HOROSCOPE & POLITICS (MGA HULA AT BABALA)

4 11 2014

WHAT FUTURE awaits our leaders? Narito ang ilang hula at babala batay sa galaw ng mga planeta.

UntitledPresident Noynoy Aquino
Birth: Feb. 8, 1960
Sign: Aquarius
Status: Coping
Ang iyong love life ay katulad ng pamumuhay ng maraming Pilipino: walang pagbabago. Single ka pa rin ngayong Pasko. What’s new? ‘Di bale, susuwertehin ka naman sa taong 2010. Ay, tapos na pala. Sorry. Mauulit ang suwerteng ‘yan after 76 years.

Vice President Jejomar Binay
Birth: November 11, 1942
Sign: Scorpio
Status: Panicky.
Huwag pansinin ang batikos ng mga kalaban sa pulitika. Inggit lang ang mga ‘yan dahil mas malawak ang lupain mo kaysa sa kanila. Huwag ikahiya ang mga ari-arian.

Antonio Tiu
Birth: Unavailable
Sign: Unavailable
Status: In Big Trouble
Patuloy ang dating sa ‘yo ng magandang kapalaran. Matutuklasan mong ikaw rin pala ang may-ari ng Spratly Islands. Magpa-notaryo.

UntitledDILG Sec. Mar Roxas
Birth: May 13, 1957
Sign: Taurus
Status: Hoping.
Good news! Ayon sa mga planeta, for the second time ay magiging ama ka. Bad News: Hindi si Korina ang ina! Kabahan.

Sen. Juan Ponce Enrile
Birth: February 14, 1924
Sign: Aquarius
Status: Nagsusumixteen
Huwag pansinin ang mga puna at kritisismo sa mga choices mo sa iyong buhay. Buhay mo ‘yan! Sundin ang itinitibok ng puso. Sa edad mong ‘yan, what’s to fear? Stay in love.

UntitledMayor Junjun Binay
Birth: July 12, 1977
Sign: Cancer
Status: Dating
Magiging isyu sa mga susunod na araw ang iyong kalusugan. Kailangan mong mag-ehersisyo. Sa halip na mag-elevator sa loob ng bahay, maghagdan na lang.

Gloria Macapagal-Arroyo
Birth: April 5, 1947
Sign: Aries
Status: Plenty no more
Wala kang maaasahang house arrest sa ilalim ng administrasyong ito. Or in this lifetime. ‘Wag umasa.

Cong. Manny Pacquiao
Birth: December 17, 1978
Sign: Sagittarius
Status: Eveywhere
Tanggapin ang katotohanang hindi para sa ‘yo ang professional basketball at TV hosting. Nagsisinungaling ang mga taong nagsasabing mag-i-excel ka sa dalawang fields na ‘yan. Binobola ka lang nila. Gumising!

UntitledSen. Nancy Binay
Birth: May 12, 1973
Sign: Taurus
Status: Baking
Makipagbati sa mga taong nakasagutan o nakasamaan ng loob lately. Cake lang ang katapat n’yan!

Jim Paredes
Birth: August 31, 1951
Sign: Virgo
Status: Luffa
Deadmahin ang mga death threats sa Twitter. Mas malaki ang posibilidad na mamatay ka sa inis sa kababasa sa mga hirit ni Nancy Binay.

Cong. Edgar Erice
Birth: June 15, 1960
Sign: Gemini
Status: Politicking
Kulang pa ang iyong ingay at pogi points para isama ng LP sa senatorial slate nito sa 2016. Konting effort pa.

Untitled
Binay spokesman and Cavite Governor Jonvic Remulla
Birth: October 24, 1967
Sign: Scorpio
Status: Semi-governor
Sa 2016, muli kang tatakbo sa pagka-gobernador ng Cavite. Ikaw ang makakakuha ng pinakamalaking bilang ng boto… sa Makati. Sorry, invalid ang votes. Not counted.

Camarines Norte Gov. Edgar Tallado
Birth: Unavailable
Sign: Unavailable
Status: Do Not Disturb
Matatalo ka sa susunod na eleksyon. Ngunit ‘wag mag-alala. Maraming trabahong naghihintay sa ‘yo sa labas ng pulitika. Halimbawa: Acting. Magiging bold actor ka.

Jinggoy Estrada
Birth: February 17, 1963
Sign: Aquarius
Status: ChickBoy
-AND-
Bong Revilla
Birth: September 25, 1966
Sign: Libra
Status: It’s Really Complicated
Wala kayong horoscope. Wala ang mga planeta. Umalis! Tulog!

UntitledKris Aquino
Birth: February 14, 1970
Sign: Aquarius
Status: Looking.
Mapagbiro talaga ang tadhana. ‘Yong inaakalang mong pag-ibig na ‘di makita-kita, nasa tabi mo lang pala. Bago matapos ang taon ay aamin siya sa tunay niyang nadarama. Ang kanyang pangalan ay… Darla.
—————————————————————————————————–
“It is not in the stars to hold our destiny but in ourselves; we are underlings.”
~William Shakespeare

Sound Bites
“Kung [sa] palagay niya [ay] may kulang, miyembro siya ng Gabinete, abisuhan niya kami. Kung [sa] palagay niya [ay] mali ang direksyon namin, malaya siyang ‘di sumama sa ating kilusan.”
~President Aquino reacting to Vice President Binay’s recent criticism of his administration

Untitled
“For people to argue against this choice for sick people really seems evil to me. They try to mix it up with suicide and that’s really unfair, because there’s not a single part of me that wants to die. But I am dying.”
~Brittany Maynard, 29 of Portland, Oregon, a terminally-ill woman who decided to end her life, under Oregon’s Death with Dignity Act – by taking a fatal dose of barbiturates, prescribed to her by a doctor

Poll Results
Ha;llo
Have a sweet November!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Inquirer.Net, Mar Roxas Blogspot.Com, GMA News.Com, News Flash.Org. Kris Aquino/Instagram]

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: