EXCLUSIVE: BINAY’S UMBRELLA BREAKS ITS SILENCE ON DASMA GATE

THE BINAY SIBLINGS, a mayor and a senator have spoken. The security agency, and the villagers have also released their respective statements. Today, we’ll hear from one of the witnesses whose name has been unfairly dragged into the Dasma Gate controversy.

Please welcome… ang PAYONG.

Untitled2a
Huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa. Unang tanong: Kitang-kita ka sa CCTV nang gabing maganap ang insidente. Ano ang ginagawa mo ro’n?

Ang totoo po n’yan, natutulog ako sa likod ng kotse nang oras na ‘yon. Napagod kasi ako dahil halos maghapon akong ginamit. Nagulat na lang ako nang may dumampot sa akin. After a few seconds, katabi ko na ho si Mayor.

Umuulan ba ng gabing ‘yon o kaya umaambon man lang?

Hindi ho.

So bakit kailangang lumabas ka?

Itanong n’yo na lang ho kay Mayor. Ayaw kong mawalan ng trabaho eh.

Fine! Lagi ka bang ginagamit ni Mayor?

Pwede ho bang off-the-record na lang ang sasabihin ko?

Sige.

Lagi nga ho akong pinag-o-OT eh. Maging sa dinner o kaya sa shower, ultimo sa pagdumi niya, nakapayong pa! Ok lang ho ‘yong dinner o shower eh pero ‘yong pagtae, hindi ko kinakaya.

That’s really weird.

Kayo ho ang nagsabi n’yan.

Untitled2a
Anyway, ‘wag na nating pakialaman ang pribadong activities ng amo mo dahil labas na ang publiko d’yan. Balik tayo sa nangyari sa Dasma. Inuulan ngayon ng batikos si Mayor. Totoo bang sinabi niya sa mga security guards ang linyang, “Hindi n’yo ba ako nakikilala?”

Medyo unfair ho ang lumalabas sa balita eh. Edited na ho. Malisyoso! Ganito ho ang kumpletong pag-uusap na narinig ko:

*****
“Merry Christmas mga pards! Kasama ko si senadora sa kasunod na kotse. Nagmamadali lang kami. Makikiraan naman d’yan.”

“Sorry sir, pero bawal na ho talagang dumaan. Past 10 PM na. Patakaran ho ‘yan.”

“Nakikita mo ba ako?”

“Oho sir. Pero bawal talaga.”

“Sigurado ka bang nakikita mo ako?”

“Oo naman sir. May ilaw naman eh.”

“Sige nga. Kung talagang nakikita mo ako… lugar ba ako?”

“Hindi!”

“Bagay?”

“Hindi!”

“Hayop?”

“Pwede!”

“T*ng-ina ka ah. Binabastos mo ba ako?”

“Sir, kahit guard ho ako, nag-take naman ako ng Biology noong high school. Ang humans ay hayop din, right? RIGHT!”

‘k. Ituloy na natin! Pagkain ba ako?

“Hindi!”

“Anak ba ako ng pulitiko?”

“Oo!”

“Anak ba ako ng susunod na presidente?”

“Assuming!”

“Ulol! Member ba ako ng political dynasty?”

“Naman!”

“Gago ka ah! Oo o Hindi lang! Political dynasty ba kami?”

“Pass!”

“Sino ako?”

“Tanga ba kayo sir? Oo o Hindi questions lang!”

“Sorry naman. May kapatid ba akong senadora?”

“Sort of!”

“Tarantado! Anong sort of? Inuulit ko: may kapatid ba akong senadora?”

“Oo! Ayan nga ho, nakatayo sa likod ng kotse n’yo!”

“Padadaanin n’yo ba ako?

“Hindi!!! Naku! Time’s up na sir!”

“Ayaw n’yo talaga akong padaanin? Hindi n’yo ba ako nakikilala?”

“Sorry nga sir, tapos na ang 2 minutes eh.”

Untitled2a
Ibig sabihin, talagang binitiwan ng amo mo ang linyang, “Hindi n’yo ba ako nakikilala?”

To be fair ho kay Mayor, naabutan siya ng time bago niya itinanong ‘yon. So, hindi po counted.

Totoo bang kusa raw sumama sa Makati City Police Headquarters ang mga security guards?

May choice ba sila? Ayaw kong sagutin ‘yan. Mahirap na. Ang sarap-sarap ng buhay na tahimik ‘noh!

May nagpapatanong nga pala, bakit daw blue and white ka? Associated daw kay Mar Roxas ang blue. Mas bagay raw ang itim na payong kay Mayor.

Alam n’yo ho, ‘yan ang problema sa mga kritiko ng amo ko – masyadong pini-personal ang debate; pati hitsura, pinaglalaruan. May na-mention pang komedyanteng kamukha raw. Eh ‘di kayo na ang perfect! Pati kulay ng balat pinagdidiskitahan. That’s racism!

Racism agad-agad?

Sige… melaninism na lang! Hindi ho ikinakahiya ni Mayor na melanin-gifted siya. Kung may problema kayo sa balat n’ya, problema n’yo na ho ‘yon pero ‘wag n’yo itong gamiting isyu laban sa kanya. Masyado kayong namumulitika!

Ano’ng reaksyon mo sa pagkukumpara ng mga tao sa pagpapayong ni Mayor at ni dating First Lady Imelda Marcos?

Sumalangit nawa ang kaluluwa niya.

Sira-ulo! Buhay pa si Mrs. Marcos.

Buhay pa ba? Sorry. Hindi ko kasi naabutan ang pagpapayong niya noon. Tanungin mo na lang si Mayor. Mas familiar siguro s’ya.

Balik tayo sa insidente sa Dasma. Sa palagay mo ba ay tama ang naging asal ng iyong amo nang gabing ‘yon?

Merry Christmas nga ho pala! Marami ba kayong inaanak?

Again, inaamin mo bang mali nga si Mayor?

Grabe ho talaga ang nangyari sa NAIA Terminal 3! Wala talagang silbi ang mga pulis at ang DILG Secretary na ‘yan! Hoy Mr. Palengke, mag-resign ka na!

Huling tanong, bilang eyewitness sa pangyayari sa Banyan gate ng Dasmarinas Village, sa tingin mo ba ay mali ang naging asal ng amo mo?

Naku! I have to go na ho. May nag-text! “Dear Payong, Umuwi ka na. Natatae ako. – Mayor.” BYE!
———————————————————————-
“The highest proof of virtue is to possess boundless power without abusing it.”
~Lord Macaulay

Sound Bites
“I am saddened by the statement of the VP that he should have been given courtesy. No amount of need of courtesy will justify your willingness to kill a person just because he did not give you courtesy. You can’t demand courtesy by the barrel of a gun.”
~Sen. Alan Peter Cayetano on the Dasma Village incident

“I am not one who comments on every issue just to get publicity and to advance any political plans. At hindi ko ugaling manira ng ibang tao para lang malagay sa media.”
~Sen. Nancy Binay on Sen. Alan Peter Cayetano’s reaction to DasmaGate

“The sad fact is that people in power continue to find the need to flex muscle at the slightest opportunity, and take umbrage when crossed, and cry malice, cry persecution, when found out and exposed.”
~Philippine Daily Inquirer Editorial

Happy Holidays!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Philippine Daily Inquirer]

Advertisements

Author: professionalheckler

See About the Heckler

12 thoughts on “EXCLUSIVE: BINAY’S UMBRELLA BREAKS ITS SILENCE ON DASMA GATE”

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s