Advertisements

EXCLUSIVE: KRISSY AND JENNY (WRE-EH-ECK ME!)

16 01 2014

GOSH, I’M HERE na naman. Grabeh! Alam mo Boy, marami na namang maiinggit d’yan for sure kasi I’ve been in the news for like… what?!? Two months already? Yeah, I think two months na Boy kasi it started pa sa promo ng ‘My Little Bossings’ in November tapos hanggang sa contract signing ko the other day, issue pa rin ako. Tama ba ako Boy? Wait lang. Bakit ba Boy ako nang Boy eh wala naman dito si Boy. How baboy! Aha-ha-ha!

kri
Speaking of baboy, nagulat ako last night when I learned na January 15 pala ang birthday ni Janet ‘Jenny’ Lim-Napoles. She just turned 50. In all fairness huh, she became a billionaire pala before reaching 50. Bongga! Ikaw na talaga.

At dahil birthday niya, nakiusap na naman sa akin si Heckler na gawan ko raw ng feature ang lola n’yo. I’m suuuure, wala na namang maisulat ang blogger na ‘yan kaya heto… Krissy to the rescue! Aha-ha-ha! Pasalamat siya at good mood ako. But first, gusto kong mag-react sa ilang news items na lumabas lately. Aaminin ko Boy – naloka ako sa headline na ito sa ABS-CBN News.com.

KRIS
Top story talaga ang sex life ko?!? Of national security ang peg? Aha-ha-ha! Na-i-imagine ko tuloy si Mommy sa heaven habang tumatalak: “Kristina, bigyan mo naman ako ng kahihiyan!” Kaloka! But I’m sure, Dad is defending me right now. Bahala na silang mag-away! Care bears! Aha-ha-ha Basta ako, nagsasabi lang ng totoo:

I’m single and I don’t get to have sex. Which means, pwede na akong maging presidente. Aha-ha-ha! Hi Noy. Sorry, pinunchline na naman kita. Promise, last na ‘to for today.

I also want to take this opportunity na sagutin ang mga ibinabatong batikos sa aming pelikula. Alam mo Boy, hindi ko na sana papatulan pa ang mga panlalait eh, pero tao lang ako. Kesyo basura raw ang ‘My Little Bossings.’ Kesyo wala raw itong kwenta at nagsayang lang daw sila ng pera. Pero Boy, did we promise a Citizen Kane? Or a Schindler’s List? Or a Haba-baba-doo Puti-puti-poo even? We did not! Promise! Gusto lang naming magpasaya ng mga tao noong Pasko. Besides, this is the MMFF! What do you expect? Ay, ano ba ‘yun! Wait! Paki-delete… please? ‘Wag ilabas ‘yon. Please! Edit out that part. Thank you.

Ayoko na ngang magsalita! Mapapahamak lang ako eh. Hi Chairman Tolentino! Alam n’yo po, the MMDA Chairman has always been nice to me and to Noy so ‘wag n’yo na ‘tong palakihin, ok? Love love love na lang tayo.

tp
Another issue I want to address is the rumor na pumayag daw akong makipag-usap kay MVP para lang magpataas ng presyo sa ABS. Helllloooooow! Mataas na ang presyo ko to begin with ‘noh. Excuse me! And pleeeeeeeease. I never considered switching to another network. Si Boy lang ‘yon! ‘Di ba Boy dati kang Globe ‘tapos you switched to Smart? O, umamin ka! Aha-ha-ha!

(Para na naman akong tanga. Kinakausap ko si Boy pero ‘di naman n’ya ‘to nababasa. Aha-ha-ha!)

Lastly… gusto ko ring linawin na never kaming nag-usap ni MVP tungkol sa possible transfer or whatever offer daw ng TV5 sa akin. That’s far from the truth. Kasing far ng TV5 studios sa Novaliches! In fact, iisa lang ang napagkwentuhan namin ni MVP – our common interest: basketball players. Alam mo na! Aha-ha-ha!

Gosh! Ang dami ko na palang sinabi. Nakakaloka. Go na nga tayo sa birthday celebrator! It’s Janet ‘Jenny’ Lim-Napoles’s 50th birthday today! On the count of three, sabay-sabay natin siyang hindi batiin. 1… 2… 3!

Deadma! Aha-ha-ha!

janet 1
At dahil birthday niya, pinakialaman ko ang kanyang answering machine. Let’s find out kung sinu-sino ang nag-iwan ng messages sa kanya! Message No. 8. Now na!

Tooooot!
“Mare, si Pareng Pogi ‘to. Akala mo nalimutan ka na namin ‘no? No way tollway! Kami pa?! Wala sa angkan namin ang nang-iiwan sa laban. Malalampasan mo rin ‘yan! Isorender mo lang kay Lord ang lahat gaya ng ginawa ko. Kung aling lord, nasa sa ‘yo na ‘yon. Happy birthday mare! We’ll see you soon, and remember, “The Lord is my light and my salvation; Whom shall I fear? The Lord is the defense of my life; Whom shall I dread?- Psalm 27:1

BONGGA! Kumu-quote ka na rin senator ng Bibliya? Kailan pa?! Aha-ha-ha
Message No. 7! Now na!

Tooooot!
“Mrs. Napoles, ngayon lang ako magsasalita nang diretso sa ‘yo. Matagal ko nang kinikimkim ‘to. ‘Tanda’ pala huh! Sa isa… Sexy; do’n naman sa isa… Pogi. ‘Tapos sa akin… ‘Tanda!?!’ Wow. Wow! Kung ‘di lang kayo close ng taong pinakamamahal ko, hindi kita mapapatawad. Pasalamat ka sa kanya. Happy 50th birthday. Tanda pala huh. Tatandaan ko ‘yan!”

PWEDE BANG huwag na akong mag-react? Kasi… ‘di ba, hate din siya ng mom ko? So para ‘di na lang ako ma-accuse ng bias, NR na lang ako. Care bears na lang. I’ll just pray for the repose of his soul. If ever. Promise. Aha-ha-ha!
Go na nga tayo sa Message No. 6! Now na!

Tooooot!
“We clawed, we chained our hearts in vain
We jumped, never asking why…. chos!
We kissed, I fell under your spell
A love, no one could deny… chos!”

Benhuuuuur! Hinaan mo nga ‘yang boses mo! At bakit kailangang sa telepono ka kumanta? May kausap ka ba?

“Don’t you ever say I just walked away
I will always want you… chos!”

Hi Madam! Si Benhur po ito. Birthday mo nga pala. Hinding-hindi ko malilimutan ang date na ‘to dahil sa ‘yong birthday party ko nakilala ang chief of staff ng mga senador. Super saya ang gabing ‘yon! But that was then. Ngayon… ang hirap nang gumalaw. Ni hindi ako makalabas para magsine. Kasalanan mo lahat ‘to! Kasalanan mo!!!!

Wre-eh-eck me
Yeah, you, you wree-eh-eck me!
Chos!”

NAKAKALOKAAAAAA! Ikaw na talaga Benhur! Super duper bongga ka! I like you naaaaa! Aha-ha-ha!
On to Message No. 5. Now na!

Tooooot!
“Sandali! Safe ba ang linyang ito? Kung ‘di ‘to safe, hindi na lang ako magli-leave ng message. Eh buwakang-ina, baka sabihin na naman, ‘Kasabwat ni Napoles si Sexy!’ ‘Wag na lang. Iti-itext ko na lang ang mister niya. Sige, ibababa ko na ‘tong landlin… Ha? Anong na-dial mo na?! So connected na ‘to???? ‘Tang-ina! Bobo ka ba? Ba’t di mo sinab…”
Toot! Toot! Toot!

‘YUN NA! Note to self Krissy… note to self: ‘wag ka nang mag-comment. Kumpare mo pa rin ‘yan. ‘K! Fine. Message No. 4! Now na!

Tooooot!
“‘Tang-ina naman Ma’am Janet eh. Ilang buwan na akong nasa dilim ah. ‘Di n’yo ba ako babalikan? Happy birthday nga pala. – Bathtub”

IN FAIRNESS to the bathtub huh, nakakaalala! Thoughtful! Unlike ‘yong bathtub sa bahay na super nakaka-imbyerna! Everytime I enter ba naman the bathroom, ang laging isinisigaw: “Tigang! Tigang! Tigang!” HELLLLOOOW! Bakit? Itinatanggi ko ba? Aha-ha-ha! Message No. 3! Now na!

Tooooot!
“Hi Janet, si Noy ‘to. Pwede bang makuha ang number ng anak mong dalaga? Joooooke!”

THAT’S NOT Noy! That’s not my brother! I swear, may gusto lang manira sa kanya! How do I erase this message?!? Darla, paki-erase please. NOW NA! Thank you. Next message please!

Tooooot!
“Hi babe! You read the website news babe? The website news say my ex wife Krissy do not have sex life. Hi-hi-hi-Hi Inggit much babe to you. You babe always have sex life. Babe, I have game tonight but after finished the laro, we will have… secret… hi-hi-hi you know what I mean. Babe? Babe?!? Ay pisti, wrong number ang na-dial ko. Yawa!”

YOU WANT ME to react to that? Sorry. I’m not going to make patol. Natuto na ako kina Ate Pinkee at Ate Ballsee. Forgive, forgive, forgive para suwertehin ka lalo. Masaya ako sa buhay ko at super blessed ako! So deadma na sa mga taong nega! Next message please! Now n… SANDALI LANG. INGGIT MUCH PALA HUH! PWES, HINDI MO MAKUKUHA SI BEEM THIS WEEKEND! NO WAY! Hmpf! Next!

Tooooot!
“Hey! Finally, nagkausap din tayo. At birthday mo pala. Pasensya ka na Mrs Napoles. Noong time na takbo ka nang takbo, habol naman ako nang habol. Until I caught up with you. So ‘yan ang napala mo. Magbago ka na habang may time pa! – Sincerely, Karma”

WALA NA AKO sa mood mag-react. BASTA! Ayoko na! He’s so kapal talaga! I don’t have sex but I am happy. Hellllllow… bakit naman ako maiinggit sa kanila? Kainis! Wait! Check ko lang ang cellphone ko. May voice mail yata.

Tooooot!
“Hi Krissy! Si Janet Napoles ‘to. Sexless ka ba? Hindi ka nag-iisa!”

NAKAKALOKA!
—————————————————————————–
“As long as karma exists, the world changes. There will always be karma to be taken care of.”
~Nina Hagen

Sound Bites
“I know my priorities siguro kaya na-bi-bless because I don’t have sex.”
~Kris Aquino

In Memoriam

coy
Noong 2011 at 2013, si Coy Caballes ng Globe ang tumawag para sabihin sa akin, “Loi, finalist ka sa Tatt Awards!” Baby pala niya ang Tatt Awards. Noong 2012, magkasama kami sa Tatt Council. I wasn’t able to attend the awards night last year so hindi ko na ulit siya nakita. Today, January 16 is my birthday. Today, Coy Caballes – who’s in his 20s, passed away. Rest in Peace Coy. Maraming salamat sa mga naging ambag mo sa pagpapayabong ng social media sa bansa.

Sayang, hindi mo na mapapanood ang game ng Fighting Maroons. Mukhang makakaisa pa naman sila this year.

Have a safe weekend!

Postscript: To everyone who sent their birthday greets, THANK YOU so much!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Kris Aquino, PNP]

Advertisements

Actions

Information

2 responses

23 01 2014
Glen Magistrado

Iba ka talaga Heckler, “winner” (Krissy tone)

Like

5 02 2014
poshpee

“kakatawa” krissy tone”

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: