Advertisements

LEAKED: THE PRIVILEGE SPEECH 2

7 06 2014

ON MONDAY, Bong Revilla is scheduled to deliver yet another privilege speech. Last night, alleged portions of the speech were leaked online. Here are some excerpts from the original draft.

00
12: “Unang-una, gusto kong magpahayag ng suporta sa One Direction at sa kanilang mga fans. Sa One Directioners, tulungan n’yong mag-trend ang speech ko ngayong hapon. Please lang.”

11: “Humihingi po ako ng paumanhin kay Ms Rosa Rosal dahil ang tema ng aking talumpati ay hango sa pamagat ng kanyang programa – Damayan. Makukulong din lang ako, eh ‘di damay-damay na.”

10: “Sana’y nanonood ngayong hapon sina Budget Sec. Butch Abad at Agriculture Sec. Proceso Alcala. Kayo ang bida rito.”

9: “Mas pinili kong magsalita kaysa manahimik ngayong hapon dahil malamang sa hindi, ito na ang aking huling privilege speech. Mami-miss ko ‘to, promise.”

8: “Nang magtalumpati ako noong Enero, nabanggit ko ang linyang, ‘Anak ng teteng!’ Ang tanong sa akin ng ilang taong nakasalubong ko, ‘Ano ba ang etymology ng word na ‘teteng?’ Ang sagot ko sa kanila, ‘Ano ba ang etymology?’ Boom peyns!”

23
7: “Hindi ako natatakot makulong dahil entitled naman ako sa conjugal visits. Si Ricardo Camata nga, convicted na pero nadalaw pa rin ng starlets at dancers; ako pa kaya?!”

6: “Noong Holy Week, nagtungo po ako sa Holy Land. Humingi ako ng sign kay God. Sabi ko, “Lord, kung talagang mahal mo ako, hindi mo ako pababayaan. Hindi mo ako hahayaang makulong. Give me a sign Lord! Minutes later, nakasalubong ko do’n si Hayden Kho at nagkabati kami. ‘Yon yata ang sign. Ang pangit.”

5: “Inuulit ko: hindi ako masamang tao, hindi ako magnanakaw, hindi ako mandarambong, at hindi ako sure kung maniniwala kayo! I don’t care.”

4: “Wala pong katotohanan ang sinulat ng isang tabloid columnist na papalitan ang pamagat ng aking programa sa telebisyon at tatawaging ‘Handcuffs Amazing Stories.’ Paninira lang po ‘yan.”

3: “Naniniwala po akong habang may buhay, may pag-asa. Kung natalo ka sa umpisa, may pagkakataon ka pang bumawi. So ito lang ang masasabi ko: Go LeBron! Go Heat!”

janet 1
2: “Masyado na pong namemersonal ang aking mga kalaban. Kung ‘yong asawa ko nga raw, nagawa kong lokohin, eh ‘yon pa kayang taumbayan na ‘di ko kaanu-ano? May point. Actually. Pero ayaw ko na silang patulan.”

1: “Sa nauna kong privilege speech… nabanggit kong I have been demonized in the media. Nakakalungkot po; nakakalungkot po dahil pagkatapos na pagkatapos ng talumpati kong ‘yon ay nag-text po ang demonyo sa akin. Ang sabi: huwag ko raw ikumpara ang sarili ko sa kanya. ‘T*ng-ina! Ang hard.”
————————————————————————————
“Political speeches are like steer horns. A point here, a point there, and a lot of bull in between.”
~Alfred E. Neuman

00Sound Bites
“Arresting and detaining the three senators make up only the formal start of the quest to exact justice and accountability for the plunder of taxpayer money. The pork barrel scam was a P10-billion operation that involved hundreds, perhaps thousands, of individuals.”
~’Triple Whammy’ – Editorial, Philippine Daily Inquirer, 06/07/2014

Poll Results
Offensive ba ang Hong Kong textbook na naglarawan sa mga Filipino bilang domestic helper?

-Hindi, pero ramdam mong may malisya. Alam mo na! Hong Kong ‘yan. 50.31%
-Yes. 36.65%
-No. 13.04%

Let the Filipino taxpayers’ quest for justice begin! Justice for all!
Next batch please!

[Photos: Newsflash.Org, Rappler, Philippine Daily Inquirer]

Advertisements

Actions

Information

2 responses

9 06 2014
WebUserToday (@WebUserToday)

Who are we to stop him from wasting his time? Mr Revilla can deliver a privilege speech as long as he want – we will not believe for it will be amazingly unbelievable…

Like

9 06 2014
Assunta Siva de Rivera

The Evolution of Bong: Ramon Revilla Sr. was Nardong Putik. Not to be outdone, Ramon Revilla Jr. became Nardong Kupit.

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: