WE’VE ALL HEARD President Aquino’s fifth State of the Nation Address. Everyone has an opinion about it. Even the pending Freedom of Information Bill has reacted.
But before President Aquino’s speech, there was the sideshow – the ‘SONA fashion’ and the Red Carpet – where the country’s wealthiest and most influential made a short stop and posed for news crews.
Here are some of the things overheard at this year’s SONA fashion event:
Heart Evangelista: Love, nabasa mo ba ‘yong isang tweet? Para raw tayong mag-tiyo!?
Sen. Chiz Escudero: Hayaan mo na. Baka mommy mo lang ‘yon!
Laguna Rep. Sol Aragones: Wala akong pakialam kung kakulay ko ang carpet! Wala naman kasing nag-remind sa akin na pula pala ang Red Carpet; akala ko black! Tse! Anyway, nag-red ako today upang ipakita ang kulektibong galit ng mga taga-Laguna sa administrasyong Aquino dahil pinatalsik nila sa puwesto ang aming gobernador! Kung nababasa mo ito Governor E.R., tuloy ang laban! At congrats nga pala for winning Best Actor sa FAMAS.
Sen. Pia Cayetano: I’ll just pretend na walang tao sa likod ko. Smile na lang ako dahil madaming reporters, nakakahiya kung sisimangot ako. By the way, ‘yong photobomber sa likod ko ay ang mayor ng Taguig at future First Lady ng Pilipinas. Hipag ko ‘yan, misis ni Alan. Chini-check niya yata ang tweets about Nancy’s terno. Alam mo naman ang Taguig, numero unong kaaway ng Makati.
Sen. Nancy Binay: I categorically deny that this gown costs 1.56 billion pesos. Hindi rin po overpriced ang kada-square meter ng damit na ito katulad ng ibinibintang ng aming mga kalaban sa pulitika. ‘Wag po n’yong palabasing masamang tao ako dahil ang totoo: ako ang victim dito. Fashion victim!
Sen. Nancy Binay 2: Wala pong kinalaman sa negative comments sa Twitter ang pagpapalit ko ng attire. May pambili lang talaga ako ng dalawang gowns, bakit ba?! Eh kayong mga netizens na wala nang ginawa kundi mag-abang ng malalait, may pera at love life ba kayo?
Kris Aquino: Ganda ko ‘di ba? Aha-ha-ha! Hindi pa dito nagtatapos ang aking eksena. Mamaya, try kong mag-cry. Try lang! Aha-ha-ha Also, I was informed that Mayor Herbert would be here. Gusto ko lang makita niya kung ano ‘tong pinakawalan niya. ‘Tsaka pasalamat siya sa ‘kin dahil pasok siya sa Top 12 senatoriables sa survey ng Pulse Asia. If not for Krissy… tapusin n’yo na lang! Kayo na. Aha-ha-ha!
Mommy Dionisia: Saan ang kubita ‘day? ‘Di ko na kaya ‘day. Lalabas na ‘day! ‘Tsaka bakit ba ito ang pinili mong gown ‘day? Ang kati! Ang sikip-sikip! Pastilan! Sa sunod ‘day, gusto ko ‘yong gaya ng gown ni Nancy. Maluwang! Para diritso na ang ihi sa floor ‘day. Yawa!
Makati Rep. Abby Binay: Hello Ate, don’t tell me I didn’t warn you. Kasi naman, ang tigas ng ulo mo. Prone ka na nga sa mga bashers, binigyan mo pa sila ng rason to bash you more! Wala bang salamin sa bahay n’yo?
Cong. Lani Mercado: Actually, ‘yon din po ang tanong ko sa girlfriend ni Jolo na si Jodi: kailan ba matatapos ang ‘Be Careful With My Heart?’ Dragging na ‘teh! Also, hindi po ako dadalo sa SONA. Sinabi ko na po ‘yan before. Paulit-ulit na lang kayo ng tanong. Salamat po.
Sen. Loren Legarda: Ito po ang tinatawag na traditional Mandaya outfit. Opo, Mandaya ang name ng indigenous group pero never po akong nandaya. Ako pa nga yata ang nadaya noong 2004. Hello nga pala kay Kabayan!
Cong. Imelda Marcos: A million DAP here, a billion PDAF there. So petty! Konting barya, pinag-aawayan! These kids. Guard, dalhin mo kay Nancy Binay! I’ll lecture her on fashion.
Assunta De Rossi: ‘Wag na po kayong magtaka kung bakit solo flight ako. Numero uno sa dami ng absences sa Kamara ang mister ko; pati sa red carpet, absent ang lola n’yo! Hindi naman po siguro masamang maging consistent ‘di ba? Pak!
Palace Deputy Spokesperson Abigail Valte: Mas safe na ang ganito kaysa sa gown; tipid pa! Ang importante, may yellow ribbon! Malimutan na ang fake eyebrow ‘wag lang ang dilaw na laso. Magagalit si boss! Alam mo na!
Marinduque Gov. Carmencita Ongsiako-Reyes: I haven’t seen my amiga, Imelda today – which is great. Baka ma-insecure lang ‘yon sa ganda ng gown ko. If you have it, flaunt it – which is what I have been exactly doing. My fellow Marinduqueños must be so proud. Anong sinabi ni Big Bird?
Sen. Grace Poe: Nagpapasalamat po ako sa mga netizens na nagsabing “presidential” ang aura ko. ‘Yan din po ang laging sinasabi sa akin ni Mr. Conrado De Quiros. Tingnan natin… matagal pa naman ang 2016. Who knows? Ooops, nagbibiro lang poe.
Militant leaders with Juana Change:
‘Ayan, nakapasok na si Noynoy sa session hall. 1… 2… 3! Now na! Walkout!
Reception will follow at Cabalen Restaurant.
Sen. Cynthia Villar: Sabayan n’yo po ako: “Dan-dan-dan dalandan. Dan-dan-dan sarap ng real! Lasap na lasap, real na real, real na real. Dan-dan-dan, dalandan!” Hindi ko na po kailangang ipaliwanag ang suot ko. Kung anong sinimulan ni Manny, ipinagpapatuloy ko lamang. Isigaw po natin: Hanep na ang buhay dahil may hanapbuhay!
Leyte Rep. Lucy Torres: Babe, smile ka, dali! May TV crew. This SONA Red Carpet is the closest you can get to being a congressman. Ahi-hi-hi
Richard Gomez: I hope you’re just kidding babe. Kung hindi, susuklayan kita!
Sen. JV Ejercito: Sweetheart, ‘wag ka namang magmadali! Gusto kong mapanood ni Kuya Jinggoy ang paglalakad natin sa Red Carpet. Wala lang. Pang-azar lang. Lolz. #brothers #frenemies #TVKDarrenFortheWin #DarrenDontLeavethePhilippines
[Photos courtesy of ABS-CBN News, ANC, Philippine Star, Philippine Daily Inquirer, GMA News, Rappler, News5, Interaksyon, Kris Aquino, Ginger Conejero, Jenny Reyes, Ayee Macaraig, Chona Yu-Inquirer, StyleBible.Ph, Bandera Inquirer]
—————————————————————————————
“People don’t remember you for what you show them, people remember you for what you sow into them.”
~ Constance Chuks Friday
Sound Bites
“Sanay na ako sa bashing eh. Kahit anong gawin ko yata, I will always get bashed.”
~Sen. Nancy Binay
Poll Results
Kung isa kang mambabatas, boboto ka ba upang ma-impeach si Pangulong Aquino?
-No. 57.66%
-Yes. 29.25%
-I’ll think about it. 13.09%
Enjoy the rest of the week!
I am on Twitter: @HecklerForever.
This blog post made my day.
LikeLike