Advertisements

ALAM MO NA! [Krissy For You, Super Mario atbp. Kwento]

20 09 2014

“NAKAKALOKA! Akala ako it was Ondoy all over again! Ganito ang nangyari Darla.

1KA
I slept at around 11:45PM last Thursday kasi nga it was starting to rain na and ‘bed weather’ talaga. Maaga namang natulog ang mga bagets ‘tsaka early ang taping ko the next day so I decided to sleep na rin. Paggising ko ng 7AM, gosh, it was still raining hard and flooded na raw ang Metro Manila. So I texted Darla to inform her na magpapatila lang ako nang konti. Pero naloka ako nang bonggang-bongga dahil 10 o’clock na, umuulan pa rin. And the news was like, grabe! It was baha na raw everywhere. Hindi ko kinaya si typhoon Mario! Walang tigil! Parang bibig ko lang. Aha-ha-ha!

Dahil stranded naman ang mga tao sa kani-kanilang mga bahay, at canceled ang taping namin, I decided to answer na lang the issues hounding me. Oo! Hounding me talaga. Bakit? Eh talaga namang maraming isyu about me eh. So sasagutin ko na lang here para matapos na.

But first, allow me to salute ABS-CBN News for this timely and relevant story. Promise, nakasalalay rito ang GNP growth ng Pilipinas sa susunod na quarter. Ito ‘yon.

1BUL

He’s so kawawa. I mean, look at those eyes. I can’t imagine myself inside that car for 11 hours. It’s so matagal! If I were him, I would have probably died. Kawawa naman si Bimby ‘tsaka si Josh. ‘Tapos wala nang magtatatanggol kay Kuya Noy. I can’t even. As in! So, to that boy in the car, if you’re reading this, I hope you got home safely. Winner ka huh! Na-news ka pa!

Wait! Gusto nga raw palang mag-hi ng mga taga-Tatalon, Quezon City.

1
Moving on… last Thursday, I was invited by Tito Jojo Binay sa PICC for his speech. You know naman, I’m really close to his daughter Anne. And the Binays are loyal to my mom. Alam mo na! Kaya lang, I thought baka magalit sa akin si Kuya Noy at sabihan na naman ako, “Kristina, ‘wag ka na sabing makialam sa pulitika. Cough. Cough. Cough.” Aha-ha-ha As if naman makokontrol niya akong magsalita ‘di ba? Anyway, nagsabi ako kay Tito Jojo na ‘di ako makakarating. Buti na lang, nando’n sina Tito Butz, Tito Peping at Tita Tingting so keri lang na wala ako. Well-represented naman ang both sides ng family so bongga!

Sa mga nagtatanong kung anong stand ko sa corruption issue against the Binays… ito lang ang masasabi ko: Care bears! Ang importante, we support each other at tumatanaw kami ng utang na loob sa isa’t isa. Besides, Tito Jojo is an action man! Last Friday nga, siya ang unang nag-distribute ng relief goods sa mga typhoon victims. Hindi nagsisinungaling ang evidence. Look!

1InaAndolong

Overpriced din kaya ang eco-bag? Joooke! Aha-ha-ha! By the way, I’d like to thank nga pala Nancy for the cake and silvanas she sent last night. Naloka naman ako sa sobrang taas ng cake mo! Eleven tiers talaga?!? World class?!? Sa sobrang taas ng cake, chineck ko tuloy kung may elevator. Aha-ha-ha You’re so sweet. Love na kitaaaa!

1KH
I’m so happy right now kasi Boy is so back. He lost a few pounds pero keri lang. Lalo ko siyang na-appreciate, promise. Sana na-appreciate din niya ang gift kong Hummer. At sa mga bumabatikos sa akin for announcing it to the world, mamatay kayo sa inggit haters! I mean, it’s just a Hummer, you know. What’s wrong with spending a few millions for a dear friend? Pinaghirapan ko ang perang ‘yon at hindi ninakaw. ‘Tsaka it’s not the first time na nagbigay ako ng sasakyan sa kaibigan. Hellllo! May donor’s tax pa ‘yan! I’ll pay for it so may kontribusyon na naman ako sa government! Kaya pleaaaaase, enough of the inggit and bitterness. Hellllllo!

Speaking of nakaw, laugh ako nang laugh sa kumakalat ngayong pic sa Facebook. May nakawala raw senador sa kulungan! Ayokong sabihin kung sino sa kanilang tatlo. Bahala na kayong mag-decide. Aha-ha-ha!

1FBpig
Gusto ko nga palang i-clarify ang lumabas na blind item sa column ni Tito Ricky Lo. The impression that I got was HP daw ako these days because of Toni Rose Gayda’s ex-husband Moonie Lim. Kasi naman post ako nang post ng pictures ng flowers na ipinapadala niya. So feeling ko tuloy, umasa siya. Can I just be honest? Hindi ko s’ya type. Sorry. Basta. I need not explain. You know naman my exes: Alvin, Philip, Joey, and James. Ayaw ko nang mag-elaborate. Refer na lang to this infographic. Aha-ha-ha.

Sa mga bashers na madalas akong sabihang malanding-malandi at sabik na sabik sa lalaki… this time, MALING-MALI kayo. OA naman ‘yong “sabik na sabik!” Sabik lang! Aha-ha-ha No, seriously, kuntento na ako sa kung anumang meron ako ngayon. Pero sana balikan ako ni Mayor Herbert. Promise!

Before I end, somebody’s asking nga pala kung ano raw ang masasabi ko sa paglusong ni Korina sa baha at pagsakay niya sa pedicab while reporting. NR! I’ve seen that padyak before. ‘Tsaka ayokong maging plastic ‘no! NoyBi kami forever. Unless… magpadala ng 15-tiered cake si Ate Koring – with world-class escalator. Aha-ha-ha!

1KS

Abangan n’yo nga pala ang sequel sa blockbuster movie kong ‘Feng Shui’ – ito po ang official entry ko sa Metro Manila Scream Festival. Hoy! ‘Wag n’yong maliitin ang project kong ‘to! Ang laki ng hirap ko rito! Bawat eksena, tumitili talaga ako. Mapa-drama, aksyon, comedy o intimate scenes, scream pa rin ako nang scream. Kaloka! Aha-ha-ha! SANDALI. O, Yaya, ba’t nand’yan ka?

Ma’am Krissy, may dumating pong flowers. Galing yata sa buylit n’yo. Hihihi

Gaga! Boylet!!! Sige, susunod na ako. O, I have to go na. Will take photos pa of the flowers para ma-post ko sa Instagram. Alam mo na! Love! Love! Love! Aha-ha-ha!”
—————————————————————————
“Thirst for attention is a cry of loneliness.”
~Toba Beta

Sound Bites
“Mga kababayan, mga kapwa ko Pilipino, sama-sama tayong lalaban sa kahirapan. Sama-sama tayong lalaban sa pagdurusa na hinaharap natin araw-araw. Sama-sama tayong lalaban sa takot na dulot ng kriminalidad. Sama-sama tayong lalaban sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sama-sama tayong lalaban sa problema ng ating mga kabataan Walang atrasan. Lalaban tayo para gumanda at guminhawa ang buhay ng bawat Pilipino.”
~Vice President Jejomar Binay, 9.18.2014

Have a safe weekend!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Dane Alegana/Kris, ABS-CBN News, GMA News, @InaAndolong-News9, Kris Aquino IG, Girlie Rodis-@ShowbizManila]

Advertisements

Actions

Information

One response

20 09 2014
Binibining Melanie

Ahahaha! Nakakaaliw si ‘Krissy’. Mas love ko siya sa totoong Krissy aha-ha-ha *jowk*

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: