Advertisements

KRISSY FOR YOU (ASKKRISSY.FM II)

1 12 2013

images
“HELLLLLLLOOOO! Andito na naman ako. Sorry. Wala kayong choice! Aha-ha-ha But first, I just wanna say na shocked talaga ako when I learned about the death of Paul Walker. Gosh, he’s so nice pa naman to the Philippines. Grabe talaga! I was kinda hoping pa nga na it was just a hoax kasi may website na nagsabing hoax nga raw. But it turned out na hoax ang news na hoax ang death. So, ‘yon. It’s just really heartbreaking. Kanina nga, I was almost in tears while reading TMZ’s report. Then biglang lumapit si Bimbee and asked, “Mama, are you and Papa fighting again?” Umurong ang tears ko. Kaloka s’ya huh. Naiiyak lang, fight kaagad ang nasa isip. But I can’t blame Bim. Protective talaga siya sa mama n’ya. Alam mo na! Anyway, I’ll just pray for Paul’s soul. Gosh, sayang talaga. He’s just 40 eh. Sana kinuha na lang ‘yong mga bad na tao who’s 89 years old na. Marami naman d’yan. Aha-ha-ha! Joke lang! Baka sabihin n’yo, “Ang mean mo Krissy!” Quiet na lang ako.

Start na tayo! Heto ang ilang questions from you na wala naman akong choice kundi sagutin. First: Hi Krissy! Nagbabayad ka ba ng tamang tax?

Hellllllooooow! Excuse me! Consistent ako sa listahan ng top taxpayers in the country ‘noh! And I’ve always been honest with my obligations. Why would I cheat? Boxer ba ako? Ay! Ano ba ‘yon?! Sorry. Wala akong pinatatamaan. Promise. Wala talaga. Aha-ha-ha

Next question: Team Enrile or Team Miriam ka ba?

You know what? As much as possible, ayokong makialam sa away ng may away. Baka masabihan na naman akong nakikisawsaw so I’d rather not answer that. Sorry! – although if I were called names like psychotic, inane, deranged and schizophrenic, gosh… fight kung fight! It’s below the belt na eh. I mean, it’s getting too personal na. We should just stick to the issue, tama? I accused you of thievery and you retaliated by calling me luka-luka? It’s just way out of line. In short, no comment ako d’yan. Period!

From James#18: Bakit mo pinag-artista si Baby James? Pumayag na ba ako?

Care bears! Next!

AL
Hi Krissy! Sabi ni Mommy D, inaapi raw ng Aquino administration si Pacquiao. Anong reaksyon mo?

I love Mommy D! Promise! Baka sabihin n’yo namamlastic na naman ako. Noooo! I really love her! Swear! I saw her interview on Patrol and laugh ako nang laugh. Para s’yang possessed or something. Aha-ha-ha Tinalo pa ang storm surge! Hindi ko s’ya kinaya! I’m sure nag-rate ‘yon! To borrow my friend Boy’s linya, “And that’s the bottomline!” Ratings! Umamin kayo News people!

Binabatikos si Vice President Binay dahil sa mga relief goods na may name niya. Sa tingin mo, pamumulitika ‘yon?

Nakakaloka nga eh. Consistent ang lolo n’yo sa mga disasters! Labeled kung labeled! But I believe Tito Jojo has responded to that already. It was a super sipsip supporter daw of his in the Visayas who put those OVP stickers. Palusot! Aha-ha-ha Ang tagal pa ng eleksyon huh. Kaloka. Ayaw ni Korina Mar ng ganyan.

Ma’am Krissy, kaka-register ko lang po as first time voter dito sa Cebu. Solid Krissy po ang family namin. Fans n’yo po ako. Promise po, sa 2016… iboboto ko kayong governor ng Tarlac.

Aww. Thank you. I love you naaaaah.

Hi Krissy. I’m Attorney Lorna. Parang ang plastic naman ng previous answer mo. Paano ka iboboto sa Tarlac eh Cebuano ang mga ‘yon?

‘Wag kang makialam girl! Ayusin mo na lang ang make up mo. Next!

Uy! Tinanggap na raw ni ex-senator Lacson ang pagiging rehabilitation czar. Sa tingin mo, alin ang dapat unang i-rehabilitate?

‘Yong image ni Noy. Promise! Kasi nga, na-nega s’ya nang slight dahil sa naging response sa Yolanda, right? You know naman his critics, hangga’t may mahahanap na butas, hahanap at hahanap sila. Aminin! Mga inggitero kasi. Hay naku, ‘pag ‘di ako nakapagpigil, I will name names. Konting-konti na lang…

Ate Krissy! Dati mo pong co-host si Korina Sanchez sa isang talk show. Ano ang masasabi mo sa isyu between her and Anderson Cooper? Close ka ba sa kanya?

No. Next!

1M
Krissy, kung niligawan ka ba ni Ka Freddie Aguilar noon, nagkaroon kaya ng chance na maging kayo?

Yaaaaaaaaaaakkkkk. Ay, sorry. Kasi naman ‘yang tanong mo! Basta! I have a high regard for him as an artist pero hellloooo! Mas mahaba pa ang hair niya sa akin ‘noh! Besides, we’re too old for each other. Alam mo na!

Krissy, kung papipiliin ka between the presidency and a lifetime partner, let’s assume na sure na ‘yong dalawa pero isa lang ang pwedeng piliin, what would you choose?

Alam mo, my family has been honestly serving this country for decades. Nakita ko ang hirap at pagod nina Daddy and Mommy, ‘tsaka ni Kuya Noy. I really salute them for sacrificing a lot. Kung ako ay bibigyan ng pagkakataong ipagpatuloy ang kanilang mga nasimulan, why not ‘di ba? If it’s God’s will, so be it. But I am not getting any younger. Forty-three na ako sa February and gusto ko rin namang lumigaya. Ilang beses na akong nagkamali sa mga lalaki, so sana… ‘yong susunod na karelasyon ko, siya na talaga. Kaya pasensya na Boy, Ate Pinky, Ate Ballsy and Viel but I think enough na ang two presidents from our family. I’ll have to choose… a lifetime partner. Now na! Aha-ha-ha!

Ma’am Krissy… atin-atin lang po ito… matagal ko na po kasing naaamoy eh. Tomboy po ba si BIR Commissioner Kim Henares?

NAKAKALOKA KA! Happily married s’ya ‘noh! Short hair lang, tomboy na? Uunahan na kita: babae si Tita Dinky ! Aha-ha-ha

‘Kapagod sumagot huh! Last na ‘tong appearance ko na ‘to, I swear. Next time maniningil na ako! Aha-ha-ha By the way, abangan n’yo ang movie namin nina Vic, Ryzza Mae at Bimbee. Ang husay-husay ng mga bagets! Matutuwa kayo. ‘Buti na lang ‘di sa akin nagmana si Bim. Kung nagkataon, ‘di ko kakayanin kung puro tili siya. Aha-ha-ha

Sa mga medyo kontrobersyal at personal questions, I’ll just DM you. Halimbawa, somebody asked, “Krissy, totoo bang si (name of broadcaster) at si (name of pretty reporter) ay nagkatikiman sa dressing room?” Hellloooo! I’m so offended. Anong palagay n’yo sa akin, si Cristy Fermin?! Hindi po ako taga-News and Current Affairs, hindi ko alam ‘yan! (Actually, may alam ko d’yan pero ayokong ikuwento! Gosh, I’m so madaldal Aha-ha-ha)

Ay wait, may humabol na tanong. This is from some people on Twitter: Hi Krissy, anong masasabi mo sa pananampal ni Anne Curtis sa ilang celebs sa isang bar?

Bongga! Mas okay na ‘yong sampalan kaysa kantahan! Mas ‘di ko kinakaya ‘yon! Aha-ha-ha-ha!

images
IN HIS BONIFACIO Day speech, Manila Mayor Joseph Estrada compared himself with Andres Bonifacio. That was revolting.

Manila Mayor Joseph Estrada compared himself with Andres Bonifacio. Descendants of the Great Plebeian immediately issued a statement denying he was a plunder convict.

Joseph Estrada stressed, “Like Bonifacio, I was unjustly ousted.” To which, Andres Bonifacio reacted, “Move on-move on din ‘pag may time.”

In a speech Saturday, Nov. 30, Erap said, “Magkahawig ang sinapit namin ni Gat Andres Bonifacio.” When the Great Plebeian heard this, he cut his wrist with a bolo.

The Manila mayor added, “Hindi dapat maging hadlang ang ‘di pagtatapos ng pag-aaral upang magsikap ang isang tao na palawakin ang kanyang kaalaman.”Janet Lim-Napoles agreed.
—————————————————————–
“Don’t believe everything you think. Thoughts are just that – thoughts.”
~ Allan Lokos

uefaIn Memoriam: Paul Walker, 40
Actor Paul Walker was in Santa Clarita, California for a car show to raise funds for Haiyan/Yolanda relief effort in the Philippines when the fatal accident happened. Salamat Paul.

Have a safe week and a great December!

I am on Twitter: @HecklerForever.

[Photos: Derrick Monasterio, ABS-CBN News, Manila Bulletin]

Advertisements

Actions

Information

One response

1 12 2013
Jose Gaya

There’s a typo error. Paul was referred to as a “she” in the first paragraph. I love what you’re doing? Keep it up!

Sent from my iPad

Like

Say something...

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: