OH MY GULAY!

THE HOUSE OF Representathieves Representatives approved on third and final reading House Bill No. 2072 declaring Malunggay as ‘national vegetable’ and November as National Malunggay Month.

The news came as a surprise to the vegetable community. Here’s the full report as published in OMG! (Oh My Gulay) magazine.

Gulay

“UNFAIR!”

Ito ang naging pahayag ng ibang halaman sa balitang inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa third and final reading ang panukalang batas na nagdedeklara sa Malunggay bilang Pambansang Gulay.

Sa joint statement na inilabas ng mga halamang makikita sa paligid ng Bahay Kubo, kinundena ng mga ito ang anila’y minadaling pagpapasa sa panukalang batas.

eric
Ayon sa mga gulay, “This is a travesty! Walang naganap na konsultasyon sa vegetable community!”

Hindi rin sila makapaniwalang mas nauna pang talakayin ng Kongreso ang Malunggay bill kaysa sa Freedom of Information Bill na taong 1992 pa nakabinbin.

Nagbanta ang Patola at ang Upo na pangungunahan nila ang mahabang barikada upang pigilan ang pagsasabatas sa naturang panukala.

“Kung kailangang gumapang kami patungong Kongreso at Senado gagawin namin, huwag lamang maipasa ‘yan!” dugtong ng Kundol at ng Sitaw.
11on
Mangiyak-ngiyak naman ang Sibuyas nang marinig ang balita.

“Nakapanlalambot,” ang sabi ng Mustasa.

11on
Hindi rin naitago ng Talong ang kanyang galit. Nakapagbitiw naman ng maaanghang na salita ang Luya.

Muntik na ring pumutok ang Bawang sa sama ng loob.

“Kung talagang malaki ang pakinabang sa Malunggay na ‘yan, bakit wala siya sa ‘Bahay Kubo?’ tanong ng Bataw at ng Sigarilyas.

“Malaking puno ang Malunggay. Patunay lamang na kahit kailan, ‘yang mga pulitiko ay kulang ang pagpapahalaga at malasakit sa tulad naming maliliit,” dugtong ng Patani.

Ayon kay Pangasinan Rep. Gina De Venecia na siyang pangunahing may-akda ng bill, ang Malunggay ay “miracle vegetable” dahil nakagagamot daw ito ng iba’t ibang sakit.

Hindi naman napigilan ng Mani at ng Linga ang matawa sa pahayag ni De Venecia sabay sabing, “Ang tanda-tanda mo na naniniwala ka pa sa milagro!”

Kaduda-duda rin anila ang sinabi nito hinggil sa ‘medicinal value’ ng Malunggay lalo pa’t sa dulo ng patalastas ng Moringa ay may disclaimer na, “No approved therapeutic claims.”


Binatikos din ng mga gulay ang ilang mambabatas na pinanininiwalaan nilang nakikisakay lamang sa popularidad ng Malunggay ngayon.

Mabilis namang bumuwelta ang mga kongresista.

Pinag-initan nila ang Mani na umano’y walang karapatang makisawsaw sa isyu dahil hindi naman ito gulay at hindi rin prutas kundi isang legume.

“Ang lakas ng loob magreklamo ng mga ‘yan! Bakit? Gulay ba ang bawang? Gulay ba ang sibuyas? ‘Yang kamatis at talong, mga gulay ba ‘yan? Those two are fruits! A berry to be exact! Ang hirap kasi sa mga bumabatikos na halaman, green with envy sila!” giit ng mga mambabatas.

Ipinagtanggol naman ng Luya at ng Singkamas ang kanilang mga kasama, “Botanically speaking, bulbs o fruits sila, yes. But culinary speaking, we are all vegetables. Bali-baligtarin mo man ang recipe, gulay pa rin ang turing sa aming lahat! Racist! Tse!”


Nang tanungin ang mga gulay kung may nakikita ba silang alternatibo sa Malunggay bilang national vegetable [e.g. kangkong o talbos ng kamote] sinabi ng mga ito, “Kailangan bang meron? Mamamatay ba kayo kung wala? Mababawasan ba ang nasyonalismo at pagka-Filipino n’yo kung walang pambansang gulay? Hayyyy, you and your priorities.”

Nagbabala pa ang mga ito na magdudulot lamang ng pagkakawatak-watak sa gulayan ang panukalang batas ni De Venecia. Kaya’t ang sigaw nila, “Ibasura!”

Sakali namang lumusot sa dalawang Kapulungan ng Kongreso ang kontrobersyal na legislative measure, umaasa ang Kalabasa na ivi-veto ito ng kanyang kakulay na idolo… ang Pangulo.

Tinangka naming kunin ang panig ng Malunggay hinggil sa isyu ngunit sinabi nitong walang buting maibubunga ang pakikipagdebate at pagtatanim ng galit.

11on
Samantala, napag-alaman naming tutol din pala sa panukalang batas ni Manay Gina ang Ampalaya ngunit ayaw na nitong magsalita tungkol sa isyu sa takot na masabihang… bitter. ###
—————————————————————————-
“Do only work that matters, and you will end up pleasing those who are important enough to care about it.”
~ Jeffrey Fry

Sound Bites
“Malunggay is one of the important plants that deserve national and international promotion due to the many bio-medical endowment and numerous socio-economic benefits that can be derived from it.”
~Pangasinan Rep. Gina De Venecia

Enjoy the rest of the week!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Medicinal Herbs For You, EricCachero.Weebly.com, Picstopin.Com, Del Monte.Ph, House of Representatives]

Author: professionalheckler

See About the Heckler

15 thoughts on “OH MY GULAY!”

  1. Considering that the House of Representathieves is composed of members in vegetative state, it was almost just an afterthought to come up with a very important declaration like that. I heard that it is a herbal counterpart of viagra and could be what some of the members have been using for quite some time.

    Like

  2. Reblogged this on Rare Rhea's Realia and commented:
    Ang malungay, bow!

    “Nang tanungin ang mga gulay kung may nakikita ba silang alternatibo sa Malunggay bilang national vegetable [e.g. kangkong o talbos ng kamote] sinabi ng mga ito, ‘Kailangan bang meron? Mamamatay ba kayo kung wala? Mababawasan ba ang nasyonalismo at pagka-Filipino n’yo kung walang pambansang gulay? Hayyyy, you and your priorities.’

    Like

  3. Andami kong tawa dito. Hanep!

    For me this is one of the best posts from you. Award-winning entry talaga! On Mar 10, 2014 5:48 PM, “The Professional Heckler” wrote:

    > professionalheckler posted: “THE HOUSE OF Representathieves > Representatives approved on third and final reading House Bill No. 2072 > declaring Malunggay as ‘national vegetable’ and November as National > Malunggay Month. The news came as a surprise to the vegetable community. > Here’s “

    Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s