Advertisements

PINOY FIRECRACKERS: A GUIDE (2013)

29 12 2013

HERE’S A GUIDE to some of the more popular firecrackers being sold in the Philippines.


Noynoy Firecracker (Classic Edition)
Malapit nang mag-celebrate ng 54 years sa market ang firecracker na ito. Ayon sa mga manufacturers, may kakayahan pa naman daw pumutok ang Noynoy Firecracker. Ayaw lang nilang sabihin kung malakas pa ang putok nito.

Noynoy Firecracker (Limited Edition)
Okay lang na maputukan ka ng firecracker na ito. Eh ano naman kung masugatan ka? “Buhay ka pa naman ‘di ba?

Miriam Firecracker
Ang pinakamaingay na paputok. Mag-ingat sa paggamit. Kung ayaw mong masugatan, huwag kang tatanga-tanga.

Enrile Firecracker
Ang unang firecracker na ibinenta sa Pilipinas. Ilang beses na rin itong ipinagbawal ng pamahalaan pero tuwing magpapalit ng administrasyon, nagpapalit rin ng packaging.

Erap Firecracker
Pansamantalang nawala sa market ngunit matagumpay na nakabalik. Muling bumenta at kinagat ng publiko.

Junjun Binay Firecracker (Classic Edition)
Kahit anong pigil mo, kahit ipagbawal ng authorities, puputok pa rin.

Junjun Binay Firecracker (Limited Edition)
Pumuputok lamang ang firecracker na ito kung ang magsisindi ay nakapayong!


Napoles Firecracker (Classic Edition)
Paboritong paputok ng mga senador at kongresista and their chiefs of staff, governors, mayors, at iba pang high-profile personalities. Bidang-bida ang paputok na ito sa kanilang parties and events. (Noon ‘yon.)

Napoles Firecracker (Limited Edition)
Ayon sa advertisement, malakas raw itong sumabog. May kamahalan kasi – pero kapag sinindihan mo na, wala namang tunog. Sasayangin lang nito ang oras mo.

Butch Abad Firecracker
Ang paputok para sa mga close friends at allies ng manufacturer. Kung hindi ka friend, hindi ka bebentahan.

Jinggoy Firecracker
Kahit hindi ikaw ang nagsindi, matitilamsikan ka ng pulbura ng paputok na ito. Damay-damay na.


Mar Roxas Firecracker
Kapag bibili ka nito sa tindahan, kailangang magpakita ka ng sulat mula sa iyong parents bilang patunay na pinapayagan ka nilang bumili. You must remember, the firecracker is illegal, you are just a kid.

Romualdez Firecracker
Mausok ang paputok na ito. Warning: Nakakaiyak ang fumes.

Meralco Firecracker
Laging tumataas ang presyo ng paputok na ito. At kahit hindi naman ikaw ang gumamit, ikaw pa rin ang nagbabayad! Unfair!

Zenaida Ducut Firecracker
Grabe ang kapal ng packaging ng paputok na ito. Kahit idineklarang ilegal, nasa market pa rin. Ayaw talagang mawala.

Pacquiao Firecracker
Sabayan ng sign of the cross ang pagsisindi dahil baka ‘di mo kayanin ang kanyang lakas. Pray ka na lang kay Lord!

Kim Henares Firecracker
Scary ang paputok na ito. Kapag mayaman ka at sinindihan mo ito, hahabulin ka!

Eric Tayag Firecracker
Ang nakaaaliw na paputok. Matapos sindihan, sumasayaw. Highly-recommended for the whole family.

Ruffy Biazon and Ricky Carandang Firecrackers
Inihinto na ang production ng mga paputok na ito. Hindi na raw bumibenta.

Arnold Clavio Firecracker
Ang paputok na madaling mag-init.

erER Ejercito Firecracker
Hindi lang siya basta firecracker. Period. Deadma na lang sa packaging na mukhang Photoshopped.

Anne Curtis Firecracker
Ang nakagugulat na firecracker. Pagkasindi mo rito, nagwawala kaagad. Ingat mga friends!

Freddie Aguilar Firecracker
Lumang klase ng firecracker pero pumuputok pa rin (daw). Ilayo ang mga bata. Delikado.

Wally Bayola Firecracker
(‘Wag na lang ‘to.)
———————————————————————-
“Cheers to a New Year and another chance for us to get it right.”
~Oprah Winfrey

Sound Bites
“‘Yung mga kritiko ho natin may industriya na ho sa Pilipinas na sa totoo lang ho hindi ba ang dali namang sumulat ka sa papel, banat ka. Talagang kami ho tuksung-tuksong sabihin, ‘kayo nga kaya ang pumunta rito at subukan n’yo ang magagawa n’yo, ‘di ba? Problema ho ni ayaw tumakbo. Bahala na si Lord sa inyo, busy ako.”
~President Aquino to critics

Have a safe 2014! Happy New Year!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: ABC, Freepik.com, DOH]

Advertisements

Actions

Information

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: