Advertisements

EXCLUSIVE: CONVERSATION WITH A CAKE

28 08 2014

IT’S BEEN in the news for two weeks now. Detractors accuse the Binays of profiting not just from an alleged overpriced car park building but from thousands of cakes being given to the city’s geriatric citizens who are celebrating their birthdays and golden wedding anniversaries. Reports say the city hall spends almost P20 million pesos on cakes alone.

In the interest of fair reporting, we tried our best to get the side of Makati City Hall. Luckily, one cake agreed to be interviewed on condition that the celebrator won’t be identified. Here’s the transcript of our conversation.

1ck
Good morning Ms. Cake!

Ms Cake?!? May gender na pala ang food ngayon? Hindi ako na-inform.

Ok, Cake na lang. Sorry naman. Kumusta ka na?

Heto, sweet pa rin.

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Diretsahan na. Since taga-Makati City ka, totoo bang si Nancy Binay ang nagbi-bake ng cake na ipinamimigay sa mga matatanda ng lungsod?

That’s preposterous!

Wow, anong ibig sabihin no’n?

Sige, iba na lang. That’s unfair! Paninira lang po ‘yan kay Ma’am Nancy. Ang totoo po n’yan, sinubukan niya talagang mag-OJT sa gawaan ng cake ng Makati. Kaya lang, hindi talaga niya forte ang pagluluto. Laging sunog ang finished product.

Wait lang. Konting ingat sa paggamit ng mga salita. Baka maakusahan ka ng pangungutya sa panlabas na anyo. So, wala ring katotohanan ang tsismis na siya ang in-charge sa pamamahagi ng cakes?

Not that I know of. Kung totoo man, wala akong ebidensya. Ang alam ko lang, malakas daw siyang kumain ng cake.

Talaga? Anong flavor ang paborito niya?

Black Forest.

‘Yan ka na naman! Tigilan mo na sabi ‘yang patama sa kulay niya. Eh si Mayor Junjun, mahilig ba sa cake?

Nope. Iba ang trip no’n. Brownies.

Nabanggit ba ng mga Binay kung bakit kayo ang ipinamimigay sa mga senior citizens? Pwede namang basket of fresh fruits ‘di ba?

Para ka namang tanga. Birthday no’ng matanda, tapos prutas ang ibibigay mo? Cake dapat! Ang prutas, pwede nilang bilhin sa tabi ng kalye; nagkalat lang. Pero ang cake, mahal. Alin sa tingin mo ang mas maa-appreciate ng mga residente ng Makati? Siyempre cake! ‘Tsaka kung prutas ang ibibigay mo, hindi ka pa sure kung maasim o matamis ito. Eh kung cake ‘yan, iba ang dating. Sweet si Mayor. Plus 50 Pogi points!

Pero ‘di ba unhealthy ang cakes sa mga matatanda?

I know. But at their age, why worry?

Ang mean mo naman.

On the contrary, marami akong napapaligayang matatanda. Kung may reklamo ka sa pagiging unhealthy namin, sabihin mo kay Mayor. ‘Wag mo akong pinupulitika.

Wow! Mr. Vice President ikaw ba ‘yan? Anyway, usung-uso ang Ice Bucket Challenge ngayon. Si VP, ni-reject na ang challenge. Sa tingin mo ba, papayag sina Junjun at Nancy?

I don’t think so. Ang dinig ko mas gusto nilang gawin ang Icing Bucket Challenge.

Icing? Ang gastos naman no’n.

Ok lang! World class icing naman ang gagamitin. ‘Tsaka hindi lang naman isang buhos ang gagawin. May Phase 1, Phase 2, Phase 3 hanggang Phase 5.

Sosyal! So, magkano raw ang idu-donate nila?

P2.7 billion.

Yamaaan! Iba talaga kapag Makati. Sana matuloy! Sanga pala, may ipapakita akong ilang pictures ng mga taong nag-Ice Bucket Challenge. Ano kayang masasabi mo? Unahin na natin ang matinding kalaban ng mga Binay – si Sec. Mar Roxas.

1MR
Hmmm… wala naman akong masabi sa pagiging consistent niya. Pati gamit na timba, blue!

Heto naman ang kaibigan ni Secretary Mar na si Finance Secretary Cesar Purisima.

1CP
La Salle?! ‘k.

Oo nga pala. UP graduate ang mga Binay. Lastly, anong masasabi mo kay Secretary Leila De Lima?

1ldl
Unfair talaga ‘yang si De Lima. Dala-dalawa ang timba n’ya! Makatarungan ba ‘yan? At ang lakas ng loob niya huh! Other officials pail in comparison.

Bago tayo magtapos, kailangang maglaro muna tayo. Noong makausap ko ang payong ng iyong mayor last year, naglaro siya ng ganito kaya’t obligado ka ring gawin ito ngayon. Mga readers lang natin ang makakaalam ng ating mystery word. Ikaw ang huhula. Your timer starts now. [MYSTERY WORD: “Junjun”]

Bagay?

Hindi.

Lugar?

Hindi!

Animal?

Pwede.

Tao?

Oo!

Hayop na… tao pa?!? Ano ‘yon, Hello Kitty?!

Hindi!

Tao?

Oo nga!

Malaki?

Sakto lang.

Makati City Hall Car Park??

Sabi ko tao; hindi gusali!

Maliit?

Parang.

Maputi?

Ha-ha Hindi!

Maitim?

Pwede.

Brownish?

Oo!

‘Di kalakihan tapos brownish?

Oo.

Choco roll?

TAO NGA EH!!!! Ang kulit.

Kilala ko?

Oo!

Close sa akin?

Of course!

Panadero?

Hindi!

Pulitiko?

Oo!

Brownish na pulitiko??

Oo!

Joey Salceda!

Hindi!

Lalaki ba?

Oo.

Ay, sorry. Lalaki nga pala. Maliit?

Paulit-ulit????? Oo!

Pulitikong maliit?? Alam ko na! Herbert Bautista!!!!

Hindi! Sayang, time’s up na. Hindi mo nahulaan. Anyway, ano na lang ang message mo sa mga Binay?

Kay Mayor Junjun… maraming salamat po sa pagbibigay n’yo sa amin ng chance na magpasaya ng matatanda sa Makati. Huwag po kayong susuko. Alam naming pinupulitika lamang kayo. Inggit lang ‘yang mga taga-Taguig dahil wala silang milyones na budget para sa cake.

Kay Vice President Binay naman… Kapag nanalo ba kayong presidente sa 2016, bibigyan n’yo rin ng birthday cake ang lahat ng senior citizens sa Pilipinas? Grabe! Ang dami po no’n. Tiba-tiba! Jooooke!

And lastly, kay Ma’am Nancy, miss ka na po namin. Mula kasi nang manalo kayong senador, bihira na kayong dumaan sa bakery. Good luck po sa inyong bagong trabaho d’yan sa Senado. Just dough it!

Ikaw lang ang Cake na madaldal. Ang haba naman ng messages mo. Ano ito, awards night?

Mas mahaba pa rin ang interview na ‘to! ‘Di pa ba tayo tapos?

Ang bilis mo namang mapagod!

Eh kasi nga mataas ang sugar ko.

Sweet!
———————————————————————————————–
“I’d choose truth over cake but I’d try to find a way to get both to be honest.”
~Craig Benzine

Sound Bites
“Sanay akong humarap sa mga kaso na pawang isinampa ng mga tinalo namin sa halalan. At nais kong ulitin na hanggang ngayon, wala akong kaso sa Sandiganbayan.”
~Vice President Binay

Have a fun and safe weekend!

[Photos: UnsealingTheManilaEnvelopeBlog, ANC ]

I am on Twitter: @HecklerForever.

Advertisements

Actions

Information

One response

29 08 2014
Deelight

‘Di kalakihan tapos brownish?

Oo.

Choco roll? <<< HAHAHA grabe benta!

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: