dalawa kundi tatlong tala ang kakailanganin. Paki-click na lang po ang image na ito upang makita n’yo ang ibig kong sabihin.

Ngayong Pasko, marapat lamang nating isabuhay at pahalagahan ang mga nagawa ng Panginoon. Gamitin nating ehemplo ang anak niyang si Hesus sa araw-araw nating pamumuhay. Hindi man po sa pagmamalaki, ginagawa ko na po ‘yan. Single si Hesus, single pa rin ako. Ako na ang mabuting Kristiyano!

Sa huli, samahan n’yo po ako sa isang panalangin. Nawa’y ang mga taong nasa panig ng kadiliman ay magising sa katotohanang hindi kailanman magtatagumpay ang kasamaan. To quote John 8:12 And Jesus said, “I am the light of the world. Whoever follows me will not walk in darkness, but will have the light of life.”

Mar my words! Totoo poe ‘yan!

Isang maligayang Pasko at masaganang bagong taon po sa inyong lahat!

1PASKO
P.S. Suportahan po natin ang pelikulang Feng Shui 2 ng kapatid kong si Kris, an official entry to the 2014 Metro Manila Film Festival. Kakaiba po ang ginawa niyang pagtili sa sequel na ‘yan. In short, pinaghirapan po n’ya ang proyekto. Suportahan naman natin. #FengShuiforBestPicture #AwardsForCocoandKris #TopGrosser #Number1 #surena #PraybeytBenjaminBasura #BimbyFortheWinThough

.
.
.
[Photos: Gov.Ph, CrystalLinks.Com, AlanBandy.Com]

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: