Advertisements

KRISSY, BISTEK, AND CHOCOLATE CHIPS

29 03 2014

THE MOST FAMOUS presidential sister ever is in the news again. Is there truth to rumors that she’s in a relationship? Find out in this tell-all exclusive.

1kid
Hi Krissy!

Oh, hello! It feels great to be back. Promise! Alam mo naman ako, hectic ang sked. Araw-araw ang KrissyTV; I have to bring my sons to their swimming lessons; I had to entertain guests from Malaysia in Malacañang. May live show pa kami ni Boy every night, at na-chi-chismis na naman ako kung kani-kanino these days. Grabe! I’m so pagod. What’s the question again?

Wala pa akong tanong Krissy.

Wala pa ba? Nakakaloka. I thought you asked na! Aha-ha-ha! Anyway, go! You have 10 minutes. Ask anything. Now na.

Recently, nag-guest sa ‘Aquino & Abunda Tonight’ si Atty. Lorna Kapunan and before the interview ended, you told her, “I like you na.” Do you?

No! Aha-ha-ha I’m so honest talaga and prangka. Promise!

Does she like you?

I think so. Yeah. Eh lahat naman yata kayo like n’yo ako ‘di ba?! Kunwari, hate na hate si Krissy pero watch naman nang watch! Admit it! Hay naku. ‘Wag na tayong magpaka-ipokrito. Kilala ko kayo! Aha-ha-ha!

1kid
You were in Malacañang to witness the signing of the Comprehensive Agreement on Bangsamoro the other day. Agaw-eksena raw ang figure-hugging gown mo.

True! Aha-ha-ha! At nag-agree daw talaga ako! Care bears! Siyempre world leader ‘yong e-entertain ko ‘no! Nagpatahi talaga ako ng bagong gown para sa event na ‘yon. Ayoko namang mapahiya si Kuya Noy.

At tinalbugan mo raw ang First Lady ng Malaysia.

Oo naman! Aminin mo… mas mukha akong First Lady sa picture na ‘yan kesa sa kanya. Aha-ha-ha

Sabi nga nila, very Lupita ka raw.

Lupita Nyong’o? Of course!

No! Lupita Kashiwahara.

Aha-ha-ha! Nakakaloka ka. Hoy! Huwag mong tawanan ‘yong auntie ko. Nice sa akin ‘yon! By the way, can I just greet someone?

Go!

Hi Chocolate Chip! I’ll see you later. Sorry… I sounded so malandi. Aha-ha-ha

Sino si Chocolate Chip?

Ayokong sabihin!

Sige na! Konti lang naman tayong makakaalam.

No! Nag-promise ako sa Instagram followers ko na I will make it public in time. I’m not ready yet. O ‘di ba, pa-girl ako. Virgin?!? Aha-ha-ha

Fine. Si Daniel Matsunaga ba ‘to?

Noooo! Daniel is just a boy ‘no! He’s only 25. Helllllo!

But James Yap was only 22 then. Hellllllo!

Ay! Oo nga pala. Aha-ha-ha! Basta! Natuto na ako. It’s not Daniel.

Eh sino naman ‘yong governor daw sa Central Luzon na nalI-link din sa ‘yo?

Sino do’n? Aha-ha-ha Parang ang dami ‘no? No! Governor Abet Garcia is just a good friend. Investment ‘yan sa politics. Joooooke!

Ok. Ito na lang: Do you find Herbert Bautista cute?

NAKAKALOKA! Biglang segue sa kanya? Ahi-hi-hi!

Bakit parang kinikilig ka?

Gosh. Grabe ka. Hindi ‘no! Ahi-hi-hi!

Eh kasi biglang naging ahi-hi-hi ang aha-ha-ha mo!

Pati ba naman ‘yon napansin mo pa?! Kaloka!

Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko Krissy. Do you find Quezon City Mayor Herbert Bautista cute?

Let’s put it this way…

Sandali! Bakit may “Let’s put it this way…?” Pwede namang YES or No lang ah.

I hate you naaaaa! Darla, penge ngang tubig. Nai-stress ako. Aha-ha-ha!

1kid
Again, do you find Mayor Bistek cute?

YES. Ay!!!! Hindi ko kinakaya ang sagot ko aha-ha-ha! Krissy… shut up. Enough na! Boy sorry!

Siya ba si Chocolate Chip?

Noooo, I don’t want to answer that. Tama na! Baka nagbabasa ng blog mo ‘yon, nakakahiya!

Nanliligaw ba siya sa ‘yo?

Ang kulit huh! Siya kaya ang tanungin n’yo! I don’t want people to think na ako ang babae, ako pa ang naghahabol. Hellllo! But he’s sweet. Ay! Ano ba ‘yung nasabi ko!? Aha-ha-ha Sorry Boy. Nag-promise akong sa Buzz unang magsasalita but here I am with my big mouth. Sorry talaga.

Kung manliligaw sa ‘yo si Mayor Bistek, anong problema n’ya may chance ba siya?

I’ve said enough. Sorry.

Ok, last. May mga nagsasabing gagamitin lang n’yo ang isa’t isa sa 2016 elections. Anong reaksyon mo?

Excuse me! Krissy is Krissy. Hindi ko kailangang manggamit para makuha ang isang bagay. And to be fair to Chocolate Chip, hindi siya gano’n.

Sino si Chocolate Chip?

Huh? May sinabi ba akong Chocolate Chip?!

Oo! Sabi mo, hindi user si Chocolate Chip.

WALA AKONG SINABING CHOCOLATE CHIP! Darla, may sinabi ba akong Chocolate Chip?

Yes po.

Sorry naman. Tao lang. Hindi ako perfect. Pretend na lang that you guys didn’t hear me say Chocolate Chip. And please, pwede bang mag-move on na tayo? DARLA, we need to talk later!

Push mo ‘yan ‘teh.

What did you say Darla?

Wala po.

Moving on… may lumabas na tsismis na baka raw ikaw ang gawing running mate ni Sec. Mar Roxas sa 2016.

Aha-ha-ha!

May nakakatawa?

Ikaw ang nagsabi n’yan.

So, papayag ka bang maging vice presidential candidate katambal si Mar Roxas?

Vice president kaagad? ‘Di ba pwedeng sa Quezon City muna? Joooooke! I’m sure lalagyan n’yo na naman ng kulay ang sinabi ko! Mga tsismoso!

Kung dalawa lang ang kandidato sa pagka-pangulo, sino ang iboboto mo: Binay o Roxas?

Ayaw kong makasakit ng damdamin. At ayaw kong ilagay sa isang awkward situation ang aking kapatid dahil s’ya ang chairman ng Liberal Party. So para wala na lang isyu at hindi na naman akong masabihang nakikisawsaw sa pulitika, quiet na lang ako. Binay.

So you’ll go for Binay?

May sinabi ba akong Binay?

You just said it.

HELLLLLOOOOO! WALA AKONG SINASABING BINAY! Darla, may sinabi ba akong Binay?

Yes po.

Hay naku. You guys are making fun of me naaaa. I hate you. Ayoko na ngang sumagot!

1kid
Ok… last na talaga. Let’s play Pinoy Henyo. Maglalaro kayo ni Darla. Kailangang mahulaan ni Darla ang mystery word by asking questions answerable only by Yes or No. Ikaw ang sasagot sa mga tanong niya.

Wait, anong premyo!

Wala lang. Happiness.

Bongga! Love ko ‘yan. Matagal na akong wala n’yan. Aha-ha-ha!

Krissy and Darla, you have two minutes. Ready? Go!

Mystery Word: BISTEK.

Tao po ba ‘to Ms Krissy?

Pwede!

Bagay?

Kami!

Bagay kayo?

I think so! Aha-ha-ha

Ang hirap naman. Damit ba ‘to?

No!

Pagkain ba ‘to Ms Krissy?

Oo!

Kinakain mo?

Soon! Jooooke! Aha-ha-ha

Again, kinakain mo ba ito Ms Krissy?

OO naman!

Masarap ba ito?

Parang. Aha-ha-ha!

Malaki ba ‘to?

Hindi ko pa alam. Aha-ha-ha Tawa na naman ako nang tawa. Naloloka na yata ako.

Maliit ba ito?

Physically?

Grabe ka naman Ms Krissy. Bakit may ‘physically?’ Kaloka! Makikita sa Metro Manila?

Yes! Guess ka pa! Basta nasa Metro Manila.

Pulubi?!

Gaga! Bakit naman ako kakain ng pulubi!

Ay sorry po. Ha-ha Kwek-kwek? Tokneneng? Kikiam? IUD? Adidas? Betamax?

Eeeew! Ikaw talaga Darla. Ano ba ‘yang mga kinakain mo?

Nasa Quezon City ba ‘to Ms Krissy?

May tama ka!

Steak?

Pwede!!!!!!

Beef Steak?

Yes!!!

Mahal ba ‘to?

Mahal ko na s’ya. Aha-ha-ha

Gaano kamahal?

OOOPS, TIME’S UP. Sorry Darla. Hindi mo nakuha. Krissy… sabihin mo sa kanya kung ano ang ating pinapahulaan.

I hate you Darla. Hmpf! Wala tuloy tayong napanalunang happiness. Anyway, ang mystery word ay walang iba kundi… Chocolate Chip!

Noooo! Anong chocolate chip? Hindi ‘yan ang word.

May sinabi ba akong chocolate chip?

Oo Krissy!

WALA AKONG SINABING CHOCOLATE CHIP. Darla, may sinabi ba akong Chocolate Chip?

Yes po.

Ay, ‘sensya ulit! Nalito lang. The mystery word is ‘Bistek.’

Mura lang naman ang BISTEK ah. Sabi mo kanina ‘mahal?’

Hoooy! Mahal ang masarap na bistek ‘no!

Hindi rin.

Basta!!! Mahal ko na siya. ‘Di ba Darla?

Push mo ‘yan!
————————————————————————————-
“We accept the love we think we deserve.”
― Stephen Chbosky, The Perks of Being a Wallflower

1kidSound Bites
“Last Friday nagkita kami ng anak ko. Siya ang nagsabi sa akin mismo kung sino. Politician. Tapos sabi sa akin ni Bimby, ‘Joke lang.’ After naming mag-swimming, sinabi sa akin ni Bimby na ito nga si ganito. Pero hindi ko pwedeng sabihin kung sino. Ayaw ko nang makialam, mamaya magalit pa sa akin si Kris.”
~James Yap on the rumored new boyfriend of his ex-wife Kris Aquino

Poll Results
Dapat bang palayain ang nadakip na mga lider ng CPP-NPA upang umusad daw ang peace talks?
NO! 83.46%
Hindi ko alam ang isyu. 10.24%
YES! 6.3%

Have a great week ahead!

[Photos: Kris Aquino’s Instagram account, Quezon City.Gov.Ph, and ABS-CBN News]

Advertisements

Actions

Information

4 responses

29 03 2014
Dan Dela Paz

Funny! I love it

Sent from my iPhone

>

Like

30 03 2014
fredvillacampa21

grabe kaloka!!!! the best!!!!

Like

9 04 2014
LOVE, LOVE, LOVE! | The Professional Heckler

[…] inspired Kris Aquino says there is somebody in her life “who is special.” Herbert Bautista is now the second happiest person on Earth… next only to James […]

Like

9 04 2014
rojan88

hahahah ang kulit ng pinoy henyo.

Darla:Pulubi?!
Krissy: Gaga! Bakit naman ako kakain ng pulubi!

hahahaha, tawang-tawa ko dun sa linya na yun hahahaha 🙂

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: