HEADLINES: APRIL 1, 2014

1 04 2014

TODAY’S TOP STORIES

TJ2
Pangulong Aquino, isang magandang TV reporter ang bagong pinopormahan

DILG Secretary Mar Roxas, hindi na tatakbo sa pagkapangulo sa 2016;
susuportahan na lamang ang senatorial bid ng asawang si Korina Sanchez

Bong Revilla, hindi pinapasok sa Holy Land;
na-deport pabalik sa Pilipinas

1napoles
Janet Lim-Napoles, kumpirmadong tatlong buwang buntis ayon sa Ospital ng Makati

Hidwaang Binay at Estrada, lalo pang lumala;
Erap tatakbong muli sa pagkapangulo sa 2016

Detinadong land developer na si Delfin Lee, nakatakas;
mga guwardiya sa Pampanga Provincial Jail, umaming tumanggap ng suhol na condo unit

House Bill No. 4407 na naglalayong parusahan ang mga Pilipinong boboto sa mga mambabatas na nadawit sa pork barrel scam, pasado na sa third and final reading

SUPERMAN
Kontrobersyal na dating chief of staff at diumano’y girlfriend ni Senador Enrile na si Gigi Reyes, balik-Pilipinas

Nawawalang lider ng MNLF na si Nur Misuari, natagpuan sa Indian Ocean

Jinggoy Estrada, nagbago na ang isip:
Aamin na sa partisipasyon sa PDAF scam kapalit ng pagiging state witness

CPP-NPA founding chairman Jose Maria Sison, kinakapos na ng panggastos sa Netherlands; pinaigting na pangungulekta ng revolutionary tax, iniutos sa NPA

Matapos matuklasang kulang ang binayarang buwis noong 2010 at 2011,
BIR Commissioner Kim Henares, kinasuhan ang sarili

Bistado! PNP, nakakuha ng kopya ng schedule ng Martilyo Gang;
SM City Fairview at SM Southmall balak isunod na nakawan

fORBES
Dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dumalo sa misa ng ‘healing priest’ na si Fernando Suarez; inaasahang paggaling, hindi nangyari

KBP, papatawan ng suspensyon ang mga mamamahayag na tumatanggap ng lagay;
TV at radio industry, inaasahang mapaparalisa ang operasyon

Matapos ulanin ng reklamo dahil sa mahahabang pila at palpak na serbisyo,
MRT 3, hindi na bibiyahe

Senador Miriam Defensor-Santiago, inakusahan ng pangongopya ng pick-up lines

Attorney Lorna Kapunan, bagong endorser ng Avon products

Singil sa kuryente ng Meralco para sa buwan ng Abril at Mayo bababa ng 5 pesos kada kilowatt hour

Ruby
Kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo kay Vhong Navarro, ibinasura;
Mga ebidensya laban sa aktor, hindi tumayo sa korte

Kilalang miyembro ng DLSU Lady Spikers, umaming kapwa babae rin ang gusto

Kris Aquino at Herbert Bautista, magpapakasal bago mag-2016


Bb. Pilipinas candidate, ibinunyag na ex-girlfriend siya ng pageant judge na si Sen. Sonny Angara

Vice Ganda, aminadong sinu-showbiz lang niya ang pakikipagbati kay Nancy Binay

PLDT Group ni MVP, binitawan na ang TV5;
GMA 7, nabili na ni Anne Curtis

Happy April Fools’ Day!
——————————————————————————-
“A gullible mind is a weak mind.”
~ Unknown

3Sound Bites
Bb. Pilipinas 2014 Q & A

Melanie Marquez: Apart from love, what else do you think we need?
Candidate: Thank you so much for that wonderful question. I think aside from love, all we need is beauty. Well, beauty is not about physical appearance alone. It is about what is inside of you. It is how you share, how you inspire other people, and through that we can achieve unity and it goes on and on and on.

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Rappler, Philippine Daily Inquirer, Startalk/GMA 7, ABS-CBN News]

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: