Advertisements

THE LAWMAKER AND THE SNATCHER

21 06 2014

Journeys to Jail

0
Snatcher
Inakusahang nanghablot ng kwintas ng isang ale; halaga ng kwintas: halos P10,000
Senador
Inakusahang nagbulsa ng pera ng taumbayan; ang kabuuang halaga: P224.5M

Snatcher
Hinabol, tinugis, nakipaghabulan sa pulis
Senador
Tumawag sa chief of police; nakipag-usap tungkol sa pagsuko.

Snatcher
Pumasok sa mataong palengke; hinubad ang suot na t-shirt para ‘di makilala; nagpasikut-sikot, feeling action star ang pucha.
Senador
Nagpa-presscon. Nagsuot ng t-shirt: ‘Kakampi ko si Lord. Walang kokontra.’ Umiyak. Ang action star, nag-drama. (Pucha!)

Snatcher
Inabutan ng humahabol, tiklo! Nasampal pa. O, gago.
Senador
Nahirapang sumakay sa SVU. Ang dami kasing fans na gusto siyang makita. Magkabila ang hilera ng tao sa kalsada. Na-insecure ang Papa sa Roma.

Snatcher
Kinuyog ng taumbayan. Sinipa, dinuraan, sinuntok, sinikmuraan. Duguan. Snatcher kasi.
Senador
Dinumog ng reporters at mga tagahanga sa Sandiganbayan. Pinagpawisan. Maraming kinilig. Artista kasi.

Snatcher
Pinosasan. Kinaladkad patungo sa nanlilimahid na presinto. Hindi ka sikat. ‘Wag nang choosy.
Senador
Nag-file ng motion para makapamili ng detention facility. Siyempre, dapat malinis at cozy.

Snatcher
Kinunan ng fingerprints. Kinunan ng mugshots. Wasak ang mukha. Halos ‘di makilala.
Senador
Kinunan ng fingerprints. Kinunan ng mugshots. Fresh na fresh. Naka-smile pa. Pucha.

MUGSHOTS
Snatcher
Diretso sa seldang pang-apatang preso, pero ang laman, disiotso.
Senador
Diretso sa bagong renovate na seldang tila unit ng condo. Solo!

Snatcher
Deadma kahit mala-sardinas ang kondisyon.
Senador
Biglang nagka-migraine, tumaas daw ang presyon. [Pucha!]

Snatcher
Nakatulog sa sobrang gutom.
Senador
May libreng food! Pritong bangus at ginisang munggo. Boom!

Snatcher
Umiyak ang asawa; paano na raw sila kakain ngayon?
Senador
Umiyak ang asawa… pero ‘di bale, nakatira pa rin naman sila sa mansyon.

Snatcher
Nag-isip-isip. Ang masamang ginawa, ‘di na raw uulitin.
Senador
Nag-isip-isip. Tuloy ang plano: Bong for President sa 2016.

[Pucha!]

Top 8 Movie Projects Rejected By Bong Revilla

No. 8: You’ve Got Jail

No. 7: Kakabakaba Ka Bong?

No. 6: Crame and Punishment

No. 5: Meet the Porkers

No. 4: Bukas Luluhod ang mga Talo

No. 3: Eat, Pray, Rob

No. 2: Live Free or Lie Hard

And the No. 1 movie project rejected by Bong Revilla…

Man of Steal
—————————————————————————-
“Treasures gained by wickedness do not profit.”
~Proverbs 10:2

Sound Bites
“Lalabas ang katotohanan at maaabswelto tayo dito.”
~Bong Revilla, Imus, Cavite 6.19.2014

“We’re accomplishing what some people said was a near impossible task: to have these big personalities who are perceived as untouchable finally prosecuted.”
~Justice Sec. Leila De Lima

Have a great weekend Filipino taxpayers!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: ANC, Rappler, PNP]

Advertisements

Actions

Information

9 responses

21 06 2014
Hilda Sacay Clave

Saan na ang mga next batches? Pucha!

Like

23 06 2014
chengboiser

Nakakatawa na nakakainis… kasi totoo. sigh.

Like

24 06 2014
angie chui

Makata ka pala, panalo! 😀 I really enjoyed reading this 😀 Entertaining and spot on.

Like

24 06 2014
bituina

Feeling niya photoshoot yung mugshot. Anak ng…

Like

24 06 2014
Shoot! | Scent of Dew

[…] “special treatment” criminals with money get in jails that we pay for (thanks for the insightful post, Heckler). There should be a way for us, the People, to tell the government where we want our money to […]

Like

24 06 2014
jbdanventures

nakakaasar na katotohanan…

Like

24 06 2014
Oliver Manlapaz

Pucha!
😀

Like

27 06 2014
Vicky Enario

your sin will find you out

Like

12 07 2014
poshpee

Truth bites.

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: